MIKA
"Kim, dalian natin. Nine o'clock calltime eh." Medyo nagpapanic kong sabi kay Kim.
Kagagaling lang kasi namin ng Batangas. Doon kasi kami nag-outing ng family ko kasama ang barkada. May resthouse kasi sila Kimmy dun, kaya pinuntahan namin.
At eto na nga, palabas pa lang kasi kami ng SLEX kaya minamadali ko talaga siya. Nakakahiya baka ma-late ako, nakakahiya kay Vic.
"Chill lang Miks, may two hours pa oh." Sagot naman sakin ni Kim at tinuro pa ang orasan niya.
"Kahit na. Nakakahiya kayang ma-late." Sabi ko naman at sumandal sa upuan.
"Sus, ayaw mo ba talagang ma-late o eager ka lang makita si Vic?" Tanong naman niya sakin sabay ngiti ng nakakaloko.
"Huy, excuse me. Hindi dahil kay Vic okay?" Paglilinaw ko naman. "Kung si Vic lang, edi sana hindi ko na lang tinaggap ang project na 'to pero nakakahiya lang talaga sa iba."
"Yung totoo Ye, nakamoved on ka na ba? " Tanong niya sabay inom ng tubig niya.
"Kung hindi pa, edi sana wala akong boyfriend ngayon." Sagot ko naman. "Tsaka tigilan mo nga ko, mahiya ka kay Luke."
Tinawanan lang niya ako at inirapan ko naman siya.
Right after ng meeting ko nun, sinabi ko agad kay Kim at sa buong barkada ang pagkikita namin ni Vic ulit. Laking gulat nga rin nila na nag-eexist pa si Vic ngayon. I mean, hindi naman sa pinatay na namin siya noh, bigla kasing sumulpot si Vic.
Sinabi ko rin na hindi pa rin nakakaalala si Vic. Well, kami ang di nag-eexist sa utak ni Vic. Maganda na rin nga na wala pa rin siyang maalala para kunwari walang past saming dalawa.
Napatingin ako sa relo ko at quarter to eight na. Sabi naman ni Kim malapit naman daw kami at wag na akong mag-alala.
Habang nasa byahe kami, may nakita naman akong billboard ni Kiefer. Nagkatinginan naman kami ni Kim at sabay natawa.
"Speaking of Kief, nakausap mo na ba siya?" Tanong ni Kimmy.
"Hindi pa nga. Ever since na naganap yung meeting ko with Vic, di ko na siya nakausap." Sagot ko naman.
Napaisip nga ako na baka alam ni Kief na magkakaroon ako ng meeting with Vic hindi lang niya sinabi. Sa bagay, bakit pa nga dapat niya sabihin yun? Wala naman dapat pakialam si Kief sa mga ginagawa ni Vic. Pero sana binalitaan pa rin niya kami kung nakakaalala na ba si Vic or hindi pa.
"Time check is 8:30 am." Napatingin naman ako kay Kimmy at napansin ko rin hininto na niya ang sasakyan. "Nandito ka na."
Tumingin naman ako sa paligid at oo nga, nandito na kami sa Cuneta. Thirty minutes early ako ngayon. Ayoko rin kasi talagang late, natuto na ko sa pagiging late eh.
Bumaba na kami ng sasakyan ni Kimmy. Buti na lang at dito kami sa likod ng Cuneta pumasok. Marami daw kasing tao sa entrance mismo.
May mga guards dito at inassist kami kung saan ang magiging room ko. Buti na lang, mala-PA ko si Kimmy ngayon. Ako na ang sikat na volleyball player na wala man lang kasamang personal assistant dito.
"Hello Miss Mika." Napatingin naman ako sa likod ko at si Emily pala yun.
"Hello Emily." Bati ko naman. "What time we're going to start?"
"Since it's getting nine now.. we're going to start at 9:30." Sagot naman niya. "Also, Ms. Vic is still not here."
"Why? Traffic again?" Tanong ko naman at tumawa siya.
Sinabi naman niya na kapag hindi pa rin nakarating ng 9:30 si Vic, wag na raw namin siyang hintayin. Magsimula na raw kami baka mainip pa ang mga tao.