MIKA
"Salamat guys ah, ingat kayo."
"Oo Kief, ingat ah. Bye guys!"
Nandito na kami ni Vic sa condo niya. Sinamahan ko muna siya papunta sa room niya, iiwan daw muna niya ang gamit niya tapos ihahatid niya raw ako.
Makulit kasi 'tong si Vic, kaya ko namang umuwi ng mag-isa sa condo. Magtataxi lang ako tapos ayun na, nakauwi na ko. Masyado talagang mapilit 'to kaya pumayag na ko.
"Tara pasok ka muna." Sabi ni Vic pagkabukas niya ng pinto ng condo niya.
First time kong makapasok dito at naimpress naman ako sa itsura ng condo niya. More of black and white ang interior niya at isa pa ang pinaka napansin ko ay sobrang linis talaga.
"Gulat ka noh, malinis." Natatawa niyang sabi sakin habang inaayos niya mga gamit niya.
"Oo nga, may taga-ayos ka siguro dito noh?"
"Uy wala ah. I'm a changed person na noh." Depensa niya agad sakin.
Naalala ko kasi nung nasa dorm kami noon, wala talagang pakialam sa dumi yan si Vic. May time na naglilinis siya pero bagot na bagot talaga siya. Makikita mo nga minsan ang jersey niya sa sofa lang eh. Kaya naman talagang nagulat ako sa kanya.
"And I know ayaw mo ng makalat, so I changed myself. Baka kasi maging asawa kita, naghahanda lang ako." Sabay kindat netong babae na 'to.
Hala siya, akala mo naman kikiligin ako pero kinilig talaga ako! Haha. Infairness naman sa kanya dahil nag-effort siyang baguhin ang sarili niya para sakin.
"Masyado ka ng namamangha sa condo ko. Wag kang mag-alala, dito ka na rin titira soon."
Tinulak ko naman siya dahil kung anu-ano na naman yang mga pinagsasabi niya.
"Hindi tayo titira dito, bibili tayo ng bahay at lupa.. doon tayo tititra." Sagot ko naman sa kanya at napangiti naman lola mo. Kinilig ang hanep.
Natatawa ako saming dalawa, kung makapagplano akala mo ikakasal na eh hindi pa nga kami eh. Nakakaloka lang.
Lumabas na kami ng condo niya at tinulungan niya akong magdala ng nga gamit ko. Pumunta kami sa parking area at sumakay na.
Habang nasa byahe kami ay inaalala ko ang mga sinabi sakin ni Vic kanina bago kami bumalik ng Manila.
Inaayos na namin ang mga gamit namin noon nang bigla niya akong kinausap.
"Mika, mamaya nasa Manila na tayo and maybe later marami ng magbago sating dalawa but I want you to know na simula pa lang na malaman kong ikaw pala yung katabi ko sa bus, naisip ko agad na.. pinagtagpo tayo ulit kasi baka nga tayong dalawa talaga. Kasi dati iniisip ko baka pinagtatagpo lang talaga tayo at hindi itinadhana. At yun nga, simula ng pumunta ako ng Baguio nagbago yun and I never saw this will happen. Gusto ko lang sana malaman kung parehas ba tayo ng nararamdaman ngayon kasi kung hindi, mas okay ng malaman ko na agad para itigil ko na 'to at wag na muling umasa. Kaya.. ano ba talaga tayo ngayon Mika?"
Expected ko ng magtatanong si Vic ng ganito pero hindi ko inaasahan na ngayon niya itatanong.
"Again, gusto ko ulit magsorry sa lahat-lahat ng nangyari satin. I never expected din na mangyayari 'to, as in wala talaga. Pero sinabi ko na lang sa sarili ko na bahala na anv tadhana sa kung anong mangyayari sakin at nagkita nga tayo ulit. Ayaw ko ng mawala ka sakin ulit Vic, mahal na mahal kita."
To be clear, hindi pa rin kami ni Vic ngayon pero at least may assurance na kaming dalawa sa isa't-isa. I won't let this chance na masayang. Si Vic na talaga ang pipiliin ko, siya na talaga.