21

40 1 0
                                    

Lunch

Agad akong napabangon sa kama ng masinagan ng araw ang mukha ko, nilingon ko ang orasan sa tabi ng kama ko, napaawang pa ang bibig ko nang makitang late na ko, nang dahil sa pagmamadali ko'y natapilok pa ko sa pagkakaalis sa kama ko, nasapo ko ang noo kong sumakit dahil sa pagkakadapa ko, hindi ko na ininda pa ulit ang sakit at dali daling nagtungo sa bathroom ko

Hindi na ko nagabalang magsuklay pa at agad na nagtungo sa school ko, mabilis akong tumakbo papunta sa clasroom ko kahit na hindi pa ayos ang pagkakaneck tie ko, hinihingal pa ako ng makarating sa harap ng classroom, lahat ng kaklase ko'y nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin, nakangiwi akong dumiretso ng tayo at hinagod ang buhok ko habang pinapakalma ang paghinga ko, napalunok ako at ngumiti sakanila

"Goodmorning" pagkasabi ko non ay agad akong hinila ni Rafa, inalalayan ko ang nahuhulog kong neck tie at naupo sa tabi niya lahat sila'y nakatutok ang tingin sa akin, sinikap kong tignan ang paligid at mukha ngang wala kaming teacher

Naiilang akong ngumiti ng sabay sabay silang binati ako't binigyan ng regalo, napakamot nalang ako sa likod ng tainga ko at tinanggap ang mga regalong binigay nila sa akin

"Salamat sainyo ah, pero pwede bang magayos muna ko?" nahihiyang sambit ko, natawa sila sa sinabi ko at agad akong pinakawalan, binigyan ko pa sila ng huling ngiti bago ako nagtungo sa restroom, agad kong sinuklayan ang magulo gulo ko pang buhok at huminga ng malalim ng matapos na ko, nagfoundation lang rin ako't onting liploss para maglight ang mukha ko, minabuti ko na ring ayusin ang neck tie ko dahil mukha na kong ginahasa sa itsura ko, pinagmasdan kong mabuti ang itsura ko sa salamin at napabuntong hininga, hinaplos ko ang gilid ng noo ko at nakitang may galos na ito, tinakpan ko na lamang ito gamit ang buhok ko at nagpatuloy na pabalik sa classroom

Absent ang teacher namin para sa una naming subject pero naging masaya naman ang oras na iyon dahil na rin sa mga kaklase kong nagkakatuwaan at puno ng storya noong nagdaang pasko at bagong taon

"Fern" napaharap ako kay Rafa na nahihiyang inaabot sa akin ang isang maliit na box, nginitian ko siya at inakbayan

"salamat" nginitian niya rin ako at inakbayan

"salamat rin kasi kaibigan pa rin ang turing mo sa akin" sinuklian ko na lamang siya ng ngiti at agad na ring bumalik sa upuan ko ng dumating na ang sunod naming teacher

"fern" mahinang tawag sa akin ni Curt kaya takha ko siyang sinulyapan

"here, take this, belated happy birthday, sweetie" malambing na bulong niya habang nakangisi pa, nginitian ko siya at tinanggap ang parisukat na regalo niya

"thankyou" bulong ko pabalik sakanya, kinindatan niya lang ako atsaka siya tumingin sa teacher namin kaya naman nakinig na lang rin ako pagkatapos non

Nang magbreak na'y nasulyapan ko ang paglalakad ni Maddie kaya agad ko siyang tinawag, naiilang siyang tumingin sa akin siguro'y iniisip pa rin niya yung tungkol sa nangyari pero hindi ko na lamang inisip yun at agad siyang nilapitan, nagulat siya sa paghatak ko sakanya papasok sa classroom pero hindi ko na iyon pinansin at agad siyang pinaupo sa tabi ni Curt at Rafa na nagaantay rin sa sasabihin ko, naupo ako sa harap nila at ngiting-ngiti na tumikhim kaya takha silang nakatingin sa akin

"well .... maglulunch kami ni Mason mamaya!" excited na sambit ko, napanganga pa sila sa sinabi ko't sabay sabay na natawa

"nahihibang ka nanaman, Fern" asar ni Rafa kaya natawa sila Maddie sa sinabi niya

"alam naming gusto mo talaga si Mason, fern pero tama na pagaassume" natatawa ring sambit ni Maddie kaya tinawanan rin siya ng dalawa, napanguso ako't sumandal sa upuan kaya natahimik sila at hindi makapaniwalang napawi ang ngiti nila

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon