Smile at me
"Fern, wag kang magalala hindi ako magkakagusto sa kuya mo no" natatawang sabi ni Maddie habang umiinom ng juice na inihanda ng yaya nila
Magkakasama kami sa sala nila Maddie, kasama ko si kuya pati na rin ang bestfriend niya na kuya ni Maddie na si Nate
"Eh mas lalo naman ako, asa ka pa, Mads!" natatawang ganti rin ni kuya kay Maddie, natatawa lang kami sa kanila
"Hahahaha, at wag ka ring magalala Mads, I promise na hindi ako magkakagusto kay Nate" kumagat ako sa sandwich na hawak hawak ko atsaka ako napatingin kay Nate, nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya
"Ofcourse, hindi ka talaga magkakagusto kay kuya because you already like someone ...." pangaasar niya sa akin, tinutukoy niya si Mason
"Anong like-like someone? at sino naman yun princess?" mabilis na tanong ni kuya, tulad ng aking inaasahan
"Ahm kuya ... wala yun .... wag kang maniwala diyan kay Maddie, gawa-gawa yan eh" dinilatan ko ng mata si Maddie para manahimik na siya at tumigil sa pagpipigil ng tawa
"Hey kuya!" pagpansin ni Maddie kay Nate, na nakatingin sa sahig habang magkakrus ang dalawang kamay
"Uhm, why?" walang ganang sagot ni Nate kay Maddie
"Tahimik ka ata? Is there a problem?" napatingin na rin si kuya kay Nate at sabay kinotongan to
"Huwag ka nang magdrama bro, mahal naman kita eh, kaya nga pinangako ko na diba na hindi ko papatulan sister mo dahil ikaw lang bro" dinikitan pa ni kuya si Nate at animong parang babaeng nagpapacute kay Nate, hinarap siya ni Nate
"I know babe, nangako rin naman ako sayo na di ko papatulan si Fern ..." ako lang ba? o talagang may lungkot sa boses na sinabi yun ni Nate?
"Ohmygod! stop that bro-scenes nakakasuka!" umirap na sabi ni Maddie, natawa na lang kaming lahat sa inasta niya
Nang magboxing si Kuya at Maddie ay nanonood lang kami ni Nate, nakasanayan nanaming gawin to minsan kami ni Maddie or kami ni kuya or kami ni Nate ang nagboboxing, ginagawa naming libangan to at para naring self defense na tinuro sa amin nila Kuya at Nate
"Fern" napatingin ako kay Nate nang tawagin niya ako
"Po?" ngumiti ako sakanya nang lingunin niya rin ako
"Please don't "po" or "opo" me, I'm not that old" natawa kami sa tinuran niya
"Ahm, about dun sa promises namin ni Frank, I think hindi ko kas-------" hindi na natuloy ni Nate ang sasabihin niya nang biglang pumagitna si Kuya sa amin
"Nakakapagod! Princess, ikaw naman na ang makipagboxing kay Maddie, ang hyper niya grabe, baka di ko matansya masuntok ko siya eh" nagpupunas ng pawis na sabi ni kuya
"You should punch her, bro hahahahaha!" pagsang-ayon pa ni Nate sakanya, natawa na lang rin ako at napailing
"Okay then, Ako nalang ang gagawa nun para sainyo hahahaha" natatawa ring pagsangayon ko sakanila

BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomantikaFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...