MIKA
Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at sinimulan kong mag unat-unat. Kinapa ko ang kabilang side ng kama at wala na yung katabi ko.
"Nasan na yun?"
Bumangon ako at nagulat ako sa nakita ko sa salamin.
Shit, tinignan ko ang katawan ko at confirmed!
Oh my gosh, may nangyari ba samin kagabi?
Chineck ko naman kung may mga nakakalat na damit sa sahig pero wala dahil nakaayos ito sa may bandang ibaba ng kama.
Pinipilit kong alalahanin kung meron ba pero hindi ko talaga maalala. Hindi naman sa ano pero matagal na kasi akong nanlalambing kay Vic pero hindi ko ineexpect na aabot kami sa ganito.
Bago pa may makapasok, agad ko ng nilock ang pinto at nagshower na para makalabas na ko dito.
Paglabas ko ng kwarto, walang tao sa may sala. Pero nakikita ko sa labas yung Bullies na naglalaro sa may beach. Pumunta naman ako sa dining area dahil nagugutom na ako at saktong may mga pagkain ng nakahanda.
Pero habang kumakain ako, may ingay akong naririnig malapit dito sa dining area. Hinanap ko ang tunog ng mga kaluskos na yun at nakita ko yun sa isang room malapit nga dito sa may kainan.
At yun, nakita ko si Vic na nagwoworkout.
Napalunok naman ako dahil ang hot niya habang binubuhat ang dumbell at tsaka wetlook pa.
"What the heck, Mika! Ginulat mo naman ako."
Napapikit ako sa sigaw niya at napahawak ako sa dibdib ko.
"K-kanina ka pa ba dyan?" Tanong niya at lumapit sakin.
"Medyo, may naririnig kasi akong ingay dun sa may dining area. Eh ikaw lang pala yun." Sagot ko. "Bakit ka nandito?"
"Di mo ba nakikita?"
Biglang naging seryoso ang mukha ko at hinampas siya ng malakas habang tumatawa siya.
"Epal mo talaga minsan, Vic!" Kunwareng naiinis kong sabi.
"Tara dito." Sabi niya at hinatak niya ako palapit dun sa may threadmill.
"Tumataba ka na eh, kailangan mo nito. Konti na lang, balik training ka na sa States." Sabi nito at pinaandar niya ang threadmill.
Habang naglalakad ako dito sa threadmill, nakikita ko nga sa may salamin na tumataba ang face ko. Shemay, nag gain ako ng weight!
Halos sumubsob naman ako nang pabilisin ni Vic yung threadmill. Nakatikim na naman siya ng hampas mula sakin at tumawa lang siya.
"Hindi tayo magbabakasyon dito, oplan balik fit katawan ang peg natin dito." Sabi niya at nagthreadmill din siya. "Ako muna ang gym instructor mo ngayon."
Ten minutes kaming tumakbo dito sa threadmill. After nun, buhat naman ng dumbells for the muscles.
Nakakainis nga 'tong si Vic dahil ang bibigat ng pinabubuhat sakin.
"Eto oh, 20 kg!" Sabay abot niya sakin nung dumbell.
"Huy, maawa ka naman sa girlfriend mo." Sabi ko at tinawanan lang ako.
"Wala munang awa-awa Ye. Kailangan nating ibalik 'yang katawan mo sa dati." Matigas nitong sabi.
Habang nagbubuhat ako dito, tinatanong niya ako tungkol sa katawan ko like weight or kung may abs daw ba ako. Meron naman ako dati, makakabuo na nga sana ako ng pair e kaso pagbalik ko dito sa Pinas mukhang nawala.