thirty-four

1.6K 55 11
                                    

MIKA

"That experience will be one of the most unforgettable moment of my life, salamat Vic."

"No problem." At niyakap neto si Cienne.

Tapos na kasi one week cruise vacation namin dito sa Singapore. Oras na para bumalik ng Pinas.

"Dito oh, magpasalamat din kayo kay Thomas." Sabi ni Vic at hinatak niya si Thom.

Nagpasalamat kami isa-isa sa kanya at nakipagbeso na rin except kay Vic at Kim dahil nagfist bump silang tatlo.

"Maraming salamat din sa inyo of course, I enjoyed my stay here in cruise with all of you." Nakangiting sabi ni Thomas saming lahat.

Maya-maya ay may nag-alarm at ito na ang hudyat na nakarating na sa Singapore Port ang barko.

"Paano ba 'yan, we have to go now." Sabi ni Vic kay Thomas at tinapik niya ang balikat nito.

"Ah wait, last group picture before you guys go." Sabi ni Thomas at kinuha niya ang phone niya sa bulsa at yun na, nag groufie na kami.

"See you soon sa Pinas, Mang Tomas." Sabi ko at tumawa naman siya.

"See you soonest guys, tsaka thank you ulit."

At muli, nag group hug kaming lahat pero nang bumitaw na kami, naiwan si Thomas na nakayakap kay Vic.

Pinagtinginan naman ako ng Bullies pero hinayaan ko na lang. Bigay ko na kay Thomas 'to, minsan lang naman sila magkita at sabi nga niya, fanboy daw siya. Let's just leave it there.

"Bruh, nandyan girlfriend ko."

Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Vic at hinatak ko na siya palapit sakin.

"Nga pala, haha sorry Ye." Natatawang sabi ni Thomas at nagpaalam na kami sa kanya.

Habang naglalakad kami pababa ng barko ay kumakaway siya samin.


"Grabe Vic, sa uulitin ulit!" Sabi ni Kim.

"Basta ba kayo na magbabayad sa susunod?"

"Kami bahala sayo." Sabi ni Cienne at niyakap niya ito nga pa side.

After ng moment nila, naglakad na kami paalis dito. Dahil maaga pa at mamaya pa ang flight namin pabalik ng Manila, nagshopping muna kami dito.

Dahil nakapunta na kami dito dati, kung saan-saan kami gumala ng Bullies. Kain dito, kain doon, bili dito at bili doon. Buti talaga napaghandaan namin ang bakasyong ito.

"Paano ba 'yan, huling linggo mo na sa Pinas next week Ye."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Carol.

Hay oo nga, naalala ko na naman yun. Last week ko na nga pala sa Pilipinas at nakakalungkot talaga.

Naramdaman ko namang hinwakan ni Vic ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

"Okay lang 'yan Ye, two years ba ulit bago ka babalik?" Tanong ni Cams.

"Hindi ko alam kasi baka alam mo na, maraming ligang salihan yung team namin dun." Sagot ko.

"Nga pala, oo kami rin ni Cyd balik court na rin!" Sabi naman ni Kim.

"Hay nako, pamatay training na naman us." Sabi naman ni Cyd.

"Tayong tatlo actually eh, kinalimutan niyo naman ako." Kunwareng nagtatampong sabi ni Carol.

Napailing na lang kaming lahat at pinalo siya ni Cams sa ulo pero mahina lang naman.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon