eighteen

1.7K 76 10
                                    

VIC

Two days ago..

"Guys, ayos na ba lahat gamit niyo?" Tanong ni Kief saming lahat.

Sinagot naman namin siya ng oo. Pero ako, nag-aayos pa ako ng ilang gamit tulad ng cameras, phone at chargers ko. After kong maiayos yun, sinalpak ko na yun sa mini bag ko.

Nandito kami ngayon sa condo ko. Actually, dito na nga sila natulog kagabi para di na kami hassle sa pag-alis kinabukasan.

Kinuha na ni Kief ang ilang bagahe namin at nilarga na sa sasakyan niya na nakapark sa floor din ng condo ko.

Sina Aly at Denden naman, inaayos ang mga pagkain na kakainin namin habang nasa byahe kami. Ang sarap nga nung niluto ni Aly na Adobo, gusto ko pa nga sana kumuha ulit kaso pinagbawalan na ako dahil baka maubos ko pa. Hahaha.

Nang makabalik na si Kief, last retouch na namin sa bahay. Inayos ko na ang mga ilaw at tubig sa mga cr dito sa condo ko.

"So, ano ayos na ba lahat?" Tanong ni Kief.

"Oo!" Sigaw ni Aly.

"Tara na?" Tanong ni Denden at hinatak na niya ako after kong malock ang pinto ng condo ko.

"Clingy mo naman." Sabi ko naman kay Denden dahil pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko. Tinawanan lang ako ng loka at dumerecho na kami sa parking area.

Bago ako sumakay sa sasakyan ni Kief, chineck ko muna ang sasakyan ko. After nun, mabilis na akong bumalik at sumakay na sa kotse. Nasa front seat ako at ang dalawang babae naman ay nasa likod.

Nakalabas na kami ng condo ko at gora na gora na kami. Nasa may EDSA na kami nang biglang nagvibrate ang phone ko.

"Hello?"

"Huy Victo, pumunta ka ngayon dito sa Pampanga." Bungad ni Kuya pagkasagot ko ng tawag.

"Hah? Ano sabi mo?" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatingin sakin si Kiefer.

"Bumisita ka ngayon dito sa ospital, si Josh may sakit. Hinahanap ka."

"Ano? May sakit si Josh?!"

"Walangya kay Ara, paulit-ulit na lang ba?"

"Osya, sige sige." Sagot ko at binaba ko na ang tawag.

"O anyare?" Tanong ni Kief. "May sakit si Josh?"

"Hay oo. Sabi pumunta raw ako dun ngayon."

"Hah?! As in ngayon sa Pampanga?!" Napasigaw na rin si Kief.

"Wait. What? Mag papampanga ka?" Tanong naman nung nasa likod.

"Sige hatid ka na lang namin dun." Sabi ni Kief.

Nice, buti naisip ni Kief yun kasi may balak na kong bumaba sana at magbus na papunta sa Pampanga.

After two hours na byahe patungong norte, narating na namin ang Pampanga Entrance sa NLEX. Mga halos 30 minutes pa bago namin narating ang bahay namin kaya bumaba na ako.

"Kief, salamat ah." Sabi ko at nagfistbump kami.

"No probs Victo." Sagot naman niya.

"Osya, kayo na mauna sa Baguio ah. Text niyo na lang ako kung saang hotel kayo naka check in okay?"

"Sige sige kami bahala." Sabi naman ni Alyssa.

Niyakap ko sila Aly at Denden bago sila umalis.

"Huy susunod ka ah." Seryosong utos ni Denden sakin at nagtawanan na lang kami.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon