It seemed like forever, but in reality it was such a minuscule moment, something that could've been captured in the blink of an eye. Our love story was such a small span of time, and yet I wanted it to last forever. Maybe it was because I wanted the whole package, a kind of love that you only find in Disney movies or novels. Maybe that is why I fought so hard for you, tried so hard, but it was never really worth it. Perhaps it was because it was freshman year and everything was so new and exciting, and the idea of meeting someone I could fall in love with was so appealing. But I've come to realize that some things are best left to fiction writers.
Yung nangyari sating dalawa, imposible man pero totoo. Napagdaanan yata natin lahat ng klaseng ng problema sa love. Not just jealousy, but those hard things like noong naaksidente ako at nagkaroon pa ng amnesia. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo at ngayon mukhang ako naman ang may matinding pagdadaanan.
I said, I've waited you for so long at ang swerte ko na lang talaga na hindi lang kita nakita, akalain mo ring pinagtagpo talaga tayo ng tadhana at naging tayo ulit. Did you know how happy I am noong naging tayo ulit? Yung feeling na ayaw mo ng matulog kasi baka pag gising mo, isang panaginip lang lahat! But then, para nga lang panaginip ang lahat.
Akala ko wala na hahadlang, pero ikaw na rin mismo ang humadlang na magkaroon ng tayo.. ng forever nating dalawa. Alam kong hindi mo gusto 'to pero ako na mismo, inunahan na kitang lumayo kasi ayaw kong makita yung sarili kong nakikipag agawan sa atensyon na binibigay mo.
But then again, kahit na wala ng tayo.. hinihiling ko pa rin na sana ako pa rin ang pipiliin mo.
Mika, maghihintay ako.
-Vic
Four years na ang nakalipas mula noong huli kong nayakap si Mika. Hindi ko maimagine na nakatagal ako ng ganito. Siguro sa sobrang busy ko na rin sa trabaho kaya nakakalimutan ko siya pa minsan-minsan.
Masyado ng naging in demand ang Volleyball community kaya sobrang busy kami ng organization ko sa pag-aasikaso ng mga volleyball tournaments locally here in England and internationally.
"Vicky, you have some letters today." Sigaw ni Emily at pumasok siya sa office ko.
"Just put it there." Sabi ko at tinuro ko ang table ko.
"What are you doing?" Tanong niya at sumilip siya sa laptop ko.
"Hmm, watching her games again huh?" Sabi niya at binigyan niya ako ng kape.
"Yeah, I missed her so much already." Sagot ko at tumawa lang si Emily.
"If I were you, I'll go to L.A right now and see her again. Vic it's been four years had passed the last time you saw her."
"I know but you know.. we're busy, i'm busy here." Sagot ko at napailing na lang siya.
Pinapanood ko yung game nila Mika sa China last week lang. Hindi ko masyadong na subaybayan ang games niya dahil sa sunod-sunod na tournaments ang sumabay sa league nila.
Iba pa rin si Mika talaga, lalo yata siyang lumakas at kung dati, maingay na ang pangalan niya bilang rookie. Ngayon, mas umingay at kinikilala na siya na isa sa mga veteran players ng US. Proud na proud nga ako sa kanya, kung pwede lang talaga akong lumipad papunta sa kanya, gagawin ko talaga.
Pero sa loob ng four years, puro tungkol lang sa volleyball career ang alam ko kay Mika pero yung tungkol sa whereabouts at personal life, walang akong alam.
At ang malala pa nga nito, sa loob ng four years wala rin kaming contact sa isa't-isa. Wala naman akong magagawa kundi umaasa na lang ulit sa tadhana, napagbigyan nga kami ng tadhana dati so pwede talagang maulit.