sixteen

1.8K 60 11
                                    

MIKA

"Ye, tara na!" Sigaw ni Cienne at eto naman ako madaling-madali sa pagsasapatos.

"Wait lang ah!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Bigla kasing nagtext si Kim sa amin na magdinner daw kami ngayon. Hindi niya sinasabi kung bakit pero libre naman daw niya so pumayag na rin kaming magbabarkada. Pero malakas talaga ang pakiramdam namin na ipapakilala na ni Kim ang girlfriend niya.

Lumabas na kami ng condo ko at dumerecho kami sa parking area. Ang gagaling lang kasi ng mga kasama ko ngayon, sasakyan ko raw gamitin namin papunta sa dinner ni Kim.

"Huy, quarter to five na!" Sigaw naman ni Carol.

Dali-dali silang nagsipasok sa sasakyan ko. Ako naman si etong nagpaandar agad ng sasakyan dahil baka nga naman ma-late kami.

"Kumag talaga si Kimmy kahit kailan eh, sana sinabi niya agad ng maaga di ba at para nakapag-ayos pa tayo." Reklamo ni Camille.

Di nasabi samin ni Kim kung anong klaseng dinner yun pero casual kami pero formal naman ang datingan.

"At grabe, sa Pasay pa talaga ang dinner na yan ah." Sabi naman ni Cienne.

"Para naman bongga noh, minsan lang magpaganyan si Kimmy." Sagot ko naman.

Medyo traffic pero keri naman. Halos inabot kami ng one hour and thirty minutes sa byahe.

"San daw dito?" Tanong ko.

"Hala siya, sa may by the bay daw." Sagot ni Carol habang binabasa ang text ni Kimmy.

"Makakatikim ng kamao ko 'tong si Kimmy eh, ang layo ng pinarkingan natin eh." Sabi ko naman.

"Oh chillax Ye, sayang beauty mo." Pagpapakalma naman sakin ni Camille.

No choice kami kundi ang maglakad patungo sa may bay area ng MOA. Langya ang layo kaya buti na lang kamo walang nagheels samin kung meron man, paltos paltos na paa non.

Maya-maya ay narating namin ang bay area at nakita namin agad si Kimmy na naka suit pero white shirt lang sa loob.

"Infairness Kimmoy ah, pogi natin dyan." Komento naman ni Cienne.

"Sus tama na ang bola, tara na." Sabi ni Kim at naglakad na kami. Medyo malayo pa ang nilakad namin pero okay lang naman at yun nga nandito kami sa may pier.

"Huy ano 'to Kimmy?" Tanong ni Carol. "Yung totoo san mo kami dadalhin?"

"Ayan oh." Sabay turo ni Kim sa may cruise ship.

"Weh Kim?" Reaksyon ko.

"Oo nga mga friends, dyan tayo!" Sagot naman ni Kim.

"Bigtime ka talaga." Sabi ko at inakbayan ko siya.

"Mas bigtime ka kesa sakin." Sagot naman niya at naglakad na kami papasok sa cruise ship.

First time kong makapasok at makasakay sa ganito. Halata rin naman sa mga kasama ko na first time din nila. Sakto lang naman ang laki neto, di naman kasi talaga siya cruise na as in na nagcucruise talaga sa iba't-ibang lugar. Good for dinner nga lang peg nito.

"Guys, dito muna kayo." Sabi ni Kim at umupo naman kami. "Kung gusto niyo na kumuha ng makakain, kuha na kayo dun. Buffet kasi tayo."

"Taray naman talaga ni Kim." Sabi ni Cienne at tumayo para kumuha ng kakainin.

Pinauna ko na silang lahat. Nakikita ko sa mga plato ng mga kasama ko na mukhang masasarap ang sineserve nilang pagkain at yun na nga turn ko na. Kumuha lang naman ako ng kaya ko pero more on ulam muna ako than desserts. Nakakaakit din yung kulay ng desserts nila especially yung chocolate fountain!

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon