thirteen

1.6K 86 28
                                    

VIC

"Guys, i'll just go outside lang." Sabi ko sa mga kasama ko.

Lumabas muna ako sa bar ng hotel namin. Hindi ko kaya yung maingay na tugtugan dun kapag ganito ang nararamdaman ko. Naglakad ako sa may pool area ng hotel at tumayo ako sa may terrace dito.

"Ang sakit naman mabasted sa taong mahal na mahal mo." Bulong ko at hindi ko na napigilang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa tinatago.

Umupo ako sa upuan na malapit sakin at tinitigan lang ang magandang view ng beach dito. Ang sarap lang ng hangin, bawing-bawi ang init kanina. Good thing na rin na late na dahil wala na masyadong maingay dito sa labas, mga nasa bars na ang mga karamihan.

Ganito pala yung feeling na mabasted. Noong college kasi kami noon, madali ko lang naligawan si Mika dahil super close naman talaga kami nun, kilalang-kilala niya ako. Pero ngayon, hindi. Hindi na niya ako kilala.

Hinawakan ko ang kamay ko. Hinaplos ko ang singsing na suot-suot ko. Yung singsing ni Mika na napulot ko noon sa gym ng La Salle.

"Kailan ba tayo makakabalik sa dati? Miss na kita, sobra." Bulong ko habang tinititigan ang singsing na suot ko.

"Sinong namimiss mo?"

Halos malaglag ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Mika?!"

"Shh, ingay naman."

"Ginulat mo kaya ako." Naiirita kong sabi at tinawanan lang niya ako. "Bakit ka nandito?"

"Ikaw lang ba pwede?" Sabay tawa niya. Inirapan ko na lang siya muling ibinalik ang atensyon ko sa beach.

"Marunong ka pala umirap Vic." Natatawang sabi niya pero hindi ko na lang pinansin. "Pero masungit ka naman, so di na dapat ako nagulat na marunong kang umirap."

Nabalot kami ng katahimikan. Naramdaman kong umupo siya sa may tabi ko at huminga ng malalim.

"I understand kung bakit ka ganyan sakin." Sabay hinawakan niya ang braso ko. "Vic, i'm sorry."

Napayuko na lang ako nang marinig ko yun. Dalawang salita na dumudurog ngayon sa puso ko.

"Hindi pwede Vic kasi--"

Hindi ko na kayang marinig ang mga sasabihin niya. Ang mabasted palang, masakit na. Paano pa kung malaman mo ang rason kung bakit ka niya binasted di ba?

Tumayo na ako at naglakad na papalayo sa kanya.

"Vic." Rinig kong tawag niya sakin pero hindi ako nagpatinag.

"Vic naman eh." Sabi niya nang maabutan niya ako at nahawakan ang kamay ko.

"Bakit ka ba ganyan Vic?" Tanong niya sakin pero hindi ko siya pinapansin. "Ang selfish mo. Sana naman pakinggan mo kung anong reason ko."

"Ako pa ang selfish?" Tanong ko naman sa kanya. Kitang-kita kong napakunot ang noo niya.

"Bakit mo ko iniwan dati? Sana hinintay mo ko bago ka umalis. Alam mo ba kung gaano kahirap sakin na hintayin ka sa loob ng dalawang taon? Mika, ang sakit lang na kahit alam kong may choice akong sundan ka pero hindi ko ginawa kasi mas inisip kita, yung career mo. At ngayong nandito ka na, hindi ko pa rin alam kung paano ko ipaparamdam sayo 'tong nararamdaman ko."

"Huh? Di kita maintindihan, Vic." Gulong-gulong sabi ni Mika sakin.

Tss, expected ko na yan.

Hindi ako nagsalita kundi tinanggal ko ang suot kong singsing at kinuha ko ang kamay niya at binigay ko sa kanya. Pagkatapos nun, tumakbo na ko papalayo sa kanya.

Mabilis akong nakarating sa kwarto ko at doon ko binuhos lahat ng iyak ko. Wala pa naman talaga akong balak na umamin sa kanya na wala na kong amnesia pero ayaw ko ng patagalin 'to. Kung may balak akong ligawan ulit si Mika, yun dapat ang una kong gawin. Ang aminin na wala na akong amnesia pero akala ko maganda ang kapalit nun, hindi pala. Na-BH ako ng sobra kay Mika.

---

Sinadya ko talaga na maiksi 'to hehe.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon