seventeen

1.5K 86 25
                                    

MIKA

Pagkagising na pagkagising ko, agad akong nagpunta sa shower para makaligo na agad. Parang gusto ko munang lumayo sa lugar na 'to, I mean sa lahat ng lugar na pwede kong maalala si Vic at si Luke na rin. Hay nako, sobrang naiistress ako sa kanila. Naiinis ako kay Vic kasi di ko talaga alam kung ano na bang nararamdaman ko para sa kanya, parang nafafall ako na ewan tapos dumagdag pa 'tong si Luke kagabi.

After kong makapagshower, kinuha ko ang not so big luggage ko na binili ko lang last week. Kumuha ako ng mga damit na pwede kong gamitin sa lugar na gusto kong puntahan.

Saan nga ba ko pupunta? Ewan ko, hindi ko rin alam pero gusto kong malayo muna sa Manila.

Chineck ko ang phone ko na kakatapos lang magcharge, puro missed calls ni Luke ang bumungad sa screen pero di ko na lang pinansin, bahala siya. Siya na ang nagsabi ng break, so I need a break din na ako lang muna mag-isa.

Wala akong tinext na kahit sino sa bullies except sa family ko. Sinabihan ko sila na magbabakasyon lang ako pero hindi naman nila ako tinanong kung saan ako pupunta, hinayaan na rin nila akong makapag-isa.

Lumabas na ako ng condo at nag-abang ng taxi. Buti naman at may dumating agad dahil wala g na g na kong makaalis dito.

"Mam, san po tayo?" Tanong ni Manong Driver.

"Kahit saan Manong, bahala na po kayo." Sagot ko at sumandal sa upuan.

"Wala pong lugar na ganun Mam." Sagot ni Manong Driver sakin.

Napabuntong-hininga na lang ako at napaisip na baka kung saan din ako dalhin neto ni Manong.

"Sa lugar na lang po kung saan pwedeng makalimot." Sagot ko at tumingin ako kay Manong na nakakunot ang noo. Maya-maya ay pinaandar na niya ang taxi, siguro may alam na siyang lugar kung saan ako pwedeng dalhin.

Gulong-gulo talaga ang isipan ko ngayon. Alternate na pumapasok at lumalabas sa utak ko sina Vic at Luke. Hindi ko alam kung bakit na lang naging ganun si Luke sakin. Hindi naman kami ganun mag-usap except last night. Ngayon nga lang kami nag-away pero sobrang nagsosorry naman ako sa kanya pero siya lang 'tong masyadong ma-pride at hindi ako mapatawad sa nagawa ko.

Maya-maya ay bigla kong napansin na puro bus terminals na ang tinatahak namin, paniguradong Cubao na 'to.

"Mam, dito na po tayo." Nakangiting sabi ni Manong.

Napakunot ang aking noo kaya naman natawa si Manong Driver sakin.

"Sabi mo kasi 'ne, sa lugar kung saan pwedeng makalimot di ba? Edi dito kita dinala." Paliwanag ni Manong. "Bahala ka na kung saan mo gusto pumunta. May pa norte at south na bus terminals dyan."

"Ah ganun po ba?"

"Oo mam. Kayo na po bahala kung saan niyo trip pumunta. Pero ingat kayo mam ah, itsurang broken hearted ka pa naman."

Natawa ako sa sinabi ni Manong Driver. Kumuha ako ng limang daan sa wallet ko at inabot sa kanya.

"Keep the change na rin Manong." Sabi ko bago pa siya kumuha ng panukli sakin tsaka konti na lang din ang deperensya kaya hinayaan ko na.

Tinulungan ako ni Manong na ibaba ang maleta ko at nagpasalamat ako sa kanya. Magaling si Manong, nahulaan niya agad kung anong nararamdaman ko.

Pagkaalis ng taxi, lumingon ako sa mga bus terminals na nasa harap ko ngayon.

"Hmm, saan kaya maganda pumunta?"

Naglakad-lakad ako para makita kung anong pwedeng masakyan. Puro pa Bicol nga ang mga bus kaso parang masyado naman yatang malayo ang Bicol. Sa pagkakaalam ko halos eight hours ang biyahe patungo dun kaya malaking X agad yun sakin. Ayoko namang maubos agad ang oras ko sa biyahe.

After 20 minutes na paglalakad ko dito, nakita ko rin kung saan ako pwedeng magbakasyon!

Agad-agad akong pumila para makabili ng ticket. Hindi naman ganun katagal ang pila kaya nakakuha agad ako. After 30 minutes of waiting for the bus, ayan na dumating na ang bus na sasakyan namin at pumila na ako para makasakay. Pagkahanap ko ng seat ko, agad akong umupo at naisipan ko agad na matulog dahil inaantok talaga ako.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Miss, miss.. ticket mo raw."

Nagising ako sa munting kalabit ng kung sinumang katabi ko na 'to.

"Ticket mo raw." Sabi ng isang famillar na boses pero di ko na lang tinignan kasi baka kaboses lang.

Kinuha ko naman sa bulsa ng jacket ko ang ticket ko at inabot yun sa konduktor. Mabilis namang niyang chineck yun at agad binalik sakin.

Isinandal ko ulit ang ulo ko sa bintana at humirit ulit ng tulog. Masyado talaga akong nastress at kailangan kong makabawi ng magandang tulog.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Miss, nagstop over ang bus baka pwede ka ng gumising?"

Nagising na naman ako ako sa kalabit ng katabi ko. At ang shit pa dahil nakasandal ako balikat ng katabi ko. Agad ko namang inayos ang sarili ko at tinanggal ang shades ko.

"S-sorry ah, alam ko kasi bintana sinandalan ko di ang bali--"

Natigil ang pagsasalita ko ng nilingon ko ang katabi ko.

What. The. Hell.

"Vic?!"

"Mika?!"

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon