VIC
"Ah okay, don't worry. We'll gonna make this fast." Sabi ko sa kanilang dalawa. "I have to go now. Emily, please assist her later okay?"
After nun, dali-dali akong lumabas ng conference room at pumasok agad sa office ko.
Juicecolored! Yun na yata ang pinaka mahirap na pagpipigil na ginawa ko sa buong buhay ko. Ang magpigil na muling hawakan si Mika at sabihing nakabalik na ko na nakakaalala na ko. Pero hindi, hindi ko ginawa. Nagstick ako sa plan na sinabi sakin ni Kiefer.
Bahala na kung anong mangyari sa mga susunod na araw. Ang mahalaga makakasama ko na siya sa project namin.
Laking tuwa ko na rin na hindi siya umayaw sa project namin. Well, maganda naman ang project namin pero ako, hindi. Lalo na't alam kong nasaktan ko si Mika noon. Siguro sa loob ng two years na yun, nakamoved on na siya.
Nakalimutan na niya ako.
.
.
."Huy Ara, busy natin ah." Sabi ni Kiefer at naglapag ng beer dito sa mesa namin.
Nandito kasi ako sa bahay nila Kief ngayon. Birthday kasi ng kapatid niyang si Thirdy. Ayaw ko nga sana pumunta dahil may mga aasikasuhin pa ako lara sa project namin kaso nakakahiya dahil mismong mga parents ni Kief ang nag-imbita.
"Sorry ah. Alam kong dapat di ka talaga pupunta ngayon." Muling sabi ni Kief at lumagok ng beer niya. "Pwede ka naman kasing tumanggi eh, maiintindihan naman nila Mommy na busy ka."
"Psh, nandito na ako Kief oh. Gusto mo bang umalis na ako?" Sabi ko naman sa kanya at tumawa. Lumagok din ako ng beer pero konti lang yun. Pinagpatuloy ko rin ang pagtatype ng sched namin for our project.
"Anyways, how your meeting yesterday?" Tanong ni Kief.
"Hmm, ayun. Hindi pa rin niya alam." Sagot ko at naramdaman ko naman na tumingin siya sakin.
"So, nagpanggap ka?"
Tumango naman ako bilang sagot. Hay, ewan ko ba kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Nakakapanlumong isipin na baka nga nakamoved on na si Mika at nakahanap na siya ng taong muling magpapasaya sa kanya.
Sakto namang natapos ko na ang schedule namin. After nun, kinuha ko ang baso ko at halos punuin ko yun at ininom.
"May problema ba?" Tanong sakin ni Kief at hinawakan niya ang braso ko.
"Alam mo, nakakapagtaka lang talaga." Panimula ko. "Bakit kaya pumayag aga si Mika sa project namin noh?"
"Oh, ayaw mo nun. Malaki maitutulong nun sa org niyo, lalo na sayo. Makakasama mo na siya." Sagot naman ni Kief at muling lumagok ng beer.
"Kasi ineexpect ko rin na baka umayaw siya dahil sakin.. alam mo na personal problem."
"Para namang hindi ka pro." Sabi ni Kief at tinuro pa niya ako. "Professional lang siya. Kung may problema siya sayo, isasantabi niya muna yun para sa magandang project ng org niyo."
Para lang akong tanga dito. Kung nakamoved on siya, edi fine. Wala naman akong balak na landiin siya or what. Gusto ko lang sabihin na nakakaaala na ko, baka kasi magbago ang lahat at maibalik ang dati sa amin.
.
.
.
.
."What you gonna, what you gonna do with that dessert.
Nagising ako sa ingay na narinig ko. Sobrang inaantok pa talaga ako. Halos nakapikit kong kinapa sa kama ko ang phone ko. Napamulat na rin ako dahil naririndi na ko sa Dessert na yan. Napili kong ringtone yan sa secretary ko. Pinili ko yung nakakarindi para alam ko agad na importante yun.
"Hello?" Bati ko with my morning voice. "Emily?"
"Goodmorning Ms. Vic, I just want to tell you that Ms. Mika just confirmed that she's okay with your schedule."
Buti naman at okay sa kanya ang sched na ginawa ko.
"And Ms. Ara, don't forget that we're going to have our last meeting before the project starts tomorrow. Okay?"
"Yeah, i'll be there later." Sagot ko at inend ko na ang tawag.
Hoooh, ang sakit ng ulo ko. Nyemas na beer yan. Kaya sa susunod di na talaa ako iinom!
Nandito pa rin ako sa bahay nila Kief. Nakakahiya dahil nagpaabot pa ako ng umaga dito.
Dali-dali naman akong pumunta sa CR at naghilamos ng mukha. Nagpalit din ako ng shirt. Ginamit ko muna ang shirt ni Kief na hiniram ko last night, well medyo malaki pero ayos lang.
"Goodmorning Ara!" Bati sakin ni Tita Mozzy at bumati rin ako sa kanya.
Saktong naabutan ko silang nagpeprepare for breakfast. Nakita ko rin na pababa na ng hagdan si Tito kaya naman binati ko rin siya.
Pinasabay na ako ng parents ni Kief na kumain ng umagahan sa kanila. After nun, nagpaalam na rin ako. Mabilis akong nakarating sa hotel na tinutuluyan ko. Nagpahinga lang ako ng konti at inayos ko na muli ang sarili ko para makapunta na sa office.
Pagkarating ko sa office, dunerecho agad ako sa conference room at doon ko naabutan yung team ko na nag-aayos kung anu-ano ang gagawin namin project namin.
Gusto kong ishare sa inyo na dito palang sa Metro Manila, marami na agad kaming gagawin. Sinimulan ng Team ko ang magparegister para sa mga kabataan na gustong makatraining si Mika for two days. Well, hindi naman kami nabigo dahil ang daming nagregister. Yun nga lang, kailangan lang namin ng 40 kids para sa training experience na ito.
"May I see the schedule again?" Tanong ko kay Emily at inabot naman niya sakin ang prinint niyang sched.
Dahil baka one month lang ang ilagi dito, pumili lang ako ng mga lugar karapat-dapat na lugar para sa invasion namin.
"So, ready na ba yung venue for tomorrow?" Tanong ko sa mga kasama ko.
"Ah yes mam. Dumaan po ako sa Cuneta Astro kanina para ifollow up ulit yung venue natin." Sagot naman ni Tom na parte rin ng magiging team ko for this project.
Inayos na namin ang lahat ng gagamiting gamit for tomorrow. Dahil co-partner at sponsor din namin ang Mikasa, sila na ang bahala sa mga bola, net at lahat-lahat ng volleyball equipment.
"I think we're almost ready for tomorrow." Sabi ko sa mga kasama ko. "Si Mika na lang ang kulang."
Nag-apir naman kami ng mga kasama ko dito. Mukhang excited na rin sila para bukas. Nga pala, lahat ng mga member ng org na ito ay may experience lahat sa volleyball so hinding-hindi mahihirapan si Mika bukas.
Dinismiss ko na ang lahat, gabi na rin kasi at ayaw kong ma-late kami ng uwi. Gusto ko fresh kaming pupunta sa venue bukas.
"Emily, please inform Ms. Reyes for tomorrow, okay?" Paalala ko kay Emily at sabay kaming lumabas ng conference room.
Hoooh! Tomorrow is gonna be exciting pero isang araw na naman ng pagpapanggap ang gagawin ko. Goodluck to me.