MIKA
"Ye!" Sigaw ng isang pamilyar na boses at ayun, nakita ko si Carol, Camille at Kimmy na tumatakbo papalapit samin.
"Surprise Ye." Rinig kong sabi ni Cienne at niyakap ko siya kasama ang mga Bullies.
"Sabi ko sayo eh, susunod kami." Sabi ni Carol at pinalo pa ako sa braso.
"Thank you guys." Sabi ko naman sa kanilang lahat at niyakap ko silang muli.
Tapos na kasi ang training namin sa Cebu kaya naman agad kaming lumipat papuntang Boracay. Ininvite namin ni Cienne ang ibang kaibigan namin dahil tapos na rin sa wakas ang project ni Vic pero wala pa siyang sinasabi kung yun na ba ang huli pero kung titignan sa binigay niyang sched sa akin, tapos na. Ang bilis nga eh, puro ganun lang ginawa namin sa loob ng isang buwan.
"Ye, nasaan si Vic?" Tanong ni Camille sakin.
"Hmm, di ko pa siya nakikita kanina pa after naming makarating sa hotel." Sagot ko naman.
"Uy, ipakilala mo kami ah?" Sabi naman ni Carol at nagthumbs up naman ako.
Nandito kami ngayon ng barkada sa beach, nakahiga lang sa mga upuan dito at dinadama ang init ng araw. Badtrip na nga sila sakin dahil ang init daw talaga pero ako kasi nasasarapan pa sa init. Two years kaya akong nasa America, sino bang hindi makakamiss sa init ng Pinas?
"Mika, bili lang kami ng halo-halo." Sabi naman ni Kimmy.
"Pasama nga Kim, init talaga eh." Sabi naman ni Cienne.
"Gusto mo rin ba Ye?" Tanong naman ni Kim.
"Oo sana eh, pero kayo na lang bumili. Sarap magpaaraw eh." Sagot ko.
"Susme, ganun ba talaga kalamig sa US at gustong-gusto mo 'yang nakakapasong init ng araw dito?" Tanong ulit ni Kim.
"Oo kaya, kaso naiinitan na ko eh." Sagot naman ni Cienne.
Well, di ba nga galing US din si Cienne at Camille kaya naiintindihan nila ang feels ko.
"Tsaka guys, pasuyo ng lotion ko ah?" Sabi ko at tumango ang dalawa.
Paalis na sana si Cienne at Kim nang tinawag ko ulit sila.
"Sst, sila Carol at Cams where na sila?" Tanong ko.
"Ah, nagpaalam. Magsuswimming daw sila." Sagot ni Cienne at lumarga na sila ni Kim.
Natawa na lang ako sa dalawa ni Camille at Carol, nagddate lang yun.
Muli akong dumapa para likod ko naman ang mainitan. Wala naman akong pake kung masunog ako dito, babalik naman ako ng States kaya okay lang.
Dinadapuan na ako ng antok nang biglang may naramdaman akong naglalagay ng lotion at nagmamasahe sa likod ko.
"Ang bilis niyo naman Cien-- Vic?"
"Hi!" Bati niya at kumaway pa sakin.
Agad naman akong napaupo dahil si Vic pala yung naglalagay sakin ng lotion. Shet, akala ko sila Cienne na.
Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hatakin paupo ulit.
"Hey." Tawag niya sakin. "Noong isang, i'm sorry." Sabay tanggal niya ng shades niya.
Shemay, ang hot kaya niya dun. Naka white shirt siya then shorts tapos yun na nga, may shades pa ang lola mo.
"Ah eh, ayos lang. Di naman big de--"
Natigil ang pagsasalita ko nang sumingit siya bigla.
"Pero sakin, big deal yun eh." Sabi niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Sorry, di ko napigilan. Ang ganda mo kasi lalo na sa malapitan." Sabay ngiti niya.