twenty-six

1.8K 70 12
                                    

VIC

After the night na nakumpleto na kaming magbabarkada, nagising ako sa munting hilik na naririnig ko.

"Hay Mika, bakit ang cute mo pa rin kahit humihilik?" Tanong ko sa sarili at hinaplos ko ang cheeks niya.

Bago pa akong manggigil sa katabi ko, bumangon na agad ako para makaligo na at makapag-ayos na.

Kami kasi ni Mika ang magkasama sa isang master bedroom dito sa bahay nila Cienne. Para nga silang baliw kagabi dahil baka daw may mangyari samin.

Pero wait, meron nga ba?

"Goodnight guys." Paalam namin ni Mika sa barkada.

Nakafeel na rin kasi ako ng antok at pagod dahil sa mga nangyari kanina. Dagdag mo pang nakainom kami kaya eto, masarap na bumorlogs.

Nauna ng pumasok si Yeye at nang papasok na rin ako ay biglang nagsalita si Cienne.

"Woooh, guys. Paalala ko ah, hindi 'to hotel o sogo ah baka may mangyari dyan sa kwarto namin."

Parang ewan 'to si Cienne kung anu-ano pinagsasabi. Imposibleng may mangyari samin ni Mika. Although na may amats kami, tingin ko naman ay pareho pa rin kaming aware sa mga nagaganap. Nakapagplano pa nga kami kanina eh.

And one more reason na wala talagang mangyayari samin ni Mika kasi hindi pa kami. O kahit pa kami na, nangangako pa rin ako sa sarili ko na yung mga ganung bagay, ginagawa lang pag naikasal na.

"Alam na pag may umungol dyan ah." Asar pa ni Kimmy.

Hindi ko na sila pinatulan at pumasok na rin ako sa kwarto, gusto ko na talaga magpahinga.

Gusto ko na sanang humiga kaso naalala ko naka bathrobe pa pala ako. No choice kung di magbihis ako ng tshirt. Kung wala lang akong kasama ngayon sa kwarto, matutulog talaga akong naka undies lang. Masarap din kasi matulog ng ganun lang, ewan ko ba pero feeling ko ang sarap ng tulog ko kapag ganun. Kaso wala eh, may kasama ako ngayon.

Pagkabihis ko ay bumalik na ulit ako sa kama. Pareho kaming nakaside view ni Mika. Hindi lang siguro namin feel na magkaharapan matulog ngayon.

Patulog na sana ako nang biglang narinig ko si Mika na magsalita.

"Vic, are you asleep?"

Nakakapagtaka nga dahil akala ko tulog na siya.

Umayos ako ng higa at humarap sa kanya. Inayos din niya higa at nagtititigan lang kaming dalawa. Hindi ako tulad niya na graduate ng Psych pero pinipilit kong basahin kung anong iniisip niya. Walang nagsasalita samin hanggang sa inilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako. Gumanti na rin ako dahil masyadong intense ang bawat halik niya at tingin ko, dulot na rin ito ng nainom namin.

Masyadong intense si Mika at naitulak niya ako pahiga ng maayos at umibabaw siya sakin. After niyang humalik sa mga labi ko ay ibinaba niya ito sa leeg ko. Aayaw sana ako dahil leeg ko na 'to pero nagugustuhan ko ang mga halik niya ngayon. Pero nang tumagal nararamdaman kong bumagal lalo ang halik niya sa leeg ko at muli niya akong hinalikan sa labi sabay yakap sakin.

"Ye, anong nakain mo?" Biro ko sana kaso naramdaman ko ng bumigat katawan niya sa may dibdib ko. Natawa na lang ako at hinaplos-haplos ko lang ang buhok niya hanggang sa inantok na ko.

"Goodnight love."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"What the?!" Sambit ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi.

Pinatay ko na ang shower at nagpatuyo ako ng katawan at nagbihis na. Paglabas ko, nagsuklay na ako ng buhok at kung anu-ano pang seremonyas ang pinaggagawa ko.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon