PromNakatungo lang ako habang naglalakad kami ni kuya papunta sa school, maraming sasakyan na pumaparada sa harap ng school at may mga estudyanteng bababa ruon na may ngiti pa sa labi, inayos ko ang cap ko para itakip pa to sa mukha ko at naikagat ang labi ko ng marating nanamin ni kuya ang pagaakyatan naming gate, mukha kaming magnanakaw sa ginagawa namin pero ito lang ang tanging paraan para makapasok kami, sanay na sanay si kuya sa pagdaan dito dahil madalas siyang nalalate at ito ang dinadaanan niya
Pinagpagan ko ang damit ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loob, mula rito'y kita na ang daanan papunta sa gym, may red carpet na nakalatag sa dadaanan at may mga nakasabit na paper lanterns sa bawat paligid, nagmukha itong elegante dahil na rin sa mga bulaklak sa paligid na mukhang pinadisenyo pa para magmukhang garden ang paligid
Halos magliwanag ang mga mata ko ng makita ko rin ang mga nakapaligid na christmas lights sa bawat punong madadaanan namin ni kuya
"Princess, dito ka lang, baka may makakita sa atin at palabasin tayo" mahinang bulong ni kuya matapos niya kong hatakin sa tabi niya, tumungo ako't pinagmasdan na lang ang bawat paligid
Nang tuluyan na kaming makapasok sa gym ay namangha ako agad, kung titignan ay parang hindi na ito ang gym namin, nagmukhang hotel ang paligid nito nang dahil na rin sa ceiling drapes at mga paper lanterns sa buong gym, ang sahig ay nababalot rin ng carpet, ang mga lamesa ay pabilog na pinatungan ng white table cloth, may mga nakalagay na rin na mga utensils ruon at pare parehas na wine glass sa gitna nito ay may nakadisplay na mga bulaklak at isang lantern sa gitna na mas nagpaganda pa dito, ang mga upuan naman na nakapaligid sa bawat lamesa ay kakulay ng tanso at binubuo lamang ng tig aanim bawat isa
Sa harap ay makikita ang mataas na stage na parang sinadya ring lagyan ng carpet katulad sa sahig, may isang mic stand sa gitna at sa mga corner naman ng pader ay may makikitang mga nakasabit na speaker, sa gilid ng stage ay may dalawang tao kung saan sila ang nakaassign sa mga kanta para sa espesyal na gabing ito, parehas silang may suot ng headphones at may kung anong inaayos sa equipment nila na kadalasan ay makikita lang sa mga dj
Pumwesto kami ni kuya sa madilim na parte ng gym, wala masyadong dumadaan rito kaya dito kami nagmasid
Ilang oras pa bago nakumpleto ang mga estudyante, nakita ko na agad sila Eunice at Eunica na parehas na nakalace backless long dress, Kay Eunice ay kulay itim na bumagay sa kanya dahil sa maputla niyang balat, mapula ang lipstick na nilagay niya sa labi niya at winged naman ang itsura ng pagkakalagay niya ng eyeliner sa mata niya habang si Eunica naman ay mukhang soft lang tignan dahil sa blue green niyang kulay na dress at sa manipis niyang eyeliner na bumagay sa medyo chinita niyang mata, lumalabas naman ang dimple niya sa t'wing ngingiti kung saan pinkish lang ang pagkakalipstick niya sa labi niya
Halos mangiti naman ako ng pasigaw na tawagin ni Troye ang dalawa, pinagmasdan ko ang suot niyang pink tuxedo at bow tie na pinartneran niya rin ng pink slacks
"Asan na si Fern?" rinig kong tanong niya sa dalawa, ngumuso lang si Eunica sakanya atsaka nagkibit balikat
"Minessage ko na siya pero wala paring reply eh" simpleng sambit ni Eunice, napangiwi ako ng maalalang naiwan ko pala ang cellphone ko sa bahay, di naman sila ganun kalayo sa amin kaya naririnig ko ang pinaguusapan nila
"Hintayin nalang natin, tara picture muna tayo habang wala pa ang girlaluu na yun" napangiti ako ng palihim ng lumakad na sila't magpicture picture, napatingin naman ako sa kakadating lang na si Ace kasama si Ayanna na siyang pinagkatinginan ng lahat at pinagkatitigan ni Eunice
