one

4.6K 65 8
                                    

MIKA

"The airplane is now landing."

Lalo akong naexcite nang marinig ko yun. Heto na Ye, babalik ka na!

Maya-maya ay nakalapag na ang airplane na sinasakyan ko at tumigil na. Inayos ko na lahat ng gamit ko dito at pati ang sarili ko. Hoooh! After that long two years, heto na kong muli.

Isa-isa ng bumababa sa hagdan ang mga pasahero, medyo mahaba ang pila pababa pero mabilis lang kaya nakababa na rin ako.

"Haaay.. sarap talaga ng hangin sa Pinas." Sabi ko pagkababa na pagkababa ko ng eroplano.

Naglakad na ako papasok sa airport paa kunin ang mga maleta ko. Buti naman at sandali lang ang paghihintay at lumabas na ako sa arrival area.

Maraming taong nakaabang at pinaka naagaw ng pansin ko ay may mga reporters sa may labasan. Hindi ako nagkamali, ako nga ang puntirya nila. Naglakad ako palabas at buti naman na may sumunod saking mga guards para bantayan ako palabas.

"Hello Mika. It's nice to see you again here in Philippines, kumusta naman?" Tanong sakin ng isang reporter.

"Sobrang excited akong makabalik dito sa Philippines and that two years playing for the US Team was one of the best thing to me so far." Sagot ko hindi lang sa reporter na yun pero sa lahat para hindi na magtanong ng magtanong.

"Ano naman ang feeling na isa mga nakapagpa champion sa US Team?" Tanong ng isang reporter.

"Of course, I am very happy and proud also dahil napakita ko sa kanila na worth it ang pagrecruit nila sakin." Sagot ko.

Naglakad muli ako palabas dahil medyo nagiging crowded na. Well, sikat na sikat na ang lola niyo. Akala mo artista kung makapagkaguluhan ng mga reporters.

Tanong pa rin ng tanong ang mga reporters pero kailangan ko ng makaalis dito. Inunahan pa nila ang family ko na sumalubong sakin tss.

Sakto naman na may van na huminto sa may gate at nakita ko si Kuya Perry at si Kiefer! Kaya naman sumakay na ko doon at si Kuya na ang nagbuhat ng mga gamit ko sa Van.

"Hoooh!" Sigaw ni Kuya pagkasakay na pagkasakay niya sa Van.

"Iba na talaga si Mika. Famous na famous na!" Sabi naman ni Kief na siyang nagdadrive.

"Baliw. Buti sumama ka sa pagsundo sakin." Sabi ko at tinapik ko ang balikat niya.

"Syempre, pabawi ko sayo. Hindi ako nakasama sa paghatid sayo dito noon eh." Sagot naman niya.

"Aba, buti naman at naisip mo yan." Sabi ko at tumawa lang siya.

"Nasaan pala si Mommy at Daddy?" Tanong ko kay Kuya. "Akala ko sila susundo sakin."

"Baliw wag kang magtampo dyan.. nataong busy sila ngayon pero mamaya makikita mo sila." Sagot ni Kuya Perry.

Napasimangot na lang ako at tumingin na lang sa may bintana.

Exactly two years ago nang umalis ako dito. Sa totoo lang, parang kahapon lang ako, umalis at ngayon nakabalik na ako. Akala ko magiging mahaba yung two years na yun pero hindi pala. Masyado kong naenjoy ang buhay ko sa States. Naging madali siya kesa sa inaasahan ko. At doon sa two years na yun, doon ko nakita lahat ng pinaghirapan ko sa UAAP, lahat ng lessons na natutunan ko ay naiapply ko sa US na hindi lahat ng bagay makukuha mo agad tulad ng championship.

Hindi naging madali ang manalo samin pero when that right time came, nakuha namin ang kampyonato. Sabi nga nila, even the best fall down sometimes para  pag nanalo ulit, feel na feel mo dahil sa lahat ng pinagdaanan mo.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon