VIC
And we're down to our last day here in Manila, I mean yung sa project. After neto, ang next target na namin ay mga province. Bukas na bukas, magtatravel na kami sa Bulacan.
Kasalukuyang nandito kami sa school ni Mika noong High School siya. Kasama rin kasi sa project namin ang pagbisita niya sa iba't-ibang schools.
Malayo man ako at hindi ko tinatabihan si Mika, ramdam at kita ko naman na nag-eenjoy siya. Napanood ko nga ang mga interviews niya, sobrang masaya siya sa project na ito. Hindi lang sa pag-iinspire sa mga bata kundi giving back na rin sa walang sawang pagsuporta sa kanya.
Pero sa pangalawa naming araw na magkakasama, bihira kaming mag-usap. Hindi ko pa nga siya nakakausap ng mag-isa lang. Feeling ko nga naiilang siya sakin at sa tingin ko normal lang yun, dahil after ng pagkawala ko noon bigla akong nagpakita ngayon. Siguro naguguluhan din siya kung sino ba ako. Vic na walang amnesia or Vic na may amnesia pa rin.
Nasabi rin pala sakin ni Kief noon na gusto siyang kausapin ni Mika tungkol sakin. Ewan ko kung dapat ba akong kiligin eh. Pero gusto raw malaman ni Mika kung kumusta na ako. Pero ayaw naman ni Kief magpakita sa kanya, dahil siguradong aalamin ni Mika ang lahat kaya naman nagtatago sa training ngayon si Kief at nilalayo ko rin si Mika para hindi sila magkita.
"Water." Sabay abot ko sa kanya. Hindi na siya nag dalawang-isip at kinuha na niya yun.
"Thanks." Sagot naman niya at umupo ako sa tabi niya.
"Kumusta ka naman?" I asked. Pertaining sa ginagawa namin sa project ko.
"Hmm.. ayos na naman." Sabay inom niya ng tubig. "By the way, I want to thank you. Salamat dito ah."
Napakunot naman ang noo ko.
"Where?" Tanong ko. "Sa tubig?"
"Sus, syempre dito sa project mo." Sabay tayo niya. "Tsaka sa tubig na rin." At tumakbo na siya pabalik sa mga volleyball players ng Scholastica.
Naiwan akong nakangiti dito. Ganun pa rin talaga si Mika. Good thing, nagkaroon ako ng chance para makausap siya. Ayos lang yun.. hindi ko man lagi siya nakakausap pero darating din kami sa stage na close na.
.
.
.
.
.
.
.Tapos na ang pagbisita ni Mika sa St. Scho, papunta na kaming muli sa Cuneta Astrodome para ipagpatuloy ang activities namin doon.
"Maganda ang nangyayare sa project natin, Vic." Sabi ni Sir Leo habang palabas kami ng gym.
"Oo nga. So far, so good." Sagot ko naman.
"And sobrang excited na rin ako for tomorrow kasi out of town na tayo."
Halata sa mukha at boses ni Sir Leo ang tuwa dahil sa project namin. Kahit ako dahil habang tumatagal, gumaganda. Sumasang-ayon sa napredict namin ang mga nangyayari.
Nakarating na kami sa may parking lot nang mapansin naming nagbukas ng hood ng sasakyan si Kim.
"Ano yun?" Tanong ni Sir Leo. Umiling naman ako kasi hindi ko rin alam.
"Sige Sir Leo, mauna na kayo." Sabi ko naman. "Check ko lang sila." At naglakad na nga ako papalapit sa sasakyan ni Kim.
"May problema ba?" Tanong ko at tumingin ako sa makina ng sasakyan niya. Medyo umuusok ang sasakyan ni Kimmy.
Lumabas naman ng sasakyan si Mika para icheck din ang sasakyan ni Kim.
"Mukhang nasiraan yata car mo Kimmy." Sabi naman ni Mika at napasapo na lang ang kamay niya sa noo.