Agaw pansin ang maroon suit ni Ace na talaga namang nagmukha siyang makisig katulad ni Troye ay maroon rin ang kulay ng slacks niya at bumagay naman ang dark blue niyang long tie rito, napunta ang tingin ko kay Ayanna na siyang inaalalayan ni Ace sa paglalakad magkahawak kamay sila habang ngumingiti sa mga napapatingin sakanila Maroon Beaded Strappy Two Piece Dress ang suot ni Ayanna, talagang bagay silang tignan ni Ace ng dahil rito, katulad kay Eunica ang pagkakalagay ni Ayanna ng eyeliner sa mga mata niya at kaparehas naman ng kay Eunice ang lipstick ni Ayanna, napailing naman ako ng nakangising sumunod si Skyler sa kanilang dalawa kung saan halos tumulo na ang laway ni Eunica ng pagkatitigan niya si Skyler, Grey Tuxedo ang suot suot ni Skyler na siyang nagpagwapong tignan sakanya, pinartneran niya to ng grey slacks at brown leather shoes, nang mapatingin siya sa gawi nila Eunice ay napawi ang ngiti niya at agad niyang hinagod ang buhok niya atsaka seryosong naglakad papunta sa table nila Ace na tinawanan lang ng huli
Mabilis na napunta ang mga mata ko sa lalaking agad na dinaluhan ng mga ibang babaeng estudyante, ang lakas ng dating ni Curt sa black suit and tie niya, napanguso siya ng biglaan siyang hilahin ng isang fan niya at makipagpicture
"Famous talaga" napangisi ako sa pagpuna ni kuya sa tabi ko kay Curt
"Famous talaga yan" natawa ako ng mahina ng sambitin yun kay kuya habang pinagmamasdan si Curt
"Mas gwapo naman ako diyan" napalingon agad ako kay kuya ng sabihin yun, hindi ko na lamang siya sinagot at umiling iling habang binabalik ang tingin kay Curt
"Si Rafa, ang hot beh" rinig kong sambit ng babaeng dumaan sa harap namin kaya agad akong tumingin kung saan sila nakatingin at duon nakita ko si Rafa na nakablack suit and red tie habang inaayos niya ang laylayan ng suit niya papasok, napangiti ako ng agaw pansin siya sa mga ilang babaeng narito
"Si Maddie ..." rinig kong bulong ni kuya kaya lumingon ako kung saan siya nakatingin at para akong nakakita ng prinsesa ng makita ko si Maddie suot suot ang Royal Blue Two Piece High Beaded Floor-Length Dress na pinartneran niya ng silver pumps, nakaladlad ang may pagkakulot niyang buhok at bumagay rin sakanya ang thick eyeliner niya pati na ang red lipstick niya na talaga namang pamatay
"Wow" rinig kong binanggit ni kuya, napangiti ako't hinayaan siyang pagmasdan si Maddie pero napako ang mga mata ko sa bagong dating
Mukha siyang anghel sa White Lace Off Shoulder Ball Gown niyang suot, lahat ay napatigil at pinagmasdan ang pagpasok nila sa gym, mala rosas ang kulay ng labi niya at bumagay rin sa mata niya ang cats eye liner, para siyang bride tignan habang ngumingiti siya sa mga taong nadadaanan nila, napatitig ako sa lalaking inaalalayan siya sa paglalakad, ang kamay niya ay nakalagay sa kamay nito na para silang ikakasal tignan, naka White Tuxedo siya at Black Slacks, bumagay ang black bow tie sakanya, gamit ang isang kamay ay tinignan niya ruon ang leather brown na wrist watch, wala siyang suot suot na salamin at tila parang may hinahanap sa pagtingin niya sa paligid
Kinagat ko ang labi ko ng magkatabi sila ni Tracey ng naupo sa table nila Ace, pansin sa mukha ni Ayanna ang pagkairita kay Tracey pero hinayaan niya na lang to at nakipagusap nalang kay Ace
"Princess ..." malungkot ang tono ng boses ni kuya ng tawagin ako pero nginitian ko lang siya paglingon ko sakanya
"Okay pa?" itinaas niya ang isang daliri para malaman kung ayos pa ko, tinanguan ko siya bilang sagot at sabihing ayos lang ako
Kailangan kong maging ayos para makita ko pa ang mga mangyayari at makita ko kung paano siyang magsaya kahit wala ako ...
to be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...