MIKA
"One, two, three, spike!" Sigaw ko at sumunod naman ang bata.
"Nice try!"
"Yey!" Sigaw naman ng bata at nag-apir kami.
"Wait, anong name mo?" Tanong ko at napatingin ako sa double sided tape na nakalagay sa may dibdib niya.
"Chloe po." Nakangiting sagot ng bata.
"Ayun, nice. Basta tandaan mo lang, na dapat pag bubwelo ka, sabay dapat tatalon yung feet mo then dapat sabay din lalanding sa floor para iwas injury." Sabi ko at tinapik ko ang balikat niya.
"Yes po Coach Mika." Sagot ng bata at tumakbo na siya para pumila ulit para makapalo.
Nandito na kasi kami ngayon sa isang school sa Cebu para ituloy ang project ni Vic.
And speaking of her, ayan na siya papalapit sakin.
"Hmm, water?" Sabay abot niya ng botted water sakin. No choice naman ako kaya kinuha ko na. Uhaw na rin naman na ako, pabebe pa ba?
"Nasan ba si Cienne?" Tanong ko naman sa kanya. "Ikaw kasi 'tong abot ng abot ng tubig sakin eh."
Oo, mga pangalawang abot na nga sakin ni Vic ng tubig eh. Nakakainis kasi sabi kong medyo iiwasan ko siya pero sadyang magaling mang-asar ang tadhana.
"Ah, ayun siya eh." Sabay turo naman ni Vic sa malayo at nakita ko nga si Cienne na nakikipaglaro din sa mga bata.
"She knows how to play volleyball din pala?" Rinig kong tanong ni Vic.
Imbis na maiinis ako, napangiti na lang din ako. Nakakatuwa talaga na makita ulit ang mga kaibigan mong ngayon na lang ulit naglaro ng volleyball. Parang gusto ko nga rin makisali sa kanila kaso nandito kasi ako sa spiking department eh.
"Yeah, she knows how to play at magaling yan kung alam mo lang." Sagot ko kay Vic.
"Really?"
"Oo. She was first a spiker in our team then our coach switched her to libero." Kwento ko.
"Ah, kaya pala nandun siya sa digging department. Akala ko, dig lang alam niya. I didn't know na libero pala siya, she's tall for that though." Komento naman ni Vic.
Nakakapagtaka nga rin na bigla siyang ginawang libero ni Coach kahit na ang tangkad ni Cienne para sa position na yun.
"Hmm, ok lang ba tayo?"
Napatingin ako kay Vic habang siya naman ay nakatingin sa mga bata at tumingin rin sakin.
"I mean, okay naman tayo but you became masungit suddenly eh or ako lang yun?" Muli niyang tanong.
Napapansin pala niya ang pagiging cold ko sa kanya. Hindi niya deserve na mapagsungitan ko or what pero kasi kung hindi ko pipigilan ang sarili ko, I might fall for her again kasi kahit baliktarin mo pa ang mundo, siya pa rin ang Vic na gusto ko at minahal ko. Yun nga lang may amnesia 'to pero after all she's Vic pa rin.
"Tss, ano bang pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko naman at medyo humalakhak. "We're okay nga di ba? And sorry kung hindi man ako nakakasagot sa mga texts mo, medyo busy lang although na rest day natin the past few days."
"Ah, sure ka ba? Baka kasi may nagawa akong di mo nagustuhan."
Oo, yung nagpakita ka ulit na akala ko nakapagmove on na ako at naguguluhan na namang muli sa nararamdaman ko.
"Psh, ano ba Vic. Wala nga promise." Sabi ko at ngumiti ako. Napabuntong hininga naman siya at ngumiti na rin.
"Sure ka ha?" Muli niyang tanong at nagthumbs up ako. "O siya, I have to go. Pupuntahan ko pa kaibigan mo para iabot 'to."