MIKA
Gumising ako ng sobrang maaga para makapagprepare sa meeting ko with a sport organization na nag-email sakin noong nasa America pa ako.
Natuwa ako ng makita ko ang platforms ng project nila. Gustong-gusto ko na nga pumayag pero gusto ko munang makilala ang organization nila.
Natapos ko na ang lahat-lahat. Nagsuot lang ako ng komportable pero maayos pa rin dahil meeting nga ang pupunahan ko.
Nakita ko namang nagtext si Kimmy sakin na nandoon na raw siya sa lobby. Oo, sa condo ko ako tumuloy ngayon. Nung nasa States ako, sinabihan ko sila Mama na hanapan ako ng magandang condo. Para hindi na ako pumunta ng Bulacan, masyado kasing malayo yun dito sa Manila.
Pagkababa ko sa lobby, natanaw ko na si Kimmy na nakasandal sa sasakyan niya. Nang makita niya ako, kumaway na ako at ngumiti naman siya.
"Goodmorning!" Bati niya at yumakap sakin.
"Goodmorning din Kimmy." Sabi ko naman. "Aga natin ah!"
Umikot na ko sa kabilang side ng sasakyan at inalalayan pa talaga ako ng mokong. Tumakbo na si Kim at umupo na sa driver seat. Binuksan na rin niya makina at umalis na.
"Saan nga banda yung office na sinabi mo?" Tanong niya sakin at binuksan ang GPS ng sasakyan niya.
Dahil hindi ko rin naman alam, pinakita ko na lang sa kanya ang address at ininput niya yon sa gps niya.
"Hindi naman ako nakaabala sayo today?" Tanong ko at in-on ko ang radio niya.
"Ang kulit naman. Hindi nga sabi." Sagot naman niya at ngumiti. "Mga anong oras pala tapos ng meeting mo?"
"Hindi ko alam Kimmy eh, bakit?" Tanong ko naman.
"Ah, si Carol kasi niyaya niya tayo sa fastfood chain niya. Pwedeng-pwede ka dun kasi Jollibee naman ang business niya."
Ang galing talaga ni Carol. Siguro ako talaga ang rason kung bakit Jollibee ang pinili niya. Haha. Para makakain ako ng matanggal sa resto niya.
"Sige, i'll text you na lang mamaya kung patapos na ang meeting ko." Sagot ko.
Maya-maya ay lumiko na si Kim sa isang building. Parang pang government building ang itsura pero maganda. Meron itong eight floors kung hindi ako nagkakamali. Ang taray naman ng organization na 'to. Parang business type na ang building nila. Hinarang naman kami ng guard pero ng nagpakilala kami ay hinayaan naman niya kaming makapasok.
"So, here you go." Sabi ni Kimmy at inunlock na ang pinto. "Ako na."
Agad siyang lumabas at tumakbo sa side ko. Taray naman ng ate mo Kimmy, napaka genteldog-- este gentlelady naman. Hahaha.
"Nakakaloka ka." Sabi ko at hinampas ko siya ng mahina.
"Baliw, wag mo lagyan ng malisya. Di tayo talo." Sagot naman niya at kinurot niya ang left side ng bewang ko.
Sinamahan niya ako papasok sa building na ito. Sabi niya, nakapunta na rin siya dito noon. Sinama raw siya sa campaign ng organization na ito.
"Miss." Tawag ni Kimmy sa babae na nasa assistance center.
Medyo busy din yung babae. Hindi siya lumilingon samin dahil may mga papers siyang hawak at dagdag mo pang may kausap siya sa telepono. Kawawa naman siya, gusto ko siyang tulungan.
"Yes, what can I help you?" Tanong ng babae at nang lumingon ito samin, nalaglag ang phone niya mula sa leeg niya.
"Oops. Sorry po." Paumanhin naman ni Ate. Natawa na lang kami ni Kimmy sa inasta niya.