3

72 5 0
                                    

Breaking Skies

Nauna akong pumasok kay Maddie kaya may kaonting oras pa ako para maglibot sa school namin, dahil hindi ko pa talagang nalilibot ito dahil na rin sa kakulangan sa oras pero buti nalang at maaga akong pumasok ngayon

Nakangiti akong naglalakad hanggang sa madaanan ko ang isang kwarto, may nakadikit na mga pakulo sa pinto nito katulad ng "BS Fansclub" "Breaking Skies in our Hearts" at nakakatawang may mga mukha nila Mason ito pati na rin ng iba pa niyang kabanda, napahawak ako sa bibig ko nang marealize na ito ang pangalan ng banda nila Mason ang "Breaking Skies" pero bakit mayroong ganto rito?

"Hi" napatingin ako sa likuran ko nang may magsalita roon

May kulot na buhok at katamtamang kulay ng balat, kasing kulay ng pulang rosas ang kanyang labi at may mga mahahabang pilikmata, hindi siya ganun katangkaran pero tama lang ang height niya para sakanya, halatang sexy siya dahil sa fitted na uniform ang suot niya, ngumiti rin ako sakanya ng ngitian niya ako

"Member ka rin ba ng BS Fansclub?" tanong niya

"A-ah!" hindi ako nakapagsalita dahil sa kaba, nakakatameme naman kasi talagang magsalita lalo pa't ang gandang babae ang nasa harap ko, minsanan lang ako makakita ng magaganda pagkatapos kong makita si Maddie pagkatapos ito, ang ganda rin niya

"Okay ka lang ba?" lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso, napatingin ako sa kamay niya na nasa braso ko, ang lambot ng kamay niya parang hindi man lang nakakahawak ng mga alikabok, samantalang sakin pangconstruction worker ang kagaspangan

"A-ah opo, okay lang po ako, pasensya na po kayo ngayon na lang po kasi ulit ako nakakita ng magandang katulad niyo" ngumiti ako sakanya pagkatapos niyang matawa sa nasabi ko

"Sa tingin ko magkakasundo tayo hahahaha" ngumiti siya sa akin at inakay ako papasok sa kwarto na kaninang tinitignan ko lang

"I knew it, hindi ka talaga fan ng Breaking Skies no?" pangiintriga sa akin ni Maica nang ikuwento ko sakanyang napadaan lang talaga ako rito

"Fan naman nila ako ... sa katunayan nga eh, si Mason ang pinakagusto ko sakanilang lahat eh" nanlaki ang mata ni Maica sa akin at tila parang nasamid, inikutan niya ako na para bang may mali sa akin

"B-bakit Maica?" nahihiyang tanong ko sakanya

"Sigurado ka bang ayos pa yang utak mo? well, nabigla lang ako kadalasan kasi puro si Curt ang gusto ng mga babae dito sa school, nakakagulat lang na may nagkakagusto rin pala sakanya" tinignan niya ako ng parang nangaasar

"It's not what you think ha, I m-mean, syempre magaling siyang kumanta yun lang yun! there's nothing deep feelings .... hehehehe" pagpapaliwanag ko sakanya, natawa naman siya sa akin

"Ang defensive mo naman, okay lang yan no! I can keep your secret" ngumiti siya sa akin at para naman akong nakahinga ng maluwag

"T-talaga?" hindi ko na napigilan ang bibig kong masabi yun, siguro nga ganto talaga ako ang bilis magtiwala, pero mukha naman kasing hindi niya yun pagkakalat eh atsaka mukhang mabait siya

"So? gusto mo nga talaga siya? Ofcourse, I will not going to say that to my brother no, baka lumaki pa ang ulo niya" tila natigilan ako sa sinabi niya

I will not going to say that to my brother no ....

to my brother no ....

My BROTHER ....

Oh my god!

Pakiramdam ko ay naginit ang mukha ko at parang hindi ako makatingin sakanya

"K-kapatid mo si Mason?" pagkukumpirma ko

"Yes" ngumiti siya sa akin at ang tanga-tanga ko para hindi mahalata ang pagkakatulad ng mga mata nila, you're so stupid Fern!

