nine

1.7K 59 7
                                    

MIKA

"Victonaraaaaaa!"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Kasalukuyang nandito kami ng Team FIVB sa Sandbox dito sa Pampanga. Napagdesisyunan nila na magkaroon kami ng mala-team buliding activity para mas maging close ang isa't-isa samin.

At ngayon nga, turn na namin ni Vic para sumakay sa mala-zipline ride dito. Grabe, sobrang nakakatakot, halos ihampas kami sa ere ng ride na 'to.

"Woooh, sarap nun!" Masayang sabi ni Vic habang tinatanggal ang harness samin. "Nag-enjoy ka ba?"

Napatingin ako sa kanya at inirapan ko siya ng bonggang-bongga.

"Oh bakit?" Natatawa niyang tanong sakin.

"Sa tingin mo ba nag-enjoy ako?" Tanong ko sa kanya at tinawanan lang niya ako.

Bumaba na kami at sinalubong kami ng secretary niya. Pumunta kami sa cottage namin kung saan nagpapahinga ang iba naming mga kasama.

"Shit, si Cienne. Nakakailang tawag na." Sabi ko pagkatingin na pagkatingin ko sa phone ko.

"Nako, kasalanan niya yan. Late na siyang gumising eh." Natatawa namang sabi ni Vic.

Pasaway kasi si Cienne. Gising na gising pa siya kagabi noong sinabi ni Vic yub sa dinner namin. Malakas yata ang tama sa kanya nung wine na ininom namin tatlo kaya ayun knockout sa kama. Ginising ko naman siya pero ayaw talaga niya bumangon. No choice naman ako dahil gusto ko rin talagang masubukan 'tong Sandbox na sinasabi ni Vic.

Maya-maya, napagdesiyunan naming i-try ang Archery. Go naman ako dahil naalala kong isa nga pala akong archer.

Sinuot namin ang mga kailangan na gears at inabot sakin ni Kuyang nag-aassist ang bow at arrows ko. Bigla naman akong napatingin naman kay Vic na happy na happy kasama ang secretary niya. Medyo malayo sila kaya hindi naman nila ako pansin dito.

"Aren't they sweet?"

Napatingin naman ako sa nagsalita at si Brody pala 'to. Isa siya sa mga British na kasama ni Vic.

"Are they together?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya. Ang tagal ko na rin kasing tinatanong yan.

"To be honest, we really don't know what's going on between them." Sagot ni Brody habang nakatingin kay Emily na tinuturuang pumana si Vic.

"But who knows, it's okay for me if they're together. They're sweet tho." Dagdag ni Brody at inayos niya ang sarili niya.

Tumaas naman ang kilay ko nang biglang tumingin at humarap sakin si Vic. Bigla niyang tinutok sakin ang arrow niya at umakting na pinana niya ako. Nanlaki lang ang mga mata ko at sabay pakita ng super poging smile niya.

Tinamaan yata ako..

Huh, what did I say?!

Pogi? Nah.

Tapos yung tinamaan? Psh.

Hala siya, wag mo nang itanggi na pogi siya dun.

Damn shit my conscience.

Oo na! Pogi ni Vic-- no, let's clear this. Gwapo siya. Nasabi ko naman na yata dati na umayos talaga ang itsura niya ngayon, talagang gumwapo ng sobra.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon