Katotohanan
Huminga ako ng malalim nang tuluyan nang maibaba ng driver ang mga maleta ko sa taxi niya, pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay namin, gusto kong ngumisi nang makauwi ako ay tuwang tuwa pa ako pero ngayon parang gusto kong lumayo, gusto ko silang layuan lahat
Hatak hatak ko ang mga maleta ko nang kumatok ako sa pintuan, natutunan ko na kasing masama pala yung nangsusurpresa ka, dahil nagiging kabaligtaran ang lahat, kakamot kamot pa ng ulo si kuya ng pagbuksan ako ng pinto pero nang mapagmasdan niya ko'y agad siyang naghisterya
"Princess! Kailan ka pa nakauwi?" sa likod ng shades ko ay gusto kong maluha at mura murahin siya, ang sabi mo sa akin nandiyan ka lang pag sobrang sakit na, nandiyan ka lang kuya, pero bakit naging isa ka na sa dahilan kung bakit nararamdaman ko tong sakit na to? paano mo nagawang itago sa akin to? paano? pero nang yakapin niya ko'y nawala lahat ng gumugulo sa isipan ko, nagbalik sa akin ang galit at paghihinagpis, pagkahiwalay ni kuya sa pagyakap sa akin ay siyang pagngiti ko sakanya, ganto lang ako kadaling lokohin diba? ganto lang kadali!
"Today lang kuya" paslang ang pagkakasabi ko nun nang bigla niyang kuhain ang mga maleta ko, gusto ko sanang pumalag pero nakangiti niya nang ipinasok yun sa loob ng bahay
"Anak? Fern?" halos maghisterya ang boses ni Mama ng papalapit sa akin at yakapin ako, isang ngiti lang ang naibigay ko sakanya, nakakapagod magpanggap, para akong nasasakal sa mga panglolokong ipinapakita ninyo sa akin!
"Papa" madiin ang pagkakasabi ko nun nang ngitian ako ni Papa at iminuwestra niya ang mga kamay niya para yakapin ko siya, ginawa ko ang gusto niya, sobrang mahigpit ang pagkakayakap ko sa aking ama, ikaw ang lalaking mahal na mahal ko, ang lalaking gagawin ko ang lahat maging maayos lang ang kalagayan mo pero ikaw rin pala ang lalaking mismong sisira sa akin at mananakit sa akin, lahat ng masasakit na salita ay gusto kong ibato sayo pero nanghihina ako sa pagbanggit palang nang pangalan mo, Ama
Mabilis akong naestatwa sa pigura ng isang lalaki sa likod ni Papa na katabi ni kuya, nakaawang ang labi niya habang pinagmamasdan ako, tama nga ko, malaki ang pinagbago ng pisikal niyang katauhan, sa personal ay mas porma na ang muscle niya sa katawan, halata ko ito dahil sa suot suot niyang white long sleeve kung saan itinupi niya ito na hindi naman lalagpas sa siko niya, ang hindi parin nagbabagong mga mata niya, ang mga titig na hindi ko makakalimutan kung saan nagdadala ng mga kulisap sa tiyan ko, ang labi niyang mapupula at malambot, kung paanong pagngingiti siya'y nanlalambot na agad ang mga tuhod ko, tunay na mas gumwapo siya kumpara noon at talagang mas naging maskulado, kung pagtatabihin sila ni kuya ay hindi mo malalaman kung sino ang mas lamang, malaki ang pinagbago ng parehas, pero alam ko rin ang isang hindi magbabago, yun ay ang nararamdaman ko para kay Mason, hanggang ngayon ganun pa rin ang kalabog ng puso ko, ang unti unting nabubuhay na mga kulisap sa tiyan ko at ang iba't ibang kilig at kuryenteng dumadaloy sa buong sistema ko
"H-Hi" bati niya, inalis ko ang shades sa mga mata ko habang lumalapit sa pwesto niya, napatameme siya sa ginawa ko, ngumisi ako ng mapahinto ako at onti na lang ang pagitan naming dalawa
"Hi" ngumiti ako ng pagkatamis tamis kaya agad rin niyang sinuklian ang ngiti na yun, kung sana ay ako pa rin ang Fern noon ay kikiligin na ko ng sobra sobra pero ngayon gusto ko siyang pagsasampalin, mahal mo ko? pero nagawa mo kong saktan? pagmamahal ba yun? ha? siguro nga ay masayang masaya ka nung hinahabol habol kita, ganyan ka naman eh! gustong gusto mong nakikita akong nahihirapan, gustong gusto mo yung nagpapakadesperada ako sa paghahabol sayo
"Fern, anak, halika at kumain ka muna rito" narinig ko ang nahihiyang sambit non ni Mama, sa gilid ng mga mata ko'y tinignan ko siya pero agad ko ring binalik ang tingin ko kay Mason

BINABASA MO ANG
Chasing Him
Любовные романыFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...