twenty-nine

1.7K 53 1
                                    

MIKA

Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ulit ni Vic. Sa pagkakaakala kong hindi ulit yun mangyayari ay nangyari ulit kaya sobrang thankful talaga ako.

"Huy wag kayo maglandian dyan baka mabangga tayo please lang."

Natawa naman kami parehas ni Vic sa sinabi ni Cienne.

"Bitter ka lang." Sagot naman sa kanya ni Kimmy.

Si Vic naman kasi ang driver of the day at ako naman ang nakapwesto sa dito kabilang side ni Vic. Tapos na kasi ang roadtrip namin sa Pampanga. Papunta naman kami ngayon sa lugar namin sa Pulilan. Excited na nga rin akong ipaalam sa family ko na kami na ni Vic.

"Di ba Mika malapit lang kayo sa Pampanga?" Tanong naman ni Kim.

"Medyo." Sagot ko.

"Actually ayan na nga oh, papasok na tayo entrance ng Malolos." Sabi naman ni Vic at tinuro pa yung signboard.

"Nakakaloka, masyado kayong meant to be ni Vic. Ang lapit ng provinces niyo oh." Sabi naman ni Cienne.

"Kaya nga pinaglalapit din sila ng destiny eh." Sigaw ni Kim at sigeng kantyaw nila Cienne saming dalawa ni Vic.

Kahit na minsan mabilis talaga topakin sa isa't-isa 'yang dalawa na 'yan, sobrang lakas naman ng trip pag nagkasundo.

Habang nagkakatuwaan kaming apat dito, yung dalawa naman sa likod ay tulog na tulog.

"Hindi kaya may nangyari sa kanilang dalawa, Cienne?" Biro ni Kim sa kambal.

"Huy grabe ka dyan Kim. Inosente 'yung dalawang yun eh." Sabi naman ni Vic.

Nagulat naman kami ng biglang sumigaw ng malakas si Kim.

"Sira ulo ka Kim ah, naririnig kita." Seryosong sabi ni Carol at pumikit ulit para matulog.

Tawa naman kami ng tawa sa kanilang dalawa. Sinabunutan kasi ni Carol si Kim kaya ayun sakit na sakit ang lola mo.

"Yan napala mo." Masungit na sabi ni Cienne at umirap pa.

Grabe natatawa talaga ako sa kanila. Halos sumakit na nga ang leeg ko kakalingon sa likod eh.

"Nga pala, ano namang meron sa inyo Mika?" Tanong ulit ni Kim.

Ano nga ba? Mukhang wala naman masyadong pasyalan dun eh kundi mga resorts lang.

"Parang wala nga masyadong maganda dun eh." Sagot ko.

"Anong sinasabi mong walang maganda sa inyo?" Nagtaka naman ako bigla sa sinabi ni Vic.

"Eh wala naman talaga." Sagot ko ulit.

"Kung ganun, eh anong tawag sayo?"

Okaaaaay. Damang-dama ko naman ang pag-init ng pisngi ko.

Sigaw naman ng sigaw sila Kim at Cienne dahil sa sinabi ni Victo. Nakakaloka naman kasi 'to eh bigla-bigla na lang nagpapakilig!

"Grabe Mika haba ng hair mo!" Sigaw ni Cienne. "Mula Pampanga hanggang Bulacan."

"Idol ko talaga 'to si Vic. Grabe dumamoves sa girls." Sabay gulo neto ng buhok ni Vic.

Natawa naman si Vic sa kanya at inayos ulit ang buhok niya.

"Hoy Kim pero take note ah, hindi ako dumamoves sa mga girls dati." Sabi ni Vic at tumingin sakin.

"Bakit, wala ka bang naging girlfriend habang nasa England ka?" Tanong ni Kim.

"Wala noh, isa lang kasi talaga mahal ko." Sagot ni Vic at tumingin ulit sakin.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon