eight

1.7K 69 11
                                    

VIC

Nakakainis lang isipin na ang bilis matapos ng bawat araw. Ganun ba pag masaya, mabilis natatapos ang bawat araw? Masaya ako pero nalulungkot at the same time.

We're here now at Pampanga. It's nice to be back and nakasama ko na rin ang Tatay at Kuya ko. Hindi ako sumama sa school invasion ni Mika kanina, pinili kong magkaroon ng alone time with my family secretly.

Secretly? Kasi nasa Pampanga ako. Although it's been two months at nakalimutan na ako ng iba, pwede pa rin nila akong makilala at ipagkalat na ako na ulit 'to. Ayaw ko muna dahil kay Mika. Gusto ko, alam lang ni Mika na may amnesia pa rin ako.

Ngayon, nasa hotel na kami dito sa Clark. We'll be spending two days here, so we have our last day here tomorrow. Nasa room ko ako ngayon pero hindi ako makatulog. Para bang ang dami kong problema na iniisip. Tulad na lang na hindi ko alam kung anong mangyayari samin ni Mika kung malaman niyang nagkukunware na lang ako or umamin ako sa kanya. I just don't know what will happen, go with the flow na nga lang di ba.

Sa sobrang inip ko, lumabas ako ng room ko at nagpunta sa mini bar ng hotel na 'to.

Wala ng tao dito, except the bartenders. Umupo ako sa may counter at umorder ng drink ko.

"Here ma'am." Abot sakin ng bartender.

Dinala ko ang inorder kong wine at lumabas sa may pool area ng hotel. Akala ko nga namamalik-mata lang ako but Mika is here na nakaupo sa gutter ng pool at para bang may kausap sa phone.

"Hey." Tawag ko sa kanya at napalingon siya sakin.

"Uy." Sabi naman niya sabay tago ng phone niya sa jacket niya.

"Why are you still up?" Tanong ko at binuksan ko ang wine.

"Uhm, may kinausap lang." Sagot niya at nilaro ang tubig sa pool gamit ang paa niya. "How 'bout you? May pupuntahan pa tayo tomorrow right?"

"You want?" Alok ko sa kanya at hindi na siya nag-isip at nakinom siya sa baso ko.

"Hmm, marami lang akong iniisip na hindi ko naman dapat isipin." Sagot ko sa tanong niya. "Weird noh?"

"You know, may pagkaweird ka nga eh."

Napatingin naman ako sa kanya at binigyan siya ng why look.

"You seem to be a serious person tapos mamaya ang friendly mo na then ang saya mo then later on, babalik ka sa dati mong mood." Natatawa niyang sabi at uminom ulit ng wine.

"I don't know also." Sagot ko. "Ganun lang talaga siguro."

Medyo nanahimik ang atmosphere naming dalawa. Siya patuloy lang sa paglalaro ng tubig sa pool at hawak ang phone niya. Samatalang ako naman, nakatingin lang sa stars. Weird lang kasi parang ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng sky tuwing gabi. Stars make the dark sky shine everynight.

"You know, may kilala akong tao na katulad na katulad mo."

Napatingin naman ako sa kay Mika at medyo kinabahan ako.

"Nagkaroon kasi ako ng partner noon, hawig mo nga siya eh. Kaso nawala siya."

Kita ko sa mga mata niya ang lungkot na nadarama niya.

"Nawala?" Tanong ko naman. Kunware na lang hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Oo, everything was almost perfect for us kaso naaksidente siya." Sabi niya at nilapit niya ang mga binti niya sa dibdib niya at niyakap yun.

Ramdam ko talaga na malungkot siya. Gusto ko siyang yakapin bilang Vic na walang amnesia. Gusto kong umamin pero hindi pa ito ang tamang oras.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang marinig kong umiiyak na siya. Nagdadalawang isip naman ako kung hahawakan ko siya. Nabigla na lang ako nang sumandal siya sa bisig ko. Wala na akong magawa kundi ang yakapin siya ng pa-side.

SWITCHED (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon