twenty-two

2.2K 90 18
                                    

VIC

"Ara naman, sana tinext mo kami na nandito ka na sa Baguio. Sobrang nag-aalala kami sayo."

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Kiefer at pinapaulanan ako ng sermon. Kesyo di raw ako nagtext sa kanya na nandito na ako sa Baguio.

"Sorry na talaga, Kiefer." Sabi ko sa kanya. Pang-ilan ko ng sorry yan pero galit pa rin eh.

"Di mo alam kung gaano kami nag-alala sayo, pinahanap na nga namin ikaw sa pulis eh." Galit na tonong sabi ni Kiefer.

Grabe naman pala talaga. Tss, pero nagsosorry na ko sa kanya. Ayos naman akong nakarating dito at akalain mong may bonus pang dumating sakin, si Mika.

"Sorry na kasi Kief eh, alam ko naman na nag-alala kayo. Nabasa ko lahat ng messages niyo."

"Eh bat di ka man lang nagreply?"

"Ayoko."

"Ano?!"

"Ayaw ko lang muna pansinin ang ibang tao dahil kasama ko si Mika."

Lalong kumunot ang noo ni Kiefer. Napa facepalm na lang din siya.

"Inuna mo pa talaga yan, sana man lang nagtext ka kahit isang beses lang." Sabi niya.

"At bakit naman hindi, Kief?" Pasagot kong tanong sa kanya. "Minsan ko lang makasama si Mika kaya lulubus-lubusin ko na."

Napailing na lang siya at lumabas ng kwarto niya.

"Psh, kita mo yun. Dinala ako ditonsa kwarto niya tapos iiwan ako." Bulong ko.

Nang tumayo na ako, sakto namang pumasok si Aly sa kwarto ni Kief.

"Beast mode ang kuya mo." Nakangiting sabi sakin ni Aly at tinapik pa ang balita ko.

"Galit ka rin ba sakin?" Tanong ko at tumingin siya ng seryoso sakin.

"Alam mo Vic, naiintindihan naman kita eh. Ayaw mo lang pansinin ang mga taong pwedeng makaabala sa inyo ni Mika, pero kasi nag-alala kaming tatlo lalo na si Kiefer. Halos di na nga makatulog yun eh." Kwento ni Alyssa sakin.

Napakamot na lang ako sa batok ko at muli, babanggitin ko na naman ang salitang 'sorry'.

"Sorry talaga 'Ly ah. Salamat na rin sa pag-intindi sakin." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Di ako galit. Sabi ko nga sayo, gets kita. Si Kief lang talaga beastmode sayo dito." Natatawa niyang sabi sakin.

"Sige sige, ako na bahala dun kay Kief. Salamat." Sabi ko at nagpaalam na ako sa kanya.

"Nga pala, nandun na rin si Mika sa kwarto mo. Tutal pang dalawahan naman kwarto mo dito." Pahabol na sabi ni Aly sakin.

Nagthumbs up na lang ako sa kanya at lumabas na ako ng kwarto. Dumerecho naman agad ako sa room namin dahil sobrang pagod na ko. Masyadong maraming nangyari ngayong araw, nakakastress na.

Nandito pala kami ngayon sa hotel kung saan nagcheck in sina Kiefer. Dahil beastmode nga ang Kuya niyo, pinilit niya kong lumipat na ng hotel dito. Hindi ko naman iniwan si Mika dun, sinama ko siya sakin syempre.

"Musta usap?" Tanong ni Mika habang nakaupo sa kama.

Lumapit ako sa kanya at tumabi sa gilid niya.

"Ayun, galit si Kiefer. Nakausap ko na rin si Alyssa, di naman daw siya galit sakin. Ewan ko lang si Denden, nasa kwarto kasi siya ni Aly kaya di ko na muna pinuntahan." Sagot ko naman.

"Hay, bakit kasi di ka man lang nagtext sa kanila?" Tanong sakin ni Mika. Nako, hanggang dito may sermon pa rin?

"Hay Mika, ayaw ko lang na may umiistorbo sakin habang kasama kita eh. One hundred percent sure, di nila ako tatantanan kakatext kasi kasama na kita." Sagot ko ulit sa kanya.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon