VIC
"Ye, gising na." Sabay kalabit ko sa katabi ko. Dahan-dahan siyang gumalaw at minulat ang mga mata niya.
"Sabi ko sayo nandito pa rin ako pag gising mo." Malambing kong sabi sa kanya at ngumiti naman siya.
Nandito na kasi kami ngayon sa Baguio. Inayos na namin ang mga gamit namin at bumaba na ng bus.
"Saan ka?" Tanong ko kay Mika at hinawakan ko ang kamay niya.
"To be honest, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko dito." Sagot niya sakin.
Pasaway na bata. Eh bakit kaya siya nagpunta dito? Siguro nakatadhana talaga kaming magkita ngayon.
"So, ano yun.. soul searching lang?" Tanong ko ulit.
"Oo." Natatawa niyang sagot. "Ikaw ba bakit ka nagpunta dito?"
"Actually, may mga kasama ako eh. Hindi lang ako nakasabay sa kanila kasi may ginawa pa ko sa Manila." Sagot ko naman.
"So, dito na yata tayo maghihiwalay." Sabay bitaw niya sa kamay ko.
"Una na ko. See you when I see you here ah?" Sabay kaway niya sakin at naglakad palayo.Shit, oo nga pala. Pero hindi, ayaw ko maghiwalay kami ngayon. Hindi naman sa umaasa ako, pero feeling ko ito na talaga eh. Ito na yung time na pwede kong maibalik ang dating kami.
Langya, ang bilis naman niyang makalayo. Papalabas na agad siya ng terminal kaya tumakbo na ako papunta sa kanya.
"Hey!" Tawag ko at hinawakan ko muli ang kamay niya. "I won't leave you alone here."
Napatitig lang siya sa kamay naming magkahawak kamay.
"Sasamahan kita.. kung gusto mo lang naman." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Eh paano yung mga kasama mo?" Tanong naman niya.
"Psh, matanda na sila at marami naman silang magkakasama. Yaka na nila yun." Sagot ko naman. "Tara na?" Tanong ko at tumango naman siya.
Shit! Sabi ko na nga ba ito na talaga yun. Alam kong parehas pa kaming naguguluhan dito pero sinisigurado kong bago kami umalis ng Baguio, maayos na kaming dalawa.
Naglakad-lakad kaming dalawa kung saang hotel kami pwedeng magcheck in. Hindi ko na chineck kung saan yung hotel nila Kief dito, ayoko kasing magkita-kita kami ngayon. Feeling ko masisira ang araw ko pag nakita ko sila eh.
"What?! Isang room na lang pwede?" Rinig kong tanong ni Mika sa Ateng nag-aassist dito sa hotel na pinuntahan namin.
"Opo ma'am. Naka reserve na po kasi ang karamihan ng rooms dito. Sorry po."
Sinabihan ko na lang si Mika na umalis na lang kami kesa sa makipagtalo pa kami dun. Halos lahat yata ng hotel na pinuntahan namin, puno na o kaya may isang room na lang na pwede. Ayos lang naman sakin kung magsama kami sa isang room lang eh pero kung ayaw naman ni Mika, wag na natin ipilit kaya nga siya na lang yung pinakakausap ko twing may pupuntahan kaming hotel.
"So, saan na tayo neto?" Tanong ko sa kanya.
"Haaay. Wrong timing naman mga hotel dito, bakit ganun?"
Hanep na yan. Sinagot din ako ng tanong ng babaeng 'to.
Hinatak ko na lang ulit siya para maghanap ng pwedeng kainan. Gabi na rin kasi kaya kailangan na naming kumain.
Pagkahanap namin ng pwedeng kainan dito, nag-order agad kaming dalawa. Puro sinabawan mga inorder namin dahil sobra talaga ang lamig dito sa Baguio. Lakas mga ibang bansa ang feels dito.