thirty-seven

1.4K 70 11
                                    

VIC

Walang tigil sa pag-ilaw ang phone ko. Alam ko naman kung sino 'yang nagtetext sakin kahapon pa, si Mika syempre.

"Huy, tumatawag na oh."

Napatingin naman ako kay Kim na hawak ang phone ko ngayon.

"Hayaan mo muna." Simple kong sagot at nagdribble ako ng bola.

"Ano ba kasi talaga nangyari kahapon?" Tanong niya at lumapit sakin.

Kinuwento ko ang ilang kaganapan sa condo ni Mika kahapon. Nagulat din naman talaga ako sa surprise guest na yun. Lalo na yung narinig ko sa kitchen, siya nga talaga yung ex ni Mika.

"Ano ba itsura, baka mas gwapo ka pa?" Tanong niya at shinoot ang bola sa ring.

"Gago Kim, gwapo sobra. Kahit ganito ka pa, laglag panty mo dun." Sabi ko at ako naman ang nagshoot ng bola.

"Bakit nalaglagan ka ba?" Natatawa niyang tanong at tumawa siya lalo nang tumango ako.

"Siraulo ka Vic, so ganun talaga siya ka gwapo?"

"Oo nga tapos ang tangkad pa. Kaso nung nalaman ko na ex pala siya ni Mika, itinaas ko ulit panty ko shet."

Para kaming baliw ni Kim dito lalo na ko, alam kong galit ako pero wala kailangan ko na lang pasayahin ang sarili ko kesa sa magmukmok ako.

"Pero malay mo naman, may importanteng sasabihin sayo si Mika." Sabay pasa sakin ni Kim ng bola.

"Eh ayaw ko pa siya makausap, medyo nasasaktan kasi ako." Sagot ako at shinoot ko ang bola.

"Alam mo payo ko lang, wag ka ng maging selfish ngayon Vic. Alam mo namang ilang araw na lang, aalis na si Mika. She wants you, ngayon mo pa ba ipagdadamot ang sarili mo sa kanya?"


May punto si Kim pero hindi ko pa talaga kaya baka sa mga susunod na araw pa.

After namin maglaro ng basketball dito sa subdivision nila, agad kaming bumalik sa bahay niya para magshower. Niyaya niya kasi akong gumala na lang para mabawasan ang pag-iisip ko kay Mika at sa hindi ko maintindihang ex niya o boyfriend pa rin niyang si Luke na yon.







"Niyaya ko rin yung bullies except kay Mika kasi busy raw." Sabi ni Kim habang busy siya sa phone niya.

"Sus, busy sa Luke na yun." Sabi ko naman at ininom ko ang frappe ko.

Napatingin naman ako kay Kim na nakangisi sakin. Leche anong trip niya?

"Yung totoo Kim anong trip mo dyan?" Medyo masungit kong sabi.


"Eh kasi naman, ngayon na lang kita nakitang nagselos ulit." Natatawa niya sabi at pinisil ang pisngi ko.

Inirapan ko lang siya pero tawa pa rin siya ng tawa.

Maya-maya naman ay nakita ko na mula sa malayo yung Kambal, hindi nila kasama si Carol. Tinanong ko naman si Kim baka daw may training yung lokaret na yun.


"Hello guys.. I really missed you." Bungad ni Cienne samin at isa-isa kaming bineso.

Ganun din si Cams at umalis muna siya para umorder ng kakainin nila dito.

"Si Mika?" Tanong niya at nagkatinginan lang kami ni Kim.

"Busy daw eh." Sagot ni Kim.

"Weh, saan?" Tanong niya ulit.

Tumingin naman sakin si Kim pero hindi ako nagreact.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon