ten

2K 77 4
                                    

VIC

Pabalik na kami ng Manila ngayong araw. Nasa van na kami ngayon ni Emily. Masarap ang tulog niya habang nasa byahe, samantalang ako, heto nag-aabang ng text mula kay Mika.

Ewan ko ba, pagbalik namin kahapon sa hotel bigla na lang niya kong sinungitan, di ko alam kung yun ba ang right term pero naging cold siya bigla. Nung nasa Sandbox naman kami, okay naman siya. Ang saya ko na nga kasi medyo nakaka damoves na ko tapos biglang nagsungit, kahit kailan talaga ang moody niya.

At oo nga pala, hindi na namin kasama sina Mika sa van. Naramdaman ko kasing ang cold niya, siguradong medyo awkward yun dito.

Napatingin ako sa may bintana para silipin ang van na sinasakyan nila Mika. Sakto namang nasa left side lang namin sila. Sinusubukan kong tignan siya doon kaso napa oa sa tinted yung salamin ng sasakyan nila.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang nagvibrate ang phone ko. Agad kong chineck kung sino ang nagtext. Si Kief pala.

"Ngayon balik niyo right? Dinner naman tayo later, treat ko promise."

Hmm, napaisip naman ako kung anong okasyon. Wala naman pero bakit biglaan naman yata ang padinner dinner niya.

-

"Aaaahhhhhh."

"Vic!"

Nagising ako sa mga yugyog na nararamdaman ko.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Emily sakin.

"Yeah, i'm okay." Sagot ko at napahingang malalim na lang si Emily.

"You're having bad dreams again, Vic. I told you, don't sleep when you're full." Sabi ni Emily habang pinupunasan ang mukha ko.

Shit. Napapanaginipan ko lately yung nangyare sakin noong naaksidente ako, yung mismong pagkabangga sakin. Ewan ko ba, nang dahil sa panaginip na yon, parang ayoko na muling tumawid sa kalsada. Natatakot na ko baka kasi hindi na ako makasurvive pang nangyari pa sakin ulit yun, baka mamatay na kong tuluyan.

Tumayo naman si Emily at lumabas ng van. Napatingin naman ako sa bintana at nakarating na pala kami sa hotel namin.

"Emily, where's Mika and Cienne?" Tanong ko kay Emily at sumunod sa kanya sa labas.

"Ah, they arrived here first and Mika texted me their friend will pick them up here." Sagot naman niya sakin.

Napatingin naman ako sa paligid at mukhang nakaalis na nga sila. Ang mga naiwan na lang dito ay yung mga kasama ko sa org.

Hindi na ko nagtagal sa labas at pumasok na rin ako hotel room ko. Gusto kong magpahinga bago pumunta sa dinner ni Kiefer.

Pero bago ulit ako matulog, chineck ko ulit ang phone ko kung may text ba si Mika kaso wala talaga. May problema ba talaga siya sakin? Hindi na ko nakapigil at tinawagan ko na siya.

"Sana sumagot ka." Sabi ko at maya-maya ay ay narinig na kong hello.

"Mika." Tawag ko sa kanya.

"Vic. Hmm, bakit ka napatawag?"

Medyo may narinig akong sigawan sa linya niya. Siguro kasama niya mga Bullies.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon