MIKA
Laking gulat kong nalaman na sa buong biyahe ay si Vic pala ang katabi ko. Worst pa, talagang nakasandal pa ako sa balikat niya.
Pareho kaming napasandal sa upuan namin. Grabe, shocked na shocked kaming pareho. Leche talaga, kaya nga ako umalis muna ng Manila para iwasan ang isa sa kanila ni Luke. Pero dahil malupit nga tadhana, ayon nagkita na naman kami ni Vic.
"S-sorry pala, antok na antok lang." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"O-ok lang, di ko naman alam na ikaw na pala 'yang katabi ko."
At natahimik kaming muli. Naramdamang kong gumalaw siya at kinuha niya ang bag niya sabay tayo niya.
"Labas lang ako." Mabilis niyang sabi at naglakad na siya pababa ng bus.
Napabuntong hininga na lang ako. Walang hiya talaga! Nakakainis, so parang walang saysay lang ang mga plano kung ganito ang mga mangyayari.
Kahit ayokong lumabas ng bus, lumabas pa rin ako dahil nakakagutom na. Bumili muna ako ng pwede kong makain. Bumili ako ng cup noodles dahil nilalamig ako. Grabe naman kasi yung bus, full force ang aircon tapos pagkarating mo ng Baguio, ganun din ang lamig.
Nang makuha ko na ang cup noodles ko, naghanap ako ng table na pwede pero grabe punuan lang ang mga tables dito. Lahat yata ng pasahero bumaba para kumain.
Saktong paglingon ko sa kaliwa ko ay may umalis na babae sa mesa. Tatakbo na sana ako papalapit dun kaso naunahan lang naman ako ni Vic. Napatingin nga siya sakin eh at tinuro niya ang upuan sa harap niya.
Pinauupo niya ba ako?
Umiling na lang ako dahil ayoko siyang makasama sa isang table noh. Awkward yon!
"Umupo ka na." Rinig kong sabi niya. Medyo may pagkamasungit ang tono niya na para bang inuutusan niya ako.
Lumapit ako sa pwesto niya at umupo na ako. No choice na eh, aayaw pa ba ako?
Nagulat naman ako nang tumayo siya.
"Tapos ka na?" Tanong ko.
"Lilipat lang ako." Walang buhay niyang sabi. Grabe namang cold neto, tatalunin niya yata ang lamig ng Baguio.
"Huy, wag na." Habol ko dito. "Wala na ngang free table, aalis ka pa."
Pasaway din eh. Inalok ako ng upuan tapos aalis din siya. Buti kamo at bumalik siya. Pahihirapan lang niya ang sarili niya. Psh, kala mo ako kanina noh? Arte rin eh.
Tahimik lang kaming kumakain dito. Tunog lang ng pagsipsip namin ng noodles ang tanging ingay sa mesa namin. Habang kumakain ako ay tinitignan ko siya ng pasimple kasi naman parang tumaba siya. Hindi naman as in na lumobo pero yung mukha niya tumaba ng konting-konti. Hay, bakit nga ba di mananaba.. sinaktan ko di ba? Lol kala mo naman.
"Hmm, may dumi ba?"
Nagulat na lang ako nang makita kong nakatingin na rin siya sakin. Shit lang.
"Ha?"
"May dumi?" Tanong niya at tinuro niya ang mukha niya.
"Ah eh, oo ayun oh." Ilalapit ko na sana yung kamay ko sa mukha niya nang bigla niyang pinigilan.
"Ako na." Sabay punas niya sa mukha.
Actually, wala naman talagang dumi. Palusot ko lang sana.
"Wala naman ah?"
"Ah, hinangin na." Sagot ko at humigop ng sabaw ng noodles ko.
Nagdikit naman ang mga kilay niya at nagtatakang nakatingin sakin.
"Syempre char lang yun." Nakangiti kong sagot.
At this moment, sinusubukan kong mawala ang awkwardness saming dalawa. Ang hirap na hanggang mamaya sa bus ay ganito kami. Jusko, magkatabi pa naman kami.
Napailing na lang siya at nahuli kong medyo ngumiti siya.
"Uy, nagsmile siya." Mapang-asar na sabi ko at tuluyan na ngang ngumiti ang loka. Pero grabe, gwapo pa rin talaga.
Tahimik kaming dalawa ulit pero nagpapalitan kami ng ngiti dito. Mukha na kaming ewan dito lol.
"Kumusta pala?" Tanong ko.
"Ayos lang." Sagot niya habang nilalaro ang tinidor niya.
"I thought bumalik ka na sa London."
"Not yet, ayaw ko pa." Sagot niya. "May mga bagay pang gusto kong ayusin dito bago ako bumalik sa London." Nakatingin niyang sabi sakin.
"Ahh." Sabi ko na lang at humigop muli ng sabaw.
"Ikaw, akala ko nga umalis ka na." Sabi naman niya.
"Hindi pa. Sinulit ko na bakasyon ko dito sa Pinas, sayang naman yung isang buwan pang pahinga." Sagot ko at tumango-tango lang siya.
Nakita ko namang napatingin siya sa kamay ko at nakita niya yung singsing na binalik niya sakin.
"Vic, thank you pala dito. I mean sa pagbalik mo sakin neto." Sabi ko sa kanya. "Tama nga ako, ikaw pala talaga yung nakita ko sa gym noon, akala ko ilusyon lang."
Wala siyang sagot pero seryoso lang ang mukha niya.
"Vic," tawag ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Ikaw na ba talaga yan, Vic?"
"Oo, ako na 'to Mika. Yung Vic na dati mo.. niyong kilala." Sagot niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Sorry kung di ko agad sinabi, natakot lang talaga ako."
Hindi ko man alam kung bakit takot siya pero naiintindihan ko naman yun dahil sa mga paliwanag niya dati.
Bumitaw na kami sa isa't-isa nang tawagin na kami ng konduktor. Nag CR lang kami ni Vic at sumakay na sa bus.
Nagkatinginan kami ni Vic at hinawakan ko ang kamay niya.
"Nananaginip ba ako?" Tanong ko rito.
"Huh? Totoo ako Mika."
"Kasi ang galing lang na parehas tayong pupunta ng Baguio at talagang magkatabi pa tayo sa bus." Sabi ko.
"Wag kang mag-alala, makatulog ka man dyan nandito pa rin ako pag gising mo." Nakangiti niyang sagot sakin at hinawakan niya ng mas mahigpit ang kamay ko.
Biglang nawala na yung rason kong pupunta ako ng Baguio para kalimutan siya. Kung anuman ang gusto ng tadhana, go with flow na lang ako sa kanya.
---
Ahahaha sorry maikli na naman