VIC
Isang araw ko lang hindi makita ang mahal ko, grabe halos di ko kayanin.
Napagdesisyunan kasi ng barkada na magpahinga muna ang lahat kahit isang araw o dalawa man lang.
Kaya naman todo tingin ako lagi sa phone ko para tignan ang mga pictures ni Ye dito. Para na nga akong baliw dito eh, sobra ko kasing namiss si Mika kaya pasensya naman.
Pinilit ko rin na wag muna magtext sa kanya kahapon para mamiss niya ako, pero ako talaga miss na miss ko na siya sobra! Kaya naman bibisitahin ko siya sa condo niya later.
Pero bago ako pumunta dun, napagdesisyunan ko munang mag gym para naman mawala yung fats ko noong nasa cruise kami. Jusko, wala yatang oras na hindi talaga kami kumain. Palibhasa itong si Thomas panay alok din ng pagkain samin kaya ayun tanggap ko naman.
Pumunta ako sa gym na malapit lang sa condo ko. Nagjogging nga lang ako papunta dun kaya medyo sweaty na ko pagdating ko sa gym.
Buhat, takbo, buhat, takbo. Paulit-ulit lang ako hanggang sa mapawisan ng todo.
Naalala ko yung pinag workout ko si Mika sa beach house ni Kim. Tamad na tamad gumalaw, player pa man din siya at ang malala pa eh babalik na rin siya sa US next week kaya dapat talaga nagbabawas na siya.
Habang nagbubuhat ako ng dumbells dito, nakikita kong pinagtitinginan kami ako ng ilang tao especially girls. Well, sanay naman ako dyan lalo na't ang sexy ko ngayon. Hindi naman kasi ako nanaba ng sobra sa cruise, sakto lang kasi may gym din sa cruise kaya nai-maintain ko ang katawan ko.
Ngiti-ngiti na lang ako kapag nahuhuli kong nakatingin sila sakin pero not in a malandi way ah, yung mabait lang.
After of three hours na pagwowork out ko, bumalik na rin agad ako sa condo ko at nagshower. Dadaan pa kasi ako sa grocery para bumili ng foods namin ni Mika. Balak ko kasing mag-overnight sa kaniya, namiss ko kasi siya eh.
Bumili lang ako ng snacks and other finger foods lang. Hindi na ko bumili ng pang meals namin kasi knowing Mika, merong stock yun sa fridge or kung wala, edi order jusme.
Maya-maya ay nagdrive na ko papunta sa kaniya. Tinext ko nga muna siya kung nandun siya sa condo niya without giving her a hint na pupunta ako dun.
Natuwa naman ako nang malaman ko agad na nasa condo niya lang siya, agad ko ng pinaharurot ang sasakyan para makarating na ko.
"Ding dong"
"Hi good afternoon." Nakangiti kong bati pagbukas na pagbukas niya ng pinto.
Agad naman na ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.
"Namiss mo ko noh?" Mapang-asar kong tanong at nifacepalm lang niya ako.
Hinila na niya ako papasok sa condo niya at umupo kami sa sofa.
"Bakit ka pala napabisita?" Tanong niya sakin.
"I visited you kasi sobrang namiss kita kahapon." Mabilis kong sagot while taking my bag off.
"Hmm, have you eaten na ba?" Tanong niya at binuksan niya yung tv.
"Ah yes before I went here." Sagot ko at binuksan ko yung bag ko.
"I bought some snacks pala oh, your favorites."
Agad niyang tinignan ang laman ng bag ko at nanlaki naman ang mga mata niya.
"You really know me too well, Vic." Sabi niya while getting here fave snacks in my bag.
"Ako pa ba?" Tugon ko.