KIM
"Basta ako bahala, palitan na lang kami ni Vic sa pagdadrive di ba?"
"Oo, basta pagdating sa NLEX ako na bahala." Sagot ni Vic.
Ngayon ang araw ng pagbisita namin sa mga probinsya ng mga bullies. Unang destination namin ang Pampanga hanggang sa pababa kami ng pababa sa Batangas.
Sumakay na kaming lahat at ako nga itong nasa driver seat at lahat sila nasa likod. Sa gitna pumwesto sina Mika at Ara tapos sa pinaka likod naman yung kambal at si Carol. Natatawa ako kay Cienne dahil siya talaga ang ultimate third wheel ng tropa.
Sinimulan ko na ang pagdadrive.
Tumitingin naman ako sa mismong daan pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa rear mirror. Natutuwa kasi ako sa mga kaibigan ko. Ang saya lang tignan na kumpleto na kami lalo na ang makita si Vic.
Lalo akong sumasaya pag nakikita ko siya masaya lalo na kapag kasama niya si Mika. Ang sarap nga tignan nung dalawa eh, kinikilig ako sa kanila promise! Nakasandal kasi si Mika kay Vic at nakayakap ito ng pa side. Samatalang si Vic naman nakaakbay sa kanya at minsan kong nahuhuli na humahalik sa buhok ni Mika.
Ibang klase talaga silang dalawa. Yung mga simpleng galawan lang nila sa isa't-isa? Iba ang tama. Proud fanclub president talaga ako ng KaRa.
Meanwhile yung magsyota naman sa likod, ayun medyo malikot. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Carol na at Camille. Oo, alam kong may something na talaga si Cars kay Camille noon. Ako yata ang dorm mate niya dati.
Ang tingin ko talaga sa kanila ay parang magbestfriends lang na super close lang. Tsaka babaeng babae sila parehas gumalaw. I mean, walang isa sa kanila na tulad namin ni Vic na naglipat bakod haha.
Tulad na nga lang ngayon, iniipitan ni Carol si Camille habang nagpipicture naman yung isa.
Para nga lang magbestfriends di ba?
Pero eto na nga yung sikat na third wheel naming kaibigan. Hindi nga lang third eh, pang 7th wheel na siya minsan!
Ayun si Cienne, tulog sa kabilang side nila Carol. Hay, minsan naaawa ako pero ayaw naman namin madaliin si Cienne dahil baka siya naman yung masaktan. Kilala ko naman siya, hinihintay lang talaga niya yung taong para sa kanya.
At syempre, hindi ako magpapahuli sa kwento.
Ako naman eto masaya na rin dahil may lovelife na ulit. Hindi ko rin ineexpect, sadyang nangyari lang talaga yung samin ni Cyd. Nagsimula sa munting asaran pero imbes na mapunta sa awayan, napunta sa pag-iibigan.
Masaya naman kami dalawa dahil three weeks ng kami. Wala pa naman kaming problema sa isa't-isa pero hangga't pwede ayaw ko magkaroon kami ng malalang problema sa isa't-isa.
Idol ko man sa relationship goals minsan 'tong sina Mika at Vic. Huy ayaw ko pa rin matulad sa kanila. Grabe yata ang love story ng dalawang 'yan. Bawat isa saming Bullies saksi sa lahat ng pinagdaanan nilang dalawa.
Pero dahil powerful nga ang love. Ayun, kahit nagkaroon ng amnesia si Vic, nagkalayo man sila pero heto na sila ngayon, magkasama na at mukhang wala ng makakapaghiwalay sa kanila. Although magkaibang bansa ang pupuntahan nila, love has no distance nga di ba? At sabi pa nila, kapag mas malayo ka raw sa mahal mo, mas minamahal daw natin ito lalo.
Tulad ko na lang ngayon, nasa NLEX na kami at sobrang layo sakin ni Cyd pero mas lalo akong nasasabik na mahalin siya.
Shit ang lalim! HAHAHAHAHA
Pero totoo ang lahat ng yun, maloko man ako minsan. Pero pag nagmahal, todo magseryoso 'to.
Speaking of NLEX, malayo na pala ang nadadrive ko. Sa sobrang daldal ko, hindi ko na tuloy napansin.