MIKA
Maaga akong gumising para asikasuhin 'tong cargo na binigay sakin nila Kim. Tumawag kasi sakin sina Kim kagabi dahil umiinom daw si Vic. Agad naman akong pumunta sa lugar nila para sunduin si Vic.
I know the reason naman why Vic is like that. I know it's because of me pero ayaw niya akong kausapin so ito na lang ang natatanging paraan para kausapin ko siya.
Chineck ko sa kwarto ko si Vic at tulog na tulog pa siya. Kaya naman nagluto ako ng sinabawang ulam para mawala ang hangover niya. Panigurado, masakit ang ulo niyan mamaya.
Naasar pa nga ako kagabi dahil pahirapan pa siyang dalhin papasok sa Condo ko. Kung ano-ano sinasabi niya sakin, alam kong lasing siya but some of them ay nakakasakit na although I know it's my fault after all.
Nahirapan din ako sa pagtatanggal ng damit sa kanya. Hindi ko naman sinamantala ang pagkalasing niya noh. Binuksan ko lang ang polo niya and good thing na nakashorts naman siya so hindi ko na pinakialaman yun.
Agad ko ring tinext si Luke na wag siyang pumunta sa unit ko ngayon dahil nga kay Vic pero hindi ko naman sinabi na dahil ito kay Vic. Nagpalusot na lang ako para hindi masira ang araw na 'to.
Pumasok ulit ako sa kwarto ko at nakita kong gumagalaw-galaw na si Vic. Agad naman akong kumuha ng malamig na tubig dahil paniguradong tuyong-tuyo ang pakiramdam niya.
"Malamig na tubig oh." Sabi ko at kinuha naman niya yun.
Mukhang hindi pa niya alam kung nasaan siya dahil hanggang ngayon ay nakapikit pa rin siya habang umiinom.
Maya-maya ay dahan-dahan na niyang minulat ang mata niya at tinignan ang paligid.
"Asan ako?" Tanong niya hanggang sa tumingin siya sakin at nanlaki ang mga mata niya.
"What the.. bakit nandito ka?" Gulat na gulat niyang tanong.
"I'm here because this is my house." Sagot ko dito at kinuha ko sa kanya ang baso.
"Eh bakit nandito ako?"
"Kasi lasing ka last night." Sagot ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Naghanda na ako ng breakfast naming dalawa dito sa kitchen.
Nakita ko ring lumabas na ng kwarto si Vic at pumunta siya ng CR.
"Kain na." Paanyaya ko dito at lumapit naman siya sakin.
"Ano bang nangyari kagabi?" Tanong niya pagkaupo na pagkaupo niya.
"Ewan ko sa inyo, tinawagan lang naman ako para sunduin ka." Sagot ko dito.
Mukhang ewan si Vic. Pinipilit niya yatang alalahanin ang mga nangyare sa kanya kagabi pero mukhang isa-isa na niyang naalala yun dahil nag-iba na ang timpla ng mukha niya. Pero bago pa man siya magsalita, inunahan ko na.
"Wala naman akong balak talaga na dalhin ka dito kagabi, pinilit lang ako nila Kim. But naisip ko na rin na magandang opportunity 'to para makausap kita." Seryoso kong sabi sa kanya.
Wala naman siyang reaksyon at kumain na rin siya.
"Vic, alam kong paulit-ulit ko na lang na sinasabi 'to sayo.. sorry for the nth time."
Napatingin naman siya sakin at nagsmirk lang siya.
"Mahal kita Vic pero sana pakinggan mo ko, i'll explain everything." Sabi ko at nakatingin lang siya sakin.
Inexplain ko ang lahat mula sa simula. Kung paano naging kami ni Luke at paano kami nagbreak.
Alam kong nakwento ko na sa kanya 'to dati pero mas maganda ng ulitin ko para mas maunawaan niya.