30

45 1 0
                                    

Escort

Hindi ko man lang malingon yung mga nadadaanan namin dahil tutok ang mga mata ko kay Mason

"May sasabihin ka ba sakin, fern?" tuloy tuloy lang ang paglalakad niya ng sabihin yun, hindi ko makita ang ekspresyon niya tanging ang likod at mga kamay na nasa bulsa lang

"Uhmm ..." tumango tango ako kahit na hindi naman niya yun nakikita

Pagkarating namin sa Small Garden ay naupo agad siya habang ganun parin ang ayos niya, napatingin ako sakanya at gusto ko nalang maestatwa sa posisyon ko, nakakapanghina ang itsura niya, para akong yaya kung ididikit sakanya, kaya talagang bagay sila ni Tracey. Naupo ako sa tabi niya at sinubukang tumingin sa iba para hindi naman siya mailang sa tingin ko

"Ano yung sasabihin mo?" malamig ang pagkakasabi niya nun, natingala ko siya at nakitang nakatingala lang rin siya habang nakapikit, tumatama sa buhok niya ang hangin at mukhang dinadama niya ito, hindi ko napigilang mamangha at mangiti nanaman sa napakagandang view

"Actually, tatanong sana" pagkasabi ko nun ay bumukas ang isang mata niya para tignan ako, nang makita niyang nakatingin ako'y pumantay na ang mukha niya at nakatingin na rin sakin ngayon

"Tungkol saan?" simpleng tanong niya, tumikhim ako bago ulit siya sagutin

"Anong nangyari nung battle of the bands? bakit hindi kayo champion?" humina ang boses ko sa pagtatanong kaya napaiwas ako ng tingin pero ramdam ko naman ang pagtaas baba ng braso ni Mason, nilingon ko siya at nakitang inayos niya ang salamin niya bago ako sinagot

"Ganun naman talaga eh, hindi palaging champion kami" pagkibit balikat niya, napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko, napalunok ako't nilingon siya ulit

"Pero diba gusto mong maging champion?" panibagong tanong ko nanaman

"Uhmm" pagsang ayon niya, lumalim ang paghinga ko sa sagot niya, bawat galaw at salita ay may ibang dalang kiliti sa akin

"Mason" napatingin ako sa mga taong dumating, ngiting ngiti sila na nakipagfist bump kay Mason pero paglingon nila sakin ay napawi ang mga ngiti nila

"Nandito ka pala, Fern" hilaw na ngiti ang naigawad ko kay Ace ng sabihin yun

"Woah, ang epal naman natin dito" natatawang sambit naman ni Skyler, napangiwi ako

"Hi" napatingin ako sa matangkad na babae, maputi at chinita, at may pinkish na mga labi, brown ang kulay ng mga mata niya kaparehas ng maikli niyang buhok, napangiti ako ng ngitian niya ko

"Hi" bati ko rin, lumapit siya sa tabi ko kaya napunta sakanya ang atensyon ko

"You're Fern, right?" malambing ang tono ng boses niya kaya agad akong tumango ng may ngiti sa labi

"I'm Ayanna Riley Gracias, Ace girlfriend" sumipol si Skyler kaya napatingin ako sakanya at nakita kong kinotongan siya ni Ace ng may ngiti sa labi, nilingon ko ulit si Ayanna at nginitian siya

"Fern Santillan" ngiting maamo ang naigawad ko, nangisi siya

"Ofcourse, I know you, you're very famous here in our school" nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya at nahihiyang ngumiti sakanya

"Sa ganda mong yan, walang lalaki na hindi magkakagusto sayo" pinagtiim ko ang mga labi ko sa sinabi niya lalo pa ng marinig ko ang kantsawan nila Skyler kay Mason

"nakakahiya naman, masyado mo na kong napupuri" natawa ako ng mahina pagkatapos kong ilagay sa likod ng tainga ko ang takas kong buhok, natawa rin siya

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon