thirty-two

1.8K 70 8
                                    

VIC

"Whoaaa."

"Oh my ghaaad."

"Hala, ang ganda!"

"Welcome to the Sea Dream, ladies." Bati ng lalaking nagwelcome sa amin dito. "What can I help you?"

"Uhm, where's Mr. Torres?" I asked.

"Hmm, the Manager of this cruise ma'am?"

"Yes, where is he?"

"I think he's at the control room but you know that room is prohibited."

"Yeah I know, so where can I talk with him?" Tanong ko ulit.

"I'll just gonna call you in your room, so you can talk with him."

"Oh okay, thanks."

Umalis na ako at nilapitan ko ulit ang mga kasama ko.

"Guys, eto na pala yung room keys natin." Sabi ko at inabot sa kanila isa-isa ang room keys namin.

"Sosyal talaga eh, yung susi natin card oh." Sabi ni Kim.

"Syempre sosyaling cruise 'to noh." Sagot naman sa kanya ni Cyd.

Oo, kasama namin si Cyd. Kinausap kasi ako ni Kim tungkol dito. Pumayag naman ako kasi kaibigan din naman namin si Cyd noh, kaya Bullies featuring Cyd ang peg namin ngayon.

Umakyat na kami sa mga kwarto namin at inayos ang mga gamit namin. Sino pa nga ba ang kasama ko sa kwarto, edi si Mika syempre.

After naming makapag-ayos, chineck namin ang loob ng kwarto namin at ang sobrang ganda talaga. CR pa lang kabog ka na, pag pasok mo sasalubong sayo ang shower na naka glass window pa.

Pumunta din kami sa terrace at makikita mo ang tinaguriang Central Park ng barkong ito. Hindi pa gaanong kaganda ito pero ang sabi samin, maganda daw ang view nito kapag gabi dahil night lights neto.

Bago pa man kami makalabas ni Mika ng kwarto, nagring ang telepono dito.

"Mauna ka na dun sa labas." Sabi ko at sinagot ko ang tawag. Baka kasi ito na yung hinahanap ko.

"Hello?"

"Vic is this you?"

Automatic akong napangiti ng marinig ko ang boses ng nagsalita.

"Thooooom!"

"Araaay masakit sa tenga huy!"

Hindi ko naiwasang matawa sa sinabi niya.

"Oh ano na, Saan ka?" Tanong ko.

"I'm here sa board room eh, punta na lang kayo dito and I'll tell the guards na lang na papasukin kayo."

"Wait, saang deck yan?"

"Deck 2 bruh!"

"Sige see you Thom." Sabay baba ko ng telepono.

Agad akong lumabas at nilock ang kwarto namin ni Mika.

"Guys, tara sa deck 2." Paanyaya ko sa kanilang lahat.

"Anong gagawin natin dun?" Tanong ni Mika.

"May ipapakilala ako sa inyo." Nakangiti kong sabi sa kanila. "Actually, kilala niyo nga rin siya eh."

"Hah? So may Filipino rin dito?" Tanong naman ni Kim.

"Oo naman, may mga Pinoy na nagtatrabaho sa barko di ba? So, hindi rin malabo kung may bakasyonistang Pinoy dito." Sagot ko.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon