Yada yada
Itinaas niya ang nalalaglag niyang salamin pagkatapos niyang magdasal ay napatingin siya sakin, nagiwas agad ako ng tingin at huli na ng marealize ko na kagat kagat ko parin ang tinidor at narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya agad akong napatingin sakanya
"kumain ka na kaya, mukhang gutom ka na oh" natatawang sabi niya, pakiramdam ko'y naginit ang mga pisngi ko kaya agad ko nalang binuksan ang styro ko habang sumusulyap sakanya, napaayos ako ng upo matapos kong sumubo ng isa
"kumusta pala nung christmas niyo?" paguumpisa ko, napatingin siya sa akin pero agad niya ring binawi yun at tinignan ang pagkain niya
Napatingin ako sa lalaking nagsstrum ng guitar, pero nang makitang nakatingin samin ang mga college ay napatingin na lang ako kay Mason
"okay naman, sa Baguio kami nagpasko at nagbagong taon" simpleng sagot niya, matapos malunok ang kinain niya
Nakagat ko ang labi ko ng marinig ang babaeng college na sumabay sa pagkanta nung lalaking college rin na nagsstrum sa guitar
Ohhh
Bakit di ko raw subukang manahimik
Madalas napapahamak kakahirit
Pag kausap ka'y lumilipad ang isip
Ang aga aga pa pero parang nananaginipNapalingon rin si Mason duon dahil sa ganda ng boses nung babae pero katulad ko'y umiwas rin siya ng tingin ng ngitian kami ng kakaiba ng mga college na yun, napatingin ako sakanya't nakitang namumula na ang tenga niya kaya patago akong napangiti
"so, ilang hrs ang binyahe niyo mula sa Ilocos papunta sa Baguio?" napatingin ulit siya sa akin at para bang interesadong nakinig sa tanong ko, hindi ko napigilang mapangiti ng marealize na ginagawa lang niya yun para hindi mapakinggan ang kanta nung babae
Sana lang sa akin di ka nagagalit
Sa mga banat ko na random lang na topic
Hi, kamusta ka, kain tayo, san malapit
Anong magandang movie, san ka galing, musta trapik"6 hrs mahigit, hindi ko rin alam kung bat sa Baguio eh sobrang lamig na nga dun pa nila napiling magstay noon" mahabang kwento niya, hindi ko na nagawang galawin ang pagkain ko dahil sa pakikinig sa sinasabi niya, sumusulyap siya sa akin pero hindi niya natatagalan ang mga tingin ko sakanya
Ah..Eh..
Pag kausap ka ay blankong blanko
Ah..Eh..
Anong magagawa ko kung
Para bang hibang, hibang parang sirang
Plaka at wala sa sarili't
Para lang timang, timang walang ibang masabi
At wala ng mahirit para bang
Yada yada yada yada yada yada
Da da da
Bakit pabulol-bulol na parang
Yada yada yada yada yada yada
Da da da
Bakit pabulol-bulol na parang"ganun talaga, ako nga rin eh kahit ang cold mo sa akin, pinipili ko paring magstay sa tabi mo" napaiwas ako ng tingin ng mapatingin siya sa sinabi ko, napapikit rin ako dahil sa nasabi ko at sa loob loob ko'y gusto kong pagsasampalin at dambahin ang sarili ko
Lord, take me now please!
Di alam kung ba't nanginginig ang labi
Halo halo ng pandiwa at panlapi
Di ako makabuo ng pangungusap
At uutal utal t'wing tayo'y mag-uusap"anyway, masaya ka naman ba nung christmas atsaka new year?" pagiiba ko ng usapan, napasulyap ako sa building na katabi ng small garden kung saan naruon ang iba kong kaklase at mga kaibigan na kilig na kilig na sinesenyasan ako, napailing ako kaya pagtingin ko kay Mason ay hindi na ko nagtakha ng makita niya rin yun , paglingon niya sa akin ay binalik niya ang tingin niya sa pagkain niya at nakita ko rin kung paanong napangiti siya at napailing
Ah..Eh..
Pag kausap ka ay blankong blanko
Ah..Eh..
Anong magagawa ko kung
Para bang hibang, hibang parang sirang
Plaka at wala sa sarili't
Para lang timang, timang walang ibang masabi
At wala ng mahirit para bang
Yada yada yada yada yada yada
Da da da
Bakit pabulol-bulol na parang
Yada yada yada yada yada yada
Da da da
Bakit pabulol-bulol na parang
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...