MIKA
"Bakit mo ko iniwan dati? Sana hinintay mo ko bago ka umalis. Alam mo ba kung gaano kahirap sakin na hintayin ka sa loob ng dalawang taon? Mika, ang sakit lang na kahit alam kong may choice akong sundan ka pero hindi ko ginawa kasi mas inisip kita, yung career mo. At ngayong nandito ka na, hindi ko pa rin alam kung paano ko ipaparamdam sayo 'tong nararamdaman ko."
"Guys!" Hingal na hingal na tawag ko sa kanila pagpasok ko ng room ko.
"Oh Ye, bakit?" Tanong naman ni Cienne at nilapitan ako.
"Guys, si Vic."
"Anong meron?" Tanong naman ni Kim.
"Nagbalik na si Vic." Sabi ko sa kanila at takang-taka lang ang reaksyon nila.
"Di kita magets. Alam ko nandyan si Vic na may amnesia." Sabi naman ni Carol.
"Tss, si Vic wala na siyang amnesia." Sabi ko sa kanila at inabot ko sa kanila ang hawak-hawak kong singsing.
"Wait, eto yung singsing mong nawala sa training natin noon di ba?" Tanong ni Kim at tumango-tango naman ako.
"So, totoo nga na nakita mo noon si Vic sa gym natin dati?" Tanong ni Camille.
"Oo, sabi ko naman sa inyo eh. Siya talaga yun." Sagot ko.
"What the, kelan pa siya gumaling? Bakit hindi niya agad sinabi satin?" Tanong naman ni Cienne.
Ikiniwento ko naman sa kanila ang mga natatandaan kong sinabi sakin ni Vic kanina.
"What the actual fuck, yung araw na umalis ka two years ago?!" Tanong ni Carol. So, may possibility na hinabol tayo ni Ara sa airport noon."
"Malamang sa malamang. Kahit may amnesia si Vic noon, siguradong nabalitaan niya yung araw ng pag-alis mo noon, kaya pwedeng sumunod pa siya satin noon." Sabi naman ni Camille.
Napaupo na lang ako kama. Wow, all this time si Vic na pala talaga ang nakakasama namin.
"Pero bakit ganun, bakit hindi niya sinabi satin agad na okay na pala siya?" Tanong ko naman sa kanila.
"I think she has a reason kung bakit. Di ba nga sinabi niya yung about sa career mo?" Tanong naman ni Kim at tumango naman ako. "But paano nga kung umabot si Vic nun, aalis ka pa ba?"
Noong time na yun, di naman sobra pero nasaktan talaga ako sa mga nangyari. The fact na nakalimutan ka ng mahal mo and worst pa nga, wala akong magawa kundi hintayin na makaalala siya. Willing naman ako maghintay eh, pero hanggang kailan ba? Halos wala na akong ginawa noon kundi isipin si Vic pero kailangan ko rin namang isipin ang sarili ko. At yun nga, napagdesisyunan ko na umalis. Naniniwala naman ako na if we're meant to be, si destiny and fate ang bahala samin.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-Three days later..
"Guys, inextend ko na bakasyon ko dito!!!" Sigaw ko sa kanilang lahat ang nagsitalunan naman sila.
"Yes! More bonding moments tayo with Mika!" Tuwang-tuwang sabi ni Cienne at nag-grouphug kami ng Bullies.
"Yung boyfriend mo, di ba inaasahan ka niya na uuwi ka this week?" Tanong naman ni Kimmy.
"Ah oo, but I'll call him na lang later." Sagot ko naman. "Tara guys, gala?"
"G!" Sigaw naman nilang lahat.
Natapos na ang one month vacay ko dito sa Pilipinas pero ang sabi naman kasi ng Coach ko, pwede hanggang two months naman kaya sinulit ko na di ba? Tsaka although nakapunta na ko sa iba't-ibang lugar dito sa Pinas because of FIVB, kulang pa rin kasi di ko nakasama ang family ko. So, ngayong nag-extend ako sisiguraduhin ko ng makakasama ko sila.