Imahinasyon
Maaga akong pumasok sa school at nakitang onti pa lang ang mga estudyante sa field, naglakad ako papunta sa locker ko pero agad ring nahinto ng makita ko si Mason na nakatayo sa harap ng locker ko, nakatitig lang siya ruon at hindi ko alam kung bakit naghuhurumentado ang puso ko, nangangapal ang pisngi ko dahil sa pagpigil ko ng ngiti
Agad akong nagtago sa pader ng maglakad na siya paalis ruon, sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya, mabilis akong pumunta sa locker ko para buksan ito at nakitang may iilang loveletters nanaman, agad kong hinanap ang kay Mason, pero nakakailang minuto na kong naghahanap rito pero wala pa rin, napabuntong hininga ako ng malaang wala pala talaga siyang nilagay na loveletter dito, kumuha nalang ako ng ilang libro sa locker ko at nakatungong naglalakad papunta sa room
Bago ako makalapit sa room, narinig kong may nagst-strum ng gitara at kumakanta pa, sinilip ko kung sino yun, kahit nakatalikod siya ay alam na alam ko naman kung sino yun, si Curt
Naglakad ako ng dahan-dahan para marating ang upuan ko, tahimik kong inilapag ang bag ko sa upuan at bago ako makalapit kay Curt, narinig ko nanamang kumakanta siya kaya huminto na lamang ako at nanatiling nakatayo sa likod niya
Akin ka sa aking imahinasyon
Sana nama'y hindi lang hanggang doon
Kailan kaya ang aking pagkakataon,
Sa panaginip ko'y mahal mo ko 'ronNapangiti ako at pinagkrus ang mga kamay ko, ang gandang pakinggan sa tenga
Ooh! Ooh! Ooh! Oooh!
Akin ka na!"Nice song, ikaw nagcompose?" natigil siya sa pagsstrum ng gitara at napalingon sa akin, nakangiti ako sakanya at nakita ko pang medyo napanganga siya pero agad rin siyang umiwas ng tingin, naglakad ako para makapunta sa harap niya, umupo ako sa upuang nasa harap niya
"Ah, nope, kanta to ni Tj Monterde, isa sa mga idol ko sa kantahan" napatango ako atsaka niya ako ulit tinignan habang nakayakap siya sa gitara niya
"Tuloy mo, ang ganda ngang pakinggan eh" nakangiti kong sabi sakanya, huminga siya ng malalim atsaka ako nginitian, tumango siya atsaka ulit nagstrum ng gitara, tumingin siya sa akin atsaka ngumiti
Ikaw kasi tong tipong minimithi,
Yung sabi nilang di ka magsisisi
Kaya'y tanging hiling ko ay makatabi
Ka't maging dahilan ng 'yong ngitiSinabayan ko ng pagpalakpak ang pagstrum niya sa gitara, atsaka kami nagngitian dalawa
Gustong gusto kita ah!
bat ba di mo makita?
Na iniibig ka puso, salita't gawanapapikit siya sa huling sinabi atsaka dumilat at tinignan ako ng seryoso, napangiti naman ako sakanya
Kailan ba may tayong dalawa?
ngumiti siya sa akin, hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa sinabi niya pero pinagkibit balikat ko na lamang yun at napatingin sa likod niya kung saan tanaw na tanaw kong nadaan si Mason sa room namin at deretso lang na nakatingin papunta sa room nila, napangiti ako
At sa tuwing ika'y napapadaan,
Nabibighani sa yong kagandahan
Ngunit kahit di ka man malapitan,
Sa panaginip ika'y pakakasalan naOoh! Ooh! Ooh! Ooooh!
Akin ka na!Naririnig ko pang kumakanta si Curt pero busy na ko sa pagtingin kay Mason, nakita kong lumabas siya sa room nila at umistambay sa corridor nila, napangalumbaba ako habang nakangiti at nakatingin sakanya, nakikita ko lamang ang likod niya
Ikaw kasi yong tipong minimithi,
Yung sabi nilang di ka magsisisi
Kaya'y tanging hiling ko ay makatabi
Ka't maging dahilan ng yong mga ngiti
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...