twenty-eight

1.9K 75 8
                                    

VIC

Ugh, shit. Bakit naman ganun kainit?

"Kim, yung aircon lakasan mo naman." Sabi ko pero wala akong maramdamang lamig.

Sa sobrang irita ko sa init, iminulat ko na ang mga mata ko at tinignan ang katabi ko.

"Basang-basa ka na Mika." Sabi ko dito at pinunasan ko ang mukha niya.

Maya-maya ay napansin kong wala na pala si Kim sa harapan namin.

"Nasan na yun?" Tanong ko at nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko ang isang pamilyar na bahay.

"Guys, nandito na pala tayo eh." Sabi ko at medyo nagigising na sila.

"Ang init!" Isa-isa nilang sigaw.

Pero nasaan na si Kimmy, hindi kaya nandun na siya?

"Ye, tara na." Kalabit ko pa para magising siya. "Nandito na tayo."

Sa sobrang init ay binuksan ko agad ang pinto ng sasakyan. Leche talaga 'to si Kim lagot yare sakin yon.

Bumaba na kami ng sasakyan at kinuha na rin namin ang mga gamit naming dala. Binuksan ko na rin ang gate para makapasok na kami.

"Ma.. Pa.. Kuya?" Tawag ko sa kanila sa may labas para salubungin naman sana nila kami.

Lumabas si Kuya at ngiti-ngiti niya kaming sinalubong.

"Oh musta sa loob ng sasakyan?" Natatawa niyang tanong. "Ano mainit? Buti buhay pa kayo."

"Sira ulo 'to." Sagot ko sa kanya at inabot ko ang bag ko sa kanya.

"Patulong naman sa pagpasok ng mga gamit namin." Sabi ko ulit at niyaya ko na sila Mika pumasok ng bahay.

Pagpasok namin ay nandun sila Mama at Papa sa sala nanunood lang ng TV.

"Oh Ara!" Sigaw ni Mama at yumakap sakin.

"Ma, si Kimmy?"

"Eh nandun na sa isang kwarto, natutulog na."

Susugurin ko sana si Kim sa taas pero pinigilan ako ni Mama.

"Anak, hayaan mo si Kim. Siya ang nagdrive papunta dito, natural pagod yun." Mahinahon na sabi sakin ni Mama.

"Bakit hindi man lang niya kami ginising dun?"

Hindi na ko pinansin ni Mama dahil lumapit na ito sa mga kaibigan ko.

"Ay ang gaganda naman nitong mga kasama mo, sila na ba yung barkada mo noon?" Tanong sakin ni Mama pero nakatingin siya kina Mika.

Isa-isa ring naghello ang mga kasama ko sa parents ko at sa kuya ko. Habang nagkukumustahan sila, umakyat ako ng kwarto para tignan si Kim.

Pagbukas ko nga ng isang master's bedroom ay bumulagta sakin ang natutulog na Kim. Napabuntong hininga na lang ako pero bwisit talaga 'to minsan si Kim eh, ang lakas ng trip.

Pagbaba ko, naabutan ko na silang kumakain. Nakiupo na rin ako at saktong kay Mika na ang may bakante upuan, doon na rin ako nakipwesto.

"Gusto mo?"

Alok sakin ni Mika ng Kare-kare at tumango lang ako.

"Eh eto?"

Pinakbet naman ang inaalok niya.

"Sige, sige lang." Sagot ko at kumuha ako ng tubig para saming dalawa.

"Ang sweet niyo naman pala."

Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakangiti samin ni Mika yung mga kasama namin.

"Itong si Ara naman, kunwari pang hindi sila yung tinutukoy ko." Sabay tawa ni Mama sakin.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon