Sacrifice
Ngiting-ngiti ako ng ikwento kay Maddie ang pagchachat namin ni Mason kagabi
"Pagkatapos niyang maghello fern, edi nagopen agad ako ng topic hanggang sa ayun nga gabi na ng matapos kami sa paguusap, ako nga lagi ang nagoopen ng topic eh, tapos sagot lang siya ng sagot" natawa si Maddie sa sinabi ko
"Hindi naman halatang kilig na kilig ka, friend" natatawang asar niya sakin
"Loka! Sadyang ang saya ko lang at nakakausap ko na siya kahit sa chat nga lang, dibale, aayain ko siya minsan maglunch, para naman magkausap na kami sa personal diba" natutuwang suhestyon ko sakanya, napangiwi siya sa sinabi ko
"Yung totoo? Ikaw ba talaga ang lalaki sainyo, Fern?" napangiti na lang ako sa sinabi niya atsaka tumingin sa ibang direksyon
"Ako yung nagmamahal kaya ako ang nageeffort" bawing ngiti ang iginawad niya sa akin, atsaka niya ko tinapik sa balikat
"Mauna na ko ha, bye Fern" bumeso siya sa akin atsaka siya tumakbo papalayo, napabuntong hininga na lang ako
Inayos ko na rin ang gamit ko atsaka isinukbit ang bag sa balikat ko, naglakad ako papaalis sa small garden at dumiretso sa room namin, nagkakagulo pa sila ng makapasok na ko ng room, napatingin ako sa tabi ko at nakitang wala ruon si Rafa pero nandoon naman ang bag niya, umupo na lang ako ng bigla akong lapitan ni Curt
"Fern, mamaya punta ka ah?" nakangiting sabi niya, nginitian ko rin siya atsaka siya tinanguan, iniwan niya na ko atsaka siya nakangiting dumiretso sa upuan niya
Sumandal ako sa upuan ko atsaka tumingin sa labas, napangiti ako ng maalala ang paguusap namin kagabi ni Mason
Me: Hi, Mason
Mason: Hello, Fern
nakagat ko ang labi ko sa pagreply niya, mabilis ulit akong nagtipa ng mensahe
Me: salamat sa pagaccept crush ha, ano nga palang ginagawa mo? :)
Mason: hala, hahahaha wala yun! tinatapos lang yung project sa ibang subject :)
umayos ako ng upo sa kama at ngiting-ngiti ulit na binasa ang mensahe niya
Me: ah ganun ba, tapos ko na sa akin eh, kumain ka na pala?
Mason: hindi pa nga eh, kakain muna ko
magtatype pa sana ako ng biglang nagsign out na siya, napabuntong hininga ako atsaka binato ang cellphone ko sa kama, tumayo ako at nagbihis na ng pantulog, hindi na ko nagatubiling kumain dahil masyado akong napagod kanina dahil sa mga ginawa namin ni Nate, agad akong napasalampak sa kama ng marinig kong tumunog ang cellphone ko, may ngiti sa labi kong binasa ang message niya
Mason: kakatapos ko lang kumain, kumain ka na ba? :)
agad akong nagtatatalon sa kama at halos sumayaw na sa kilig na nararamdaman ko
TINANONG NIYA KUNG KUMAIN NA RAW BA KO!
that means may pake siya sa akin!
pinigilan kong maisigaw ang kilig ko at umupo nalang ulit, nagtipa ako ng mensahe para sakanya
Me: hindi pa nga eh, di naman ako nagugutom, atsaka kausap pa kita eh, oppurtunity ko na to para makausap ka eh :)
nakita kong nabasa niya na yun at medyo nabagalan pa ko ng muli siyang magsend ulit ng reply niya
Mason: hala, kumain ka muna, ayoko namang maging dahilan kung bakit di ka pa kumakain, sige na kain ka muna, may bukas pa naman eh
para akong kiti-kiting gumugulong sa kama at kilig na kilig sa nangyayari
BINABASA MO ANG
Chasing Him
RomanceFern is head over heels into Mason, it's kinda weird that a Girl can be like this to a Guy, he's not that badboy looking or a famous hearthrob in their school, he's just a simple guy who scared to fall in love again because of what happen in his pas...