29

50 1 0
                                    

1st Runner Up

"Ma!" agad kong dinaluhan si Mama pagkadating namin ni kuya sa hospital, nakaupo si mama sa mga upuan sa gilid at nakatitig lang sa ER, niyakap ko siya at duon ko lang narinig ang paghagulgol ni Mama

"Anak" basag na basag ang boses ni Mama ng yakapin ako pabalik, wala akong nagawa kundi hagudin ang likod niya para kumalma siya at umiyak na lang rin katulad niya

Nang medyo kumalma na si Mama ay hinarap ko siya agad, hindi ko na pinagkaabalahan pang punasan ang mga luha ko at takhang takha na tinignan siya

"Ma, ano pong nangyari kay papa?" pinilit kong ayusin ang boses ko kahit na nauutal utal na ako

Bumuhos lang ang luha ni Mama ng mapatingin siya kay kuya na nasa likuran ko, nilingon ko si kuya at nakatungo lang siya, nangunot ang noo ko't tinignan ulit si Mama pero hindi niya na nagawang sagutin pa yun ng lumabas na ang doctor galing sa ER

"Doc" agad kaming dinaluhan ng doctor pagkaalis niya ng hospital mask

"The Patient is okay now, bumaba na po ang blood pressure niya, but I can't assure you na magiging okay pa siya ulit kapag inatake nanaman siya, I need you to keep the patient away from stress or anything that can make his blood pressure high again" pagpapaliwanag ng doctor, halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig iyon

"Thankyou po doc, thankyou so much" iiyak iyak si Mama ng hawakan ang mga kamay ng doctor at luhuran ito, pinigilan kong maiyak ng alalayan si Mama sa ginagawa niya

"Doc, pede na po ba namin puntahan ang papa namin?" naluluhang tanong ko, nilingon niya ko at pinagtiim ang labi niya

"The patient must need to move to ward room first" simpleng sambit niya, tinanguan ko siya atsaka siya nagpatuloy sa paglalakad, inupo ko si Mama sa upuan at pinakalma

Thankyou God! Thankyou!

Umuwi muna kami ni kuya ng malipat na si Papa sa private ward room, si mama ang nagbabantay sakanya, nagpumilit pa kami ni Kuya na kami muna ang magbabantay kay Papa pero tumanggi si Mama dahil may pasok pa din kami bukas, pagod na pagod kami ni kuya ng makauwi pero nagawa ko pang maghugas ng katawan

Hindi ko ininda ang tubig na tumatama sa mata ko galing sa shower, ang dami daming tumatakbo sa utak ko at hindi ko na alam kung ano ba dapat kong unahing isipin, kinuskos ko ang mukha ko sa mga iniisip. Pagkatapos kong maligo ay pinunasan ko ang buhok ko't naupo sa kama, huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pagpunas sa buhok ko, inabot ko ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko't tinignan ang facebook ko

Ysabel Castadia posted Congrats Breaking Skies kahit na 1st runner up lang kayo, kayo parin ang panalo sa puso ko 

Tinignan ko pa ang iba't ibang post ng friends ko sa fb about ruon sa competition kanina, at napaawang ang labi ko sa mga nababasa ko

Ace Vincent Malgarejo posted Damn that Man, he's really inlove hahaha

Mikhaela commented ILY!
Rochelle commented The who?
Pia commented I'm inlove with you too, notice me please T_T

Nahaplos ko ang labi ko sa sobrang kabang nararamdaman

what happen?

Yun lang ang tanong na pumapasok sa isip ko, anong nangyari? palagi silang champion sa mga battle of the bands at ngayon sa school nagkaroon ng competition, oo panalo sila pero bakit 1st runner up? alam kong gustong gusto ni Mason maging champion sila

Kahit pinatay ko na ang cellphone ko't mahiga na sa kama'y hindi parin maalis sa isipan ko iyon, kahit nga sa pagtulog ay ginugulo ako ng isipan ko

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon