VIC
Two years ago..
"So, anong balak mo?" Tanong ni Kiefer at uminom ng coffee niya.
Walang iba ang nasa isip ko kundi si Mika. Hindi ako papayag na maging ganito ang ending namin.
"Susunod ako sa kanya."
.
.
.
.
.Kung puso ko ang susundin, gustong-gusto kong sumunod sa kanya sa States. Pero yung utak ko, parang ayaw.
Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang pag-iisip ko. Inisip ko na lang si Mika. Paano kung sa pagpapakita ko sa kanya, siya naman ang maguluhan? Alam ko na pangarap niyang makapaglaro sa ibang bansa pero ayaw kong sirain yun nang dahil sakin.
Isang linggo kong pinag-isipan kung tama bang sumunod ako at ipaalam sa kanya at sa mga tao na nakakaalala na ako. At yun nga, nabuo ang desisyon ko na hindi, wag muna. If we're really meant for each other, love will find a way. Yan ang pinanghahawakan ko sa ngayon, bahala na si Batman, ika nga ng iba.
Nang malaman ng family ko na maayos na ako, kinausap ako ng Mama ko na sumunod sa kanya sa England at doon ipagpatuloy ang buhay ko.
Nagpaalam ako ng maayos sa pamilya ni Kiefer, hindi naman ako pwedeng forever na manirahan sa kanila. Sobra talaga ang pasasalamat ko sa kanila, sa pag-aalaga at pagkupkop na rin sakin.
Malungkot ang pamamaalam ko sa kanila lalo na kay Kiefer. Alam kong may mga pinagdaanan kaming sumubok talaga sa pagkakaibigan namin pero nandito pa rin kami, matatag pa rin bilang magbestfriends na nga. Natutuwa ako dahil naging kaibigan ko ang tulad niya.
"Ingat ka dun Ara ah. Wag mong kalimutang tumawag o kaya kahit magvideocall ka man sakin."
Maiyak-iyak na paalala sakin ni Kiefer bago ako pumasok sa departure area.
"Ano ka ba, syempre tatawag ako sayo noh! Hinding-hindi ko malilimutan yun, bestfriend kita di ba?"
Sabi ko naman. Medyo naiiyak din ako pero kailangan kong maging tough dahil alam kong paghinayaan kong maiyak, lalo kong mamimiss 'tong mokong na 'to.
Sa loob ng two years na pananatili ko sa England, doon ko tinapos ang pag-aaral ko. Ayaw ko naman na kasing bumalik sa La Salle baka kasi alam niyo na, mapagkaguluhan ako dahil nakabalik na nga ako.
Alam kong kaibigan ko sila Kim pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na wag din ipaalam sa kanila kung anong meron sakin. Bale, ang buhay ko sa England ay sobrang tahimik. Masaya ako na walang nakakakilala sakin except sa Mama ko at sa iba kong naging kaibigan.
Hindi rin nawala ang pagmamahal ko sa larangang Volleyball. Kahit nagka-amnesia ako, hindi ko naman nakalimutan kung paano maglaro ulit ng Volleyball. Sa una, medyo nangangapa pa ako pero habang tumatagal, nakakabalik ako sa dati kong paglalaro.
Nang makagraduate ako sa England, naghanap ako ng trabaho na related sa Volleyball. Dahil may background naman talaga ako, I worked as an assistant coach sa university na pinasukan ko sa England at ng tumagal, naging coach na rin ako ng team ng magretire ang dating coach.
Naging effective naman ang pagiging coach ko sa team ko, umabot din ako sa mga international leagues. Ewan ko lang kung nakilala ako ng ibang mga Pinoy na nakakakilala sakin noon. Pansin kong hindi na dahil siguro ang tagal ko ng nawala, di na rin nila ako naaalala at mabuti yun.
At kamakailan lang, bumuo ako ng isang organization kung saan sinusuportahan neto ang mga batang nangangarap maging sikat at magaling na volleyball player in the future. Binuo ko ito kasama ang mga iba't-ibang coaches sa England at ibang players ko na grumaduate na rin.