VIC
Gulat na gulat si Kim nang makita niya ako. Gusto ko nga ring matawa dahil nakikita ko sa peripheral vision ko si Mika na nagpipigil ng tawa. Kahit kailan talaga ang sama ng ugali niya lol. Pero yung itsura talaga ni Kim, ang benta.
Pumasok na kaming tatlo sa loob at lalo kaming namangha ni Mika. Simpleng bahay siya tignan sa labas pero sa loob super rak na.
Kita namin ang lights sa may pool area pero hindi muna kami dinala ni Kim doon. Pumasok kami mismo dun sa loob ng bahay at muli na naman kaming napahanga ni Mika sa nakita namin.
"Kaninong bahay ba 'to? Isa sa kambal or sa kanilang dalawa?" Tanong ni Mika kay Kim.
"Nope, para sa lahat ng family nila 'to. Syempre dahil bigatin na rin ang sahod ng kambal pati na rin si Ate Cha, kaya nagpagawa sila ng ganito." Kwento naman ni Kim. "Dream house daw kasi 'to ng mommy nila kaya binigay nila."
Kahit kailan talaga, super sweet nilang magkakapatid. Saksi ako sa ultimate bonding nila noong college pa kami lalo na nung naabutan ko pa si Ate Cha, idol ko pa nga siya noon.
"Nandito buong family nila ngayon?" Tanong ko naman.
"Umalis na sila Tita at yung ibang mga batang kapatid nina Cienne. Binigay na kasi ng mommy nila yung time para sa kambal ngayon kaya mga friends and some relatives nila ang nandito ngayon."
"So, meaning nandito si Ate Cha?"
Hindi ko na napigilang itanong. Shet, syempre idol ko siya at ngayon ko na lang ulit siya makikita!
"Yes, you got it right Victo." Sabay kindat sakin ni Kim.
Dinala kami ni Kim sa mismong sala ng bahay. Nandito rin ang mga regalo para sa kambal. Sumilip kami sa may pool area at nandun nga ang mga tao kasama na ang kambal.
"Lakas talaga maka The Palace neto Kim!" Tuwang-tuwa na sabi ni Mika habang nakasilip sa bintana.
"Dito ka muna Vic ah, surprise namin sina Kambal." Sabi sakin ni Kim.
Binigyan ako ng instructions nila Mika. Kinakabahan din ako dahil puro close friends pala namin ang nandito, most of the guests are Lady Spikers pala.
Lumabas sina Mika sa may kitchen para pumunta dun sa may stage. Mula sa bintana, nakita kong sinalubong ng Kambal si Mika at naglakad sila patungo malapit sa stage. May beso session pa nga. Nakita ko naman si Kim na umakyat sa may stage at pinahinaan niya yung music sa DJ.
"Good evening guys." Rinig kong bati ni Kim sa labas. "I think kumpleto na tayong lahat dumating na si Mika na always late pagdating sa mga ganitong party."
Narinig ko naman ang tawanan nila mula sa labas at patuloy na nagsalita si Kim.
"Ngayon, actually hindi ko rin ineexpect 'to na magdadala ng isang malaking surpresa si Mika."
Umayos naman ako at may mga maid na tutulong sakin sa pagbukas ng front door.
Panigurado nagtatanong na ang lahat kay Mika kung anong surpresa yun.
"Ilabas na nga 'yang surpresa na 'yan." Sigaw ni Kimmy at tumalikod na ako.
Nang marinig kong bukas na talaga ang pinto ay dahan-dahan ang umikot paharap sa kanila at ngumiti.
Kitang-kita ko sa mga itsura nila ang gulat. Ang sarap nga videohan kasi ang lalaki ng mga mata nila at laglag panga talaga. Alam kong good looking ako pero wag naman sana nila ipahalata. #char
Bumaba na ako ng hagdan at naglaka ako palapit sa Kambal. Feeling ko nagsslomo din sakin ang mga kaganapan ngayon. Kinakabahan nga din ako kasi hindi ko alam kung anong magiging reaction nila after ng gulat.