MIKA
"Vic." Gising ko sa kasama ko ngayon. Umaga na kasi at pasikat na ang araw. Ayokong mamiss naming dalawa ang ang ganda ng ulap dito.
"Ah, ayaw mong gumising ah." At ayun kiniliti ko na siya sa bewang niya. Medyo gumagalaw-galaw na siya pero ayaw pa rin dumilat.
"Maaga pa Mika." Sabi niya with her husky morning voice.
"Ayaw mo talaga?" Tanong ko ulit at pinaulanan ko na siya ng halik sa mukha.
Naalala ko kasi noong college pa kami, isa sa mga pang gising ko sa kanya yung pagkiss sa mukha niya every morning. Although ang sweet nung ganung way, ayaw niya ng ganun kapag ginigising talaga siya. Kakaiba lang minsan si Vic.
"Tama na.." Rinig kong sabi niya.
"Bumangon ka muna, daliiii!"
"Oo na." At dun lang ako tumigil sa paghalik sa kanya.
Hinila ko siya para makabangon siya agad. Pinagkusot ko muna siya ng mata niya at nang okay na siya, niyaya ko na siyang maglakad papunta sa pupuntahan namin.
Nang marating namin yung mismong cliff, napatingin ako kay Vic at expected ko na ang magiging itsura niya.. nganga.
"Whoaaa, paano mo 'to nalaman Mika?" Tanong niya sakin habang mangha na mangha siya.
"Sabi ko na, hindi mo 'to alam."
"Nasaan ba kasi talaga tayo?"
"Alam mo ba yung movie na That Thing Called Tadhana?"
Tinignan lang niya ako at parang may iniisip siya.
"Wait, parang may nagsabi na niyan sakin eh." Sabi niya tapos sabay palakpak niya. "Ay oo! Yan yung kinuwento sakin nila Kiefer noon, sabi nila maganda nga raw dito."
"Oo tapos dito sila sumisigaw noon eh, naglabas lang ng sama ng loob ganun." Kwento ko naman.
"So, gusto mo sumigaw?" Tanong niya sakin.
Nginitian ko lang siya at lumapit pa ako doon sa may cliff para pumwesto.
"Gooood moooorning Viiiiiic!" Sigaw ko at tumawa.
Lumingon ako sa likod ko at tawa lang din ng tawa si Vic habang kumukuha ng pictures. Infairness talaga kay Vic, masipag siyang kumuha ng pictures ko.
"I love you Viiiiiiiiic!" Sigaw ko muli at nagulat ako nang biglang umakbay sakin si Vic.
"Ang aga namang pakilig niyan." Nakangiti niyang sabi at sinundot niya ang bewang ko.
"Wala ba akong 'i love you too' dyan?" Tanong ko naman at yumakap ako sa kanya ng pa side.
"I love you too." Bulong niya sakin.
"Ano? Di ko marinig." Kunwari ko namang sabi. "Isigaw mo na kasi."
"Sige na nga.. I love you Mikaaaaaa!"
After niyang sumigaw ay nagtawanan lang kaming dalawa. Hindi ko talaga expected na mangyayari 'to. Kung nananaginip lang ako, mas gugustuhin kong wag ng magising kasi mas gusto ko na yung ganito kami ni Vic. Kung pwede lang na lumayo na kaming dalawa, gagawin ko talaga. Miss ko na talaga yung ganitong feeling, yung makasama mo talaga yung totoong minamahal mo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Grabe ang ganda talaga dun, Mika. Balik tayo dun kapag vacation natin ulit." Sabi ni Vic habang naglalakad kaming dalawa dito sa park na pinuntahan namin.