thirty

2K 69 15
                                    

VIC

Ang sarap sa feeling na wala na kaming iintindihin ni Mika sa family namin. Paano ba naman, parehong boto both sides. Nakakataba nga ng puso yung sinabi ng Daddy ni Mika, boto daw talaga siya sakin. Nakadagdag tuloy confidence sakin yun.

Pero ito naman ang may pagdadaanang pagsubok, sina Kim at Cyd.

Tapos na kami sa North trip namin at South trip na kami ngayon. Kasama na namin si Cyd dahil ipapakilala na daw kasi ni Kim ng personal ang girlfriend niya.

Kinakabahan nga si Cyd pero paulit-ulit na sinasabi ni Kim na sinabi naman na daw ni niya sa parents niya na si Cyd ang girlfriend niya ngayon. At sabi ko rin, kilala na rin siya ng parents ni Kim dahil every game namin noong college pa kami, lagi yatang bumibisita parents ni Kim sa Manila at lagi kaming nakakasalamuha nun.

Tapos na rin ang Laguna trip namin kina Carol. Masaya kina Carol dahil may hacienda pala ang family niya. Alam kong mga RK ang friends ko, pero hindi ko talaga naimagine na may mga ganun pala silang pag-aari.

Wala namang problema dun. Natatawa lang kami dahil nagkakamali lalo ang parents ni Carol kay Cams at Cienne. Yun talaga ang problema pa ang manungang ay may Kambal.

Excited din ako makarating kina Kimmy dahil syempre may mga beach sa Batangas. Pero ang sabi ng Bullies, meron daw beach house sina Kim kaya lalo talaga akong na excite!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Nandito na tayo!"

Nagising ako sa sigaw ni Kim at palo na rin ng katabi ko.

"Gising na dyan." Sabi ni Mika at inayos ko na ang sarili.

Bumaba na kami ng sasakyan at sumalubong samin ang isang simple pero malaking bahay.

"Good morning po Ma'am Kim." Bati nung maid at itinulak niya ang pinto para bumukas.

"Good morning din Ate, nasaan si Mama?" Tanong naman ni Kim.

"Nandoon po siya sa may veranda."

"Ah sige, salamat po."

Tinawag kami ni Kimmy at pinapasok sa loob ng bahay nila.

"Welcome to our house guys!"

Masayang bati samin ni Kim at nilahad pa niya ang dalawa niyang kamay.

"Ang lupit naman pala ng bahay mo Kim eh!" Sabi ko habang tinitignan ang buong paligid ng bahay nila.

Maganda ang bahay nila. Two storey house ito at may magandang chandelier na sasalubong sayo pagpasok mo. At mula dito sa may pinto, makikita mo na yung magandang view ng beach.

"Guys, tara dun sa veranda. Sigurado gusto na kayo ulit makita ni Mama, lalo ka na Vic." Excited na sabi ni Kim samin.

Napabuntong hininga na lang ako at ginulo ni Mika ang buhok ko.

Heto na naman tayo sa scene na magugulat na naman ang parents ng friends ko. Gusto ko na lang matawa minsan, akala mo nakakita ng multo eh.

Ganun na ba ako katagal na nawala?

Habang papalapit kami sa veranda, inaasar ng barkada si Cyd dahil ito na nga, ipapakilala na siya ni Kim personally bilang girlfriend niya.

Chineer naman siya ni Mika at kung anu-anong advice pa ang sinabi nito bago kami makarating sa veranda.

"Hello Ma!" Sigaw ni Kimmy at nagulat naman ang nanay niya.

Pinagpapalo naman namin siya baka if ever, magkaroon ng heart attack nanay niya sa kanya.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon