MIKA
Almost one week na ko dito sa Pinas at masaya naman ako sa mga nangyayari. Kahit nakakapagod ang ginagawa namin sa project ni Vic, makita ko lang na masaya ang mga bata na tinuturuan namin, nawawala na ang pagod ko.
Speaking of Vic, kasama ko nga pala siya dito sa Van na sinasakyan ko ngayon. Hindi kasi pwede ang sasakyan ni Kimmy at hindi rin niya pwedeng iwanan yun. Kaya ang naging P.A ko for our north trip walang iba kundi si Cienne.
Ang kulit nga ng lola niyo. Hindi mapakali dito sa upuan dahil kay Vic. Hindi niya mapigilang hindi maglabas ng feels sa muling pagkikita nila ni Vic. Nakakaloka nga kasi siya ang drama niya tapos si Vic, wala namang pake.
Anyways, nasa gitna nakaupo si Vic kasama ang secretary niya na si Emily. Tapos kami sa likod ni Cienne.
"Mika, ano ba sila?" Bulong sakin ni Cienne at tinuro yung dalawa sa harap.
Nakasandal kasi si ang ulo ni Emily sa balikat ni Vic at ganun din si Vic, nakasandal sa ulo ni Emily. Mukhang tulog naman sila dahil wala kaming naririnig na ingay.
"Ewan ko." Sagot ko at tumingin ako sa labas.
Nakakamiss din umuwi ng Bulacan. Buti na lang kinoconsider ni Vic ang gusto ko, kasama kasi sa North trip namin ang Pulilan kaya happy talaga ako.
"Di ba niya girlfriend yan?" Bulong ulit ni Cienne.
Jusko 'tong babaeng 'to. Pag-untugin ko kaya sila ni Kim. Pareho lagi sila ng tanong eh.
"Hindi ko alam okay." Bulong ko rin sa kanya at pinanglakihan ko siya ng mata. Naningkit lang naman ang mga mata at finacepalm ko na lang siya.
Napaisip din talaga ako kung may something si Vic at ang secretary niya. Super close nga nila eh pero ano bang pake ko sa kanila. Ako nga may boyfriend na eh, si Vic pa kaya. Two years din yun noh.. impossible kung wala siyang naging girlfriend.
And speaking of my boyfriend, hindi na ulit siya nakatawag sakin. Last natawag niya ay yung first day namin sa Cuneta. Puro text messages na lang lagi ang narerecieve ko sa kanya. Busy lang talaga siguro kaya ganun.
Napatingin muli ako sa labas at lumiko na ang van sa Marilao. Oo, Marilao ang first location namin today. One school ang bibisitahin namin dito tapos yung isa sa San Jose naman. Almost 9am palang naman kaya maaga kaming matatapos dito.
.
.
.
.
."Thank you for visiting our school, Ms. Mika Reyes." Sabi ng prinicipal bago kami magpaalam.
Medyo napagod lang naman kami ng konti dahil nakisali lang kami sa training ng mga bata. Agad akong humilata sa van at nagpahinga.
"Ayos ka lang?" Tanong naman ni Vic sakin pagkapasok niya ng van.
"Ayos lang." Nakangiti kong sabi at nagthumbs up pa.
"How about you?" Tanong naman niya kay Cienne.
Nagulat naman si Cienne at halos hindi siya makapagsalita. Sinipa ko nga siya sa binti para magising.
"Oops sorry. I'm fine naman." Sagot ni Cienne.
"Are you sure? Nagsspace out ka eh." Sabi naman ni Vic at tumawa.
"I know you're hungry guys, eat this." Sabay alok naman samin ni Emily ng burger. Kinuha ko naman yun at kinain.
"I'm kinda hungry na. Thanks Emily." Pasalamat ko at tinapik ko pa ang balikat niya.
Tinignan ko naman ulit si Cienne na medyo natutulala pa rin. Nakakaloka 'tong babae na 'to. Ganyan na ba epekto sa kanya ni Vic ngayon? Haha.