MIKA
Buong week na nasa cruise kami, hindi ko talaga maiwasang isipin ang sinabi ni Cienne sakin noong nasa Batangas kami.
Pero kahit na medyo distracted ako dun, pinilit ko ang sarili ko na magfocus pa rin kay Vic.
Kung kailan nandito na siya sa tabi ko, ngayon pa ba ako bibitaw?
Hay nako Ye, umayos ka!
Pero paano nga ba ulit ako aayos, eh nandito at kasama namin ngayon si Thomas sa cruise na 'to.
Siya pala yung tinutukoy ni Vic samin noon. Hindi ko naman ineexpect na si Thomas pala yun. At ang taray pa talaga, si Thomas pala ang unang nakaalam na wala ng amnesia si Vic.
And speaking of Thomas, literal na kasama talaga namin siya ngayon.. I mean ni Vic.
Second day na kasi namin ngayon dito sa cruise at nasa Bangkok kami ngayon.
Since pwede namang bumaba sa barko for a limited time, bumaba na kami para madiscover naman namin ang beauty ng Thailand at si Thomas ang tour guide namin para dito.
"Akala ko ba moment niyo 'to?" Bulong sakin ni Carol.
"Nako, dumadamoves yata 'yang si Torres."
Hindi ko alam kung totoo o nang-aasar 'tong si Kim. Kasi kahit ano dun sa dalawa, handa kong sabunutan si Kim ngayon.
"Hay guys, wag nga kayong ganyan kay Mika. Lalo niyo lang pinapalala." Saway sa kanila ni Cyd.
Well, totoo naman talaga.
Ngayon ay nasa Grand Palace kami. Nakakamangha ang lugar na ito, exclusive daw ito sa mga turista na tulad namin yung mga galing cruise ganern.
More of palace buildings ang lugar na ito at bawat palace ay merong museum sa loob.
"Thomas, picturan mo nga kami." Sabi ni Kim at inabot niya ang phone niya dito.
"Ako rin!" At inabot din ni Vic yung kanya.
"Sige, one.. two.. three, smile!" Sigaw ni Thomas at nagpose kaming lahat.
"Kay Ara naman." Sigaw nito at muli kaming nagpose.
Hinatak ko papalapit sakin si Vic at yumakap ako ng pa side sa kanya. Syempre, phone ni Vic yun at dapat sweet kami dun.
Narinig kong tinawag ulit ni Thomas si Vic pero bago pa man makalayo si Vic sakin, agad ko ng hinawakan ang kamay niya.
"Phone mo."
Si Thomas na ang lumapit samin at inabot ang phone niya.
"May I see our pictures?" Tanong ko at binigay naman niya agad ang phone niya sakin.
Habang tinitignan ko ang mga pictures namin, nag-uusap na naman ulit yung dalawa.
Pero ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa history ng lugar na 'to.
Nagulat naman ako, kailan pa siya nag-aral ng history? Sa pagkakaalam ko nga, graduate ng business 'to eh. Yung totoo, sumideline ba siya ng Histo noon?
"Guys, sa Wat Arun naman tayo." Paanyaya ni Thomas at sumunod kaming lahat sa kanya.
Imbis na magcab kami, nag tricycle kami dahil kakaiba ang tricycles dito sa Thailand. Unlike sa PH na maliit lang, dito super laki ng loob.
Isa-isa kaming sumakay sa pinarang tricycle ni Thomas. Pinauna kong sumakay si Vic para ako ang katabi niya hindi si Thomas.
Mukhang napansin naman yun ng bullies kaya medyo tumatawa sila ng palihim except kay Vic na focus lang sa pagtingin kung saan-saan.