Tumakbo ako palabas ng room at mabilis na pumuntang class room, sakto naman at kararating lang ni Maddie, pati na rin ng teacher namin

Ang bastos ata ng inasal ko kanina, hindi man lang ako nagpaalam kay Maica ... sa ate ni Mason, ang tanga tanga ko naman kasi eh, bat di ko man lang nahalatang magkapatid pala sila? Stupid Fern as always!

Pinagpapalo ko ang noo ko at napapikit sa sobrang kahihiyan

Dahil sa nangyari ay kinalimutan ko na si Mason

Literal na kinalimutan ko siya!

Sa tuwing madadaan ako sa room nila ay diretso lang ang tingin ko, at kapag siya naman ang nadadaan sa room ay pinagpapatuloy ko lang ang pakikinig sa teacher ko

Unti-unti kong nakalimutan si Mason dahil na rin sa sunod-sunod na exams at projects ay naging abala ako kaya hindi na ako nasasama ni Maddie sa t'wing pupunta siya sa practice nila Mason, kung wala naman akong ginagawa eh nakikipaglaro ako sa aso namin sa park o hindi kaya ay naglilinis ng bahay para na rin makatulong kayla kuya kahit papaano, naging masaya ang first quarter ko dahil nasuklian ang pagpupursigi ko, ako ang top 1 sa klase namin, yun nga lang dahil sa top 1 ako hindi ko na masyadong nakakasama si Maddie although nagkukwentuhan pa rin kami at sabay umuuwi at pati na rin magkakasama kaming nagboboxing pero kasi wala siya sa top dahil na rin puro si Curt ang inaatupag niya, minsan ay binibigyan ko siya ng mga reviewer ko or di kaya lectures kapag wala siya, minsan ay tinutulungan ko siya sa mga lessons na nahihirapan siya, at sa tuwing nandoon ako sa bahay nila na nagtuturo rin sakanya lagi kong napapansin si Nate na lagi akong ngingitian at babatiin, ang weird pero binalewala ko na lang

Nang mag3rd quarter na ay straight top 1 ako, hindi ko hinahayaang bumaba ang ranggo ko para na rin mapakita ko to kayla papa,mama,kuya at pati na rin kay tita para mas lalo siyang makumbinsi na karapat-dapat akong makapagaral sa Italy

Sa tuwing aayain naman ako ni Maddie sa mga galaan o di kaya'y sa practice nila Mason ay tumatanggi agad ako, hanggang ngayon ay iwas pa rin ako lalo na sa t'wing maiisip ko si Mason nahihiya ako sa kabastusang ipinakita ko sa ate niya, doon ko lang rin napagisip-isip na hindi ko nga dapat talagang seryosohin muna ang nararamdaman ko kay Mason, atsaka dapat magfocus ako sa pagaaral ko

Tuwang-tuwa sila mama sa akin nang makaakyat ako sa stage noong Recognition day namin, itinanghal akong Top 1 noong last quarter kaya naman, nagcelebrate kami noon nila kuya at mama pati na rin si papa sa bahay namin, hinandaan ako ni mama ng mga paborito kong ulam at sabay sabay kaming nagtatawanan at nagkukwentuhan noong kumakain kami, natutuwa ako dahil medyo bumubuti na ang lagay ni Papa, medyo nagiging masigla na siya kaya hindi na kami masyadong nagaalala sa kalagayan ni papa dahil lagi niya ring sinasabi sa amin na huwag na raw kaming magalala dahil matagal pa mamamatay ang pogi, nakakatawang isipin na ang simple-simple nang pamumuhay namin pero ang saya-saya naman

"Fern, magse-second year ka na sa susunod na buwan, gusto kong pagigihan mo pa ang pagaaral mo, Anak! mahal na mahal ka namin nila mama mo" napangiti ako sa tinuran ni Papa sa akin at hindi ko napigilang mapayakap sa kanya

"Opo papa, gagawin ko po lahat para sainyo nila mama at kuya" naramdaman kong hinalikan ni papa ang ulo ko at niyakap niya rin ako

"Sama naman ako diyan!" biglang sigaw ni kuya kaya halos matumba kami ni papa nang tumakbo siya payakap sa amin, nagtawanan kami ng dumating pa si mama dahil parang kumakarerang tumatakbo si mama para makiyakap rin sa amin

Ang mga gantong moments naming pamilya ang pinakahindi ko malilimutan dahil ito ang itetreasure ko sa lahat, ang pamilya ko

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon