31

48 1 0
                                    


Susundin ko na

"Babe, galit ka ba sakin?" nakanguso si Ace habang tinitignan si Ayanna na ngayo'y tinitignan lang rin ako

"No, why would I?" malambing na ngayon ang tono ng pananalita ni Ayanna ng tignan si Ace, gusto kong mapangiti sa kanila

"Sorry ah, gago kasi talaga yun si Mason eh" hindi ko alam kung para sa akin ang sinabi niya o kay Ayanna, pero nginitian lang ako ni Ayanna

"hindi siya ganun" sinsero akong ngumiti sakanila, nakita ko pa ang pagawang ng labi ni Ace sa akin

"yung Tracey na yun naman talaga ang may kasalanan eh" sumama ang tingin ni Ayanna sa kung saan atsaka ako nilingon at nginusuan, napangiti ako sakanya

"Sorry ah" paumanhin ko sakanila, nakita ko agad ang pagtatakha sa mukha nila

"Ha? para saan?" saad ni Tracey

"Bakit? may nagawa ka ba?" takha ring tanong ni Ace

"Nang dahil sa akin nagkaaway away pa kayo, kasalanan ko talaga" napailing pa ko habang nakatungo pero nang mapatingin ako kay Ayanna ay nakangiti na siya sa akin

"Nagtatakha talaga ko't nandoon si Tracey dapat ikaw yun eh, ang bait bait mo" napanguso siya kaya napatingin din ako kay Ace

"Wala ka namang kasalanan, Fern, ayos lang yun, magkakaayos rin kami nila Master, si Tracey lang talaga" umiling iling pa si Ace habang hinahaplos ang labi niya atsaka mapapatingin kay Ayanna

"Salamat pala sainyo ah, naiintindihan kong ginagawa niyo to para sakin, pero ...." napatingin sila sa akin ng pabitinin ko pa ang sasabihin

"Pero hindi niyo naman kailangang gawin yun" nginitian lang ako ni Ayanna atsaka niya hinagod ang likod ko, kaya napangiti ako sakanya, nginisian rin ako ni Ace kaya napangiti ako sakanya

"hindi nga namin kailangang gawin, pero gusto naming gawin, Fern" sinserong sambit ni Ayanna na hinawakan ang kamay ko, napangiti nalang ako sakanya

"Babe, selos na selos na talaga ko ah, sobrang bait mo kay Fern, ang touchy mo pa sakanya bat sakin hindi?" napatawa ako ng mahina ng mapanguso si Ace at magtampo kay Ayanna na tinarayan lang ng nobya

"Hindi mo kasi kasing bait si Fern" natawa ako sa sinabi ni Ayanna kay Ace na nginisihan lang rin ni Ace

Matapos nilang maglambingan ay nagpaalam na rin agad ako para puntahan ang section namin, mabilis ko namang nakita sila Troye kaya agad ko na rin silang dinaluhan

"Ferrrrrn" nginitian agad ako ni Troye at dinikitan rin nila Eunice

"Kumusta? okay ka lang ba?" maamong tanong ni Eunice, napangiti ako sakanila

"okay lang ako, ano ba kayo!" napailing pa ko atsaka naupo sa isang upuan malapit sakanila na kanila ring inupuan pagkaupo ko

"hindi ka ba nagsuicide after that? grabe lang talaga, tas tumakbo nga si papa Mason eh kahit di pa tapos yung songibels niya pero buti nalang 1st runner up mga lolo mo, tarush!" humalukipkip si Troye habang sinasabi yun, napatawa ako habang iiling iling

"nakakaloka nga si Tracey eh, nagulat kami bigla siyang napunta sa stage" umirap si Eunica habang nakanguso

"pero aminin, mukha siyang tanga nung nasa stage siya" sabay sabay na natawa sila Troye sa sinabi ni Eunice habang nagaapiran pa sila Eunice at Eunica, napailing na lang ako

"Ang sarap ngang kumanta ng "the one that got away" nung iniwan ni papa Mason si Tracey eh, nakakatawa talaga mukha niya nun" dagdag pa ni Troye na mas nakapagpatawa lang rin sakanila, napatikhim ako ng tignan sila ni Rafa ng seryoso

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon