twenty-five

1.5K 64 6
                                    

MIKA

"Guys, Vic and I are dating."

"Oh my gosh!"

"Seriously?!"

"Sabi ko na nga ba, nangangamoy may magbabalik eh!"

Yan lang naman yung narinig namin ni Vic sa mga kaibigan namin. Natawa na lang kaming dalawa sa reaksyon nila.

"Seryoso na talaga 'yan? Baka joke lang ah." Sabi naman ni Camille at umiling naman kami ni Vic.

"Nagdedate na talaga kami ni Vic." Sabi ko.

"P-pero paano yung si Luke mo?"

Nang dahil sa tanong ni Kim, napatingin sakin si Vic.

"Sino yun?" Tanong niya.

"Di ba kinuwento ko na sayo na nagkaroon ako ng boyfriend? Siya si Luke tsaka di ba break na kami." Sabi ko kay Vic at mukhang naalala naman niya yun.

"Wait ano? Break na kayo ni Luke mo?!" Sigaw naman ni Cienne.

"Ah sorry di ko na kwento sa inyo!" Sabi ko naman. "Noong gabi kasing nagcruise tayo, nag-away kami tapos sabi niya magbreak daw kami kaya ayun, hinayaan ko at yun din ang dahilan kung bakit ako nag Baguio."

Mukhang nalinawan na sila sa paliwanag ko. Pero alam kong medyo magulo pa din sa kanila. Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari.

After ng inuman session namin dito sa terrace ng Kambal, bumaba ulit kami sa pool area para makiparty.

Natutuwa ako sa nakikita ko. Ang ganda lang tignan na buo na ulit kaming magbabarkada. Isama niyo na ring nadagdagan din kami dahil sa girlfriend ni Kim na si Cyd.

Masaya rin ako na makita si Vic na sobrang saya. Halos makita ko na nga pinaka dulo ng gums niya sa kakatawa at kakangiti. Thankful talaga ako na nakita ko siya ulit at dahan-dahan na kaming nakakabalik sa dati.

After ng ilang oras ng pagpapatugtog ng DJ dito ay napagod ang lahat at ang iba naman ay isa-isa ng nagpapaalam. Nang kumonti na ang tao, nalagdesisyunan naman naming magbabarkada na magswimming para mas magising ang diwa namin.

Ang galing nga ng Kambal dahil nagready na rin daw sila ng pamalit namin except kay Vic. Pero nagsabi naman si Vic na may baong siyang damit sa sasakyan niya kaya wag na kami mamroblema.

Habang nagsswimming kami ay umiinom din kami ng wine. Minsan lang naman kami mag ganito kaya lulubusin na namin. Tabi-tabi nga rin ang magpapartners eh. Magkatabi sina Carol at Camille sa may gutter ng pool. Kami naman ni Vic at nakaupo sa hagdan ng pool pero half ng katawan namin ay nasa tubig. Samatala naman si Kim ay dinamayan si Cienne. Umuwi na kasi si Cyd dahil may importante pa raw siyang gagawin kinabukasan. Workaholic na rin ang lola mo.

"Kailan ka nga pala aalis Vic?" Tanong ni Kimmy sa kanya.

"Uhm, depende. Hindi ko pa alam sa ngayon." Sagot ni Vic at linaklak ang hawak ng niyang baso na may lamang wine.

"Since buo na tayo ngayon at konti na lang babalik na si Yeye sa U.S, bonding naman tayo guys." Request ni Camille.

Tama. Yan talaga gusto kong ipush bago ako bumalik ng US. Since meron na lang akong three weeks na natitira, i'll make the most of it with them lalo na sa family.

"Actually guys may naisip ako eh." Sabi naman ni Vic na dahilan ng pagtingin naming lahat sa kanya.

"Since na sabi niyo na rin na gusto niyo ng bonding, why we don't try cruising?"

"Haha, san Vic sa Pasay tulad nang ginawa ni Kim?" Natatawang reaksyon ni Carol.

"Huy hindi noh. Sa Singapore!" Masayang sabi ni Vic pero ang iba samin ay hindi makapagsalita. Alam ko naman kung bakit, mahal kasi yun.

"O, ayaw niyo ba?" Tanong ni Vic saming lahat.

"Sigurado ka ba dyan Vic?" Tanong naman sa kanya ni Kim. "Pwede naman dito sa Pilipinas lang."

"Seriously Kim? Alam niyo ngayon ko lang narealized na halos nalibot na pala natin ang Pinas." Sabi ko naman sa kanilang lahat. "Look, ever since nung college nagsisimula na tayong magtravel kung saan-saan right? Lalo na nung isinama ko kayo sa project ng FIVB ni Vic."

"That's why naisip ko yung cruising guys. We're old enough naman na to try something different and cruising yun." Dagdag ni Vic.

"Pinag-usapan niyo talagang dalawa 'yan noh?" Natatawang tanong ni Camille.

"Uy hindi ah." Sabay naming tanggi ni Vic.

"Pero may point sila guys, bakit hindi natin itry yun?"

Mukha naman mapapapayag na namin si Cienne dito.

"I know na may kamahalan talaga yung cruise pero sobrang worth it nun guys." Dagdag ko pa para mapapayag ko 'tong tatlo. Si Cienne kasi mukhang aanib na samin ni Vic.

"And since birthday naman ng Kambal, eto talaga regalo ko para sa kanila of ever na papayag nga sila about this."

"OMG! Seryoso Victo?"

"Shit ka, grabe ka mangsurprise Victonara ah!"

Reaksyon ng kambal sa sinabi ni Victonara.

Napatingin naman ako sa dalawa ni Kimmy at mukhang no choice na sila kundi sumama.

"Pero guys, since ngayon ko lang naman talaga kayo makakasama ng bonggang-bongga.. sagot ko na yung cruise niyong lahat."

Halos magkasigawan kaming lahat dito sa pool.

Iba na talaga si Vic. Ito yata yung sinasabi niya sakin kanina. Tumingin nga siya sakin at kumindat ang loko.

"Eh kung ganun, sasama na talaga kami." Tuwang-tuwang sabi ni Carol.

After namin sa pool, nagshower kami para makapagpalit na at makapagpahinga na. Meron daw kasing dalawang master bedroom dito sa bahay ng Kambal kaya dun na muna daw kami magstay ngayong gabi.

Pero bago kami matulog ay nag-usap usap muna kami sa dining area. Hinayaan naming magplano si Vic dahil siya naman ang nakaisip nito. Sagot niya at cruise pero ang plane tickets papuntang Singapore hindi na, lugi na raw kasi siya haha. Pero sobra naman na talaga kung sasagutin niya yun. Naikwento rin niya na may kakilala siyang taga Singapore na nagtatrabaho sa isang cruise ship kaya mabibigyan siya nito ng discount. Settled na rin ang date, next week na ang alis namin kaya bukas na bukas ay aayusin ng apat yung mga passports nila.

Naisipan nga rin ng barkada na bumisita raw kami sa mga kanya-kanya naming probinsya bago magbumyahe patungong Singapore. Mukhang maganda din naman yung idea kaya pumayag na rin ako. Siguradong magugustuhan ito nila Mommy dahil sa wakas kumpleto na rin nilang makikita na buo ang barkada ko lalo na si Vic.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon