fifteen

1.8K 70 6
                                    

VIC

"Cravings satisfied na ba?"

"Oo naman." Sagot ni Denden sakin.

Kagagaling lang namin ni Denden sa Starbucks. Biglang kasing nagparinig na bigla raw siyang nagcrave ng frappe at dahil mabait naman ako, sinagot ko na.

"Daya, si Denden lang nilibre oh." Sabi naman ni Aly.

"Ayan si Kief oh, dyan ka magpalibre."

Nagkataong free kaming tatlo nila Kief and ni Aly tapos swerte ring niyaya ni Alyssa si Denden. Nung sinabi ni Aly na kasama nila ako, agad daw pumayag na sumama sa gala namin.

Tuwang-tuwa nga siya nang makita niya ako after two or almost three years na rin kasi last time I remember, noong nasa Museum pa kami huling nagkita. Well, she was broken noon but now she's very beautiful. Blooming nga ang lola niyo.

"So, tell me.. who's the unlucky guy-- Aray!"

Hindi niya ako pinatapos ng pagsasalita dahil pinalo niya agad ako sa braso.

"Whoa, alam ko.. libero ka and not a spiker pero ba't ganon, sakit eh." Reklamo ko while massaging my right arm.

"Bawi ko 'yan dahil sinaktan mo ko noon." Seryosong sabi ni Denden kaya nanlaki naman ang mga mata ko.

"Uy ang deep niyan Den ah!" Komento naman ni Aly.

"Syempre charot lang noh!" Sabay bawi naman ni Denden kaya natawa na lang ako. "Akala mo noh?"

"Huy asa." Sabi ko naman. "Grabe lang kasi ang tagal na non at talagang gumanti ka pa."

Patuloy kami sa paglalakad dito sa Mall hanggang sa naabot namin ang theaters dito. Naisipan kasi ni Kief na manood ng sine eh, wala pa naman ako sa mood manood kasi mas gusto kong makipagchikahan kay Denden dahil two years kaming walang koneksyon, nakakamiss din.

"Kapag sinabi ko bang libre ko na kayo, g na kayo?" Seryosong tanong ni Kiefer.

"You know me, palagan ko 'yan." Sagot ko naman sa kanya.

"Isagad mo na yan Kief, minsan lang tayo magkita-kita eh." Sabi naman ni Denden at ayon na nga, pumila na kuya niyo para bumili ng tickets.

"Gagawin talaga lahat, may makasama lang manood eh." Natatawang sabi ni Aly.

"Ganyan talaga yan, dadaanin ka sa libre para may makasama." Sabi ko naman at nagsip ng frappe ko.

"Huy, going back." Sabay kalabit ko kay Denden. "Sino nga yung boyfriend mo?"

"Wow Vic ah, wala ka talagang nababalitaan dito sa Pinas nung nasa London ka?" Tanong niya.

"Wala, sa family ko lang at kay Kief." Sagot ko naman.

"Ah, he's graduate ng DLSU!" Sabi naman niya.

"Whoaa, sabi ko na nga ba iba talaga pag mga lasalista eh, daming nafafall." Sabi ko at pinalo na naman niya ako. "Hey, pangalawa na 'to ah!"

"Sorry." Matawa-tawa niyang sabi. "His name is LA Revilla."

"What?! Seriously si Kuya LA?!"

"Hoy makareact ka naman."

"No, I mean congrats noh. Idol ko 'yang si Kuya LA eh." Sabi ko naman.

Saktong dumating na si Kief at inabot samin ang mga tickets. Chineck ko naman yung ticket at Civil War naman pala ang papanoorin namin.

Bumili muna kami ng snacks namin at pumasok na sa loob ng sinehan. Maganda ang seats na nakuha ni Kief, pinaka likod kasi ang laki talaga ng screen, sobrang nakakalula.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon