Feelings
"We're here!" sabi ni kuya, nakakapanibago yung lungkot sa boses ni kuya, kaya nginitian ko siya
"Huy, anyare sayo kuya?" natatawa-tawang sabi ko sakanya, nginitian niya lang ako atsaka siya umiling
"Fern kasi----" napatingin ako kay Tito Michael, ang daddy nila Maddie
"Hali na kayo! kayo nalang ang hinihintay" nginitian niya kami ni kuya kaya ngumiti rin ako kay tito
"Salamat po, Tito Michael" naglakad ako papuntang kusina at kitang-kita ko kung paanong natigilan silang lahat sa paguusap, lahat sila napatingin sakin kaya ngumiti ako sakanila
"Goodevening po sainyong lahat" ngumiti ako sakanila at binati sila, binati rin naman nila ako at nginitian kaya umupo na ako sa tabi ni Papa, umupo si kuya sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya,malungkot ang mukha ni kuya kaya ng mapatingin siya sa akin ay nginitian ko siya
"I know na nakakapanibago na dito kayo nagdinner kasama namin" natawa si Tita Natasha, kaya napangiti rin ako, dahil sa tagal nanaming magkapitbahay ngayon nga lang kami nagkaroon ng dinner na kasama sila at kasama nila kami
"well, gusto lang naman naming makasama kayo today kasi naman no, ang tagal-tagal na nating magkapitbahay---" napatingin ako kay Maddie na pinigilan ang mommy niya sa pagsasalita
"Mom, can we just eat first before you say your whole speech?" natawa naman kami sa pagsusuplada ni Maddie, nang mapatingin siya sakin ay umiwas siya ng tingin, nawala naman ang ngiti ko at tumahimik nalang
"Okay, sorry, come on! let's eat everyone" ngumiti ulit si Tita kaya naman kumain na rin kami habang kumakain kami napuno ng kwentuhan ang oras na yun, nagtatawanan kami sa t'wing ikukwento nila Tita at Tito ang mga kakulitan nila Maddie noon
"At eto pa ah, sino ba namang makakalimot sa suitor's ni Nate" napatingin ako kay Nate at napapailing siya habang nakangiti, napatingin siya sa akin kaya naman napangiti ako sakanya, napangiti rin siya sa akin
"Suitor's ni Nate?" tanong ni mama
"Yes, dahil wala siyang magusto-gustuhan noon nung mga bata palang siya, siya ang nililigawan ng mga girls, I remember that girl na sobrang ganda kaya lang hindi siya marunong magayos, she confessed her feelings to Nate and that was the moment I knew Nate will gonna be a heartbreaker, but then, I was so shocked ng tanggapin ni Nate yung chocolate na bigay sakanya nung girl" kwento ni Tita, natawa naman kami habang nagkukwento siya, napatingin ako kay Maddie at nakangiti na siya kaya napangiti rin ako, nang mapatingin siya sa akin ay umiwas siya ng tingin
"Bakit tinanggap mo, Nate?" natatawa na ring tanong ni mama kay Nate
"You don't want to know, Tita, believe me!" natatawa na si Nate habang iiling-iling, napahampas pa siya ng kamay niya sa mukha niya dahil namumula na ang mukha niya, natawa naman ako sa expression niya
"Guess what? Kinuha niya ang chocolate at nang bubuksan niya na nginitian siya nung girl ng sobra at nang mabuksan na ni Nate ang chocolate, he run so fast, we don't know why, hinintay namin si Nate na bumalik pero pagbalik niya hawak hawak pa rin niya ang chocolate at nandoon pa rin yung girl, nang kumuha si Nate ng chocolate pinakain niya yung girl, we were so confused at that time and then he smile at doon umiyak yung babae at nagtatakbo" umiling-iling si Tita nang maalala ang pangyayari, napatingin naman ako kay Nate at kagat kagat niya na ang labi niya
"bakit umiyak yung babae, Nate?" nananabik ng tanong ko, napakamot si Nate ng ulo niya at napayuko
"because that chocolate is my classmate dog poop ..." napanganga ako sa sinabi niya
![](https://img.wattpad.com/cover/64014955-288-k618255.